Chapter 5 - Friends

865 46 5
                                    

Nadine's POV

Nagising ako ng konti dahil sa pagtapik saakin ng nagbabantay na supervisor kanina jan sa labas.

" Gising na kayo, maaari na kayong umalis dito. Reccess na at pwede na kayo umattend sa mga classes nyo pagkatapos ng reccess. " Pagkasabi niya nun ay pumunta na siya sa pinto at lumabas.

Nung tuluyan ng nagising ang diwa ko, naramdaman kong nakasandal ang ulo ko sa balikat ni James at ang ulo niya naman ay nakapatong sa ulo ko.

Nakatulog kami sa ganong posisyon?!? WTF?!

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

*tug dug tug dug tug dug*

Gustuhin ko mang tumayo na at magwala dahil sa sobrang kakiligan pero hindi ko magawa dahil nakapatong ang ulo niya sa ulo ko so baka mahulog pa yung ulo niya kapag tumayo ako. I'm not that rude naman no.

" James. Jaaames. " Tinapik ko yung lap niya.

" Mmmmmm... " Naramdaman kong gumagalaw yung ulo niya.

" Yeah? " Sabi niya in a husky voice. Nakakainlove ang bosesssss.( ⬛️🔻⬛️ )

" Sabi ng supervisor, pwede na raw tayo umalis at pumasok pagkatapos ng reccess. " Sabi ko habang dahan-dahang tinatanggal ang ulo ko sa pagkakasandal sakanya. Hindi nanaman siguro mahuhulog yung ulo niya kasi gising na siya.

Tumayo na ako at lalabas na sana habang siya ay kinukusot-kusot pa ang mga mata niya.

Bubuksan ko na ang pinto nang biglang...

" I'm sorry. " Mahinang sabi ni James.

Napatigil ako. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Nananaginip ba ako?

Whaaat is happenning?

Peri sige na nga papatawarin ko na siya para wala ng gulo atsaka pinakilig naman niya ako kanina eh.

Pero pagtritripan ko muna to last na, promise!

Lumingon ako sakanya ng may malapad na ngiti.

" What did you say? " Bwahahahaha!

" Shit! Don't make me say it again, idiot. " Sabi niya. Hindi ko nalang pinansin yung mga kasamang mura.

" Edi wag. " Sabi ko habang aalis na kunyari.

" I'm sorry! Sorry. " Halatang hindi siya komportable sa pagsosorry.

Tumingin ulit ako sakanya at lumapit.

Tumayo ako sa harapan niya habang siya ay nakaupo at nakatingala saakin.

Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa bewang ko.

" Okay! Apology accepted! Friends? " Inilahad ko ang kamay ko sakanya para makipagshake-hands.

Tinignan niya lang ito at parang nagdadalawang isip hawakan ang kamay ko. Ang weird naman nito.

Pero sa huli napangiti na lang siya at nakipagshake-hands narin.

Ngunit nung nagkadikit ang mga kamay namin ay nakaramdam ako ng kuryente. Hindi ko alam kung ano yun dahil ngayon ko lang nafeel makuryente kapag hinawakan ang isang tao.

Ngumiti na lang ako sakanya.

Pagkatapos non ay lumabas na kami ng sabay at inalok niya akong kumain ng reccess kasama siya. Friends nanaman kami so pumayag nako. Tinext ko na lang si Yassi dahil baka kasi hanapin pa niya ako.

To: Yassi

[Yas, hindi muna kita masasamahan ngayong reccess ha. Kasama ko si James. Huwag kang magalala dahil friends na kami. See you later :) ]

Lagi kasi kaming sabay. BFF nga kami diba? Kung isasama ko naman ngayon si Yassi ay baka hindi lang siya makakain ng mabuti dahil takot siya kay James.

Ililibre ako ni James ng Mcdo. At kung nagtataka kayo kung saan naman kami makakabili ng Mcdo dito sa loob ng school...

Tinawagan ni James ang driver niya na nakapark lang pala sa labas ng school para magpadrive-thru dito. Pumunta muna kami sa back gate para mabigyan ni James ang matandang driver ng perang pambili. Naghintay lang kami dun ng walang nagsasalita.

Nung bumalik na si manong driver dito sa back gate, iniabut na niya sa amin ang paperbag. Pagkatapos non ay bumalik naman kami sa canteen pero crowded na at maingay pa kaya sa ibang lugar nalang namin kakainin ang pagkaing libre ni James.

Nandito kami ngayon sa garden ng school malapit sa back gate. Napagisip-isip namig dito na lang kumain dahil tahimik dito at walang tao.

Meron kasing bench dito na nasa ilalim ng malaking puno. Kaya maaraw man, may shade naman.

Umupo na kami at nagsimulang kumain. Ang tahimik. Nakakabingi naman ang katahimikan dito.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

" Hey idiot.... " Sabi niya pagkatapos uminom ng Coke niya.

" Heeey! Why do you keep on calling me ' Idiot ' ? I thought we're friends now? " Napapabanat tuloy ako ng english. Nakakanosebleed.

" Cause its cute. " Tumingin siya sakin ng nakakaloko.

Waaaaaaahhh! Ang gwapo niya!!

" I have a name you know. " Ngumiti ako.

" Tss. " Sabi niya. Nilagay na niya ang mga pinagkainan niya sa loob ng paper bag at inilapag muna ito sa sahig dahil hindi pa ako tapos kumain.

Bumalik nanaman ang nakakabasag na katahimikan.

( - _ - )

Natapos na akong kumain. Nilagay ko na rin ang mga pinagkainan ko sa paper bag sa sahig. Tumingin ako sa relo ko dahil baka time na.

8:20 na pala, 10 minutes na lang at time na.

" James, balik na tayo sa classroom. 10 minutes na lang oh. "

Sabi ko sakanya pero pag tingin ko sakanya nakita ko siyang nakangiting nakatitig lang sakin. Kanina pa ba siyang ganyan? Bakit niya akong tinititigan ng ganyan at nakangiti pa siya ha!

( # • ~ • # ) Naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko.

Oh nooo! Baka kasing pula na ako ng kamatis ngayon.

Nakatitig parin siya kaya umiwas na lang ako ng tingin ko.

Tapos bigla ko na lang siyang narinig na tumawa ng malakas habang sa iba ako nakatigin.

Ppppsshhh! Pinagtawanan pako.

Sa iba parin ako nakatingin kasi nahihiya parin ako dahil nakita niya akong sobrang namumula kanina.

Nung narinig kong tumigil na siya tumingin nako sakanya.

Pero paglingon ko, ang nakita ko lang ay ang muka niya. Nakangiti siya ng sobra.

Ang lapit ng muka niya sa muka ko. Parang mga 2 inches na lang at magki-kiss na kami?!?

Napatitig tuloy ako sa muka niya.

* Mukang malalambot na labi

* Matangos niyang ilong

* At ang pinakamaganda sa muka niya, ang mga mata niya

Napatitig ako sa magaganda niyang mga mata habang nakatitig lang din siya sa labi ko.

Oh no! Plano ba niya akong halikan?!? Ang first kiss ko! Huwag naman sana! Di pako handa!!

" I like you. " Bulong niya habang nakatitig parin sa labi ko.

Whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaat!?! ( O _ O )

I Love You IdiotUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum