"Kiesha!"
Napahinto siya sa paglalakad at hinanap kung sino ang tumatawag sa kanya.
"O, bakit para kang hinahabol d'yan ng kung fafa?" biro niya sa bestfriend niyang si Justine o kilala sa tawag ng "Jas". Scholar din ito ng unibersidad.
"Sana nga, may fafang humahabol, Charot!" sabi nito sabay tapik sa balikat niya. "Congrats, sister!"
Pailing-iling habang nakangiti siya rito. Paano kasi ilang beses na siya nitong binati sa pagkapanalo niya sa Quiz Bee at Essay Writting Contest na sinalihan ng bawat departamento sa kanilang unibersidad nuong nakalipas ng foundation day.
"Paulit-ulit, unlimited? Wow mayaman sa load." biro niya.
Ngunit imbes na sumagot ay hinila lang siya nito papasok ng department nila para maipakita ang Streamer na bumabati sa kanyang pagkapanalo.
"Oh IKAW na talaga te,"
"Tse para kang sira." nahihiyang sabi niya.
"Pahiya-hiya ka pa d'yan. You should be proud of yourself. Oh english yon ha maka-level man lang sa'yo kahit konte." nakangiting sabi nito. "Biruin mo, hakot mo lahat. Oh, 'di ba ang taray!"
Napailing nalang siya sa kaibigan. Pagbaling niya sa bandang kaliwa niya ay nakita niya si Pierre. Nakatingin din ito sa streamer. Kinikilig na kinakabahan naman siya ng makita ang guwapong mukha nito.
"Ay, hala nanalo lang napipe na ang gurlah." untag ni Jas. Na sinundang ang tingin niya. "Ay yay yay kaya naman pala, nand'yan si Prince Charming," biro nito.
"Jas, anu kaba Shhhh wag ka ngang maingay d'yan." sita niya.
Nakahinga s'ya nang maluwag nang lingunin si Pierre nang makitang may kumakausap sa binata kaya posibleng hindi nito narinig ang sinabi ni Jas. Kilala niya ang kausap ni Pierre. Si Serg, ang kaibigan at kasamahan nito sa basketball varsity team. Niyayaya ni Lian si Pierre na magpunta ng library for their assignmen. Computer Engineering ang kurso ng mga ito.
Sinundan nalang niya ng tingin si Pierre hanggang sa mawala ang mga ito at napabuntong hininga nalang siya.
Narinig niyang pumalatak si Jas.
"Tsk tsk tsk tsk, Hay naku, sister. Bakit ba kasi sa dami ng pwede mong magustuhan si Pierre Cruisse pa? May bowa na siya yun nga lang beauty nga waley namen jutak" sabi nito sabay hagalpak ng tawa.
Napabuntong hininga na lang siya saka niyaya si Jas sa tambayan nila. Isang oras pa kasi ang hihintayin niya para makita si Pierre. Hinihiling niya sana araw-araw nalang ang english nila ng araw-araw niyang makita ang binata. Pero laging si Sanja ang kasama nito na parang linta makakapit sa binata.
KEISHA's POV
NAKITA NAMAN NIYA YUNG STREAMER, PERO BAKIT HINDI NIYA AKO BINATI? HAY, KUNG ARAW ARAW NALANG SANA ANG ENGLISH DI SANA LAGING BUO ANG ARAW KO. HAY.... KUNG AKO ANG GIRLFRIEND MO HMMM EH, DI SANA PROUD BOYFRIEND KA NGAYON... TSK TSK TSK MAGANDA LANG ANG GIRLFRIEND MO. isip isip niya. (ay asyumera na 'tong si Keisha, pintasera pa hehehe)
