Chapter 4 - He Likes Her

1K 60 4
                                    

Nadine's POV

Friday na ngayon, at parang ayaw ko ng pumasok pero nandito parin ako ngayon sa hagdan papunta sa classroom ko. Pano ba naman, Tuesday, Wednesday, Thursday walamg ginawa sila James kung hindi pagtripan ako.

Ito ang mga nangyari - Nakita ko na lang yung bag ko sa classroom na nakakalat ang laman sa sahig, may nagpatid sakin sa canteen kaya nahulog ang binili kongh lunch, tapos may naglock saakin habang nasa loob ako ng cubicle sa cr. ( || - || )

Kakagaling ko lang sa library dahil may hinanap lang akong book na kailangan ko sa English subject ko. Ito ang dahilan kung bakit ako pumasok ng maaga. 6:00 ako nakarating ng school para lang mag-library. Pero hindi ko naman nahanap iyon dahil nung naghahanap ako sa mga shelves ay biglang may nahulog na mga libro sa ulo ko, pagtingin ko naman sa taas ng shelf kung saan nanggaling ang mga books wala namang tao.

Yun tuloy, nahuli ako ng mga librarians na nakaupo sa sahig at pinupulot yung mga nakakalat na librong nahulog. Baka akala nila nagkakalat ako dito. Pinagalitan nila ako. Pero habang pinapagalitan ako, may narinig akong mga mahihinang tawa sa kabilang side ng shelf pero hindi ko naman makita kung sino dahil may mga nakaharang na mga libro. Pero may hinala na ako. James. Nang matapos kung ayusin ang mga libro at ibalik ang mga ito sa shelf ay naglakad ako papunta sa kabilang side ng shelf at pagkasilip ko wala ng tao. Agad akong tumingin sa pinto at nakita ko dung nagmamadaling lumabas sila Bret at James na tawang tawa. Mukang tama nga ang hinala ko. ( - _ - )

Umakyat na ako ng hagdan. Pag-akyat ko nakakapagtaka walang tao sa corridor, 10 mins. pa naman ah bago mag bell. Hmmmm... Naglalakad na ako sa corridor nang...

Batuhin ako ng iba't ibang section ng 4th year na nadadaanan ko sa mga bintana nila.

Section D, section C, section B, section A.

Binabato nila ako ng sobrang daming papel. Tinakpan ko yung muka ko gamit ang bag ko. Anlalakas at ambibilis nilang magbato. Ang dami na tuloy kalat sa corridor parang dagat ng mga crumpled papers. Haaaaaaaay!!

Sumosobra na sila ha! Wala naman akong ginagawang masama sakanila.

Ang sasama talaga nila! Kapag nalaman ko talaga kung sino ang may kagagawan nito..... Masisigawan ko yon ng di oras. Aaaaaarggghhh!

Teka lang......... May hinala na ako kung sino ang nag utos sa mga to.

Si James! Tama!! Yung bully na yon!!! Aaaaaaaarrrgggghhhhhh!!!!! Nakakairita na talaga siyaaaaa!!! Mamamatay na yata ako sa galit.

Tumigil ako sa paglalakad at nakita kong nasa tapat na pala ako ng mga bintana ng section A.

Tinanggal ko ang nakatakip kong bag sa muka ko.

Tumigil na rin sila sa pagbabato. Dapat lang dahil wala naman akong ginagawa sakanila. (> • < )

" Hoooooooy!! Ano bang mga problema niyo?!? Ha?! Wala naman akong ginagawa sa inyo ha!! " Sigaw ko sakanila ng malakas.

Nagtawanan naman silang lahat ng malalakas. Parang mga kontrabida sa mga pelikula. Wow! Ang ganda ng sagot nila sa tanong ko ha! Mga baliw yata ang mga to eh!

" Sino nanaman ang may kagagawan nito ha!?!?! Si James no!?!?!

Hoy Jammmmeees!!! Lumabas ka dito!! " pagsigaw ko ng malakas na malakas.

Pero naisip kong bigla, nasaan na kaya si Yassi? Siguro nasa loob na yun ng classroom hindi lang ako matulungan kasi takot na takot talaga siya kela James. Hay. ( - _ - )

Biglang bumukas ang front door ng classroom ko at lumabas dun si James na may mukang nageenjoy sa mga nangyayari. Natahimik ang lahat nung lumabas siya. Suuuuus! Mga duwag.

I Love You IdiotWhere stories live. Discover now