SERG's POV
NASA AUDITORIUM KAMI TO WATCH SANJA. AWARDING KASI NG MGA NANALO SA CONTEST AT MAY DANCE NUMBER ANG GRUPO NITO.
NANG DUMATING AKO DUN ANDUN NA SI PIERRE AT KASALUKUYANG KUMUKUHA NG MGA LITRATO MAYAMAYA PA AY NAGSIMULA NA PROD NILA SANJA AT KINUNAN ITO NI PIERRE. NANG MATAPOS SILA SANJA PUMUNTA KAAGAD ITO SA AMIN AT NANG MAKITA ANG CAMERA NA HAWAK NI PIERRE NAGPAKUHA ITO NG LITRATO KAYA NAKIUSAP SA AKIN SI PIERRE NA KUNAN SILA.
PAGKATAPOS KONG MAKAKUHA NG ILANG LITRATO NAGPAALAM NA SA AMIN SI SANJA PARA MAGBIHIS. MAYAMAYA PA AY NAKIUSAP SI PIERRE NA KAUSAPIN KO SI KEISA PARA MAGPALITRATO SILA NA SINUNOD KO NAMAN MATAPOS KO SILANG KUNAN NAGPAALAM NA DIN SYA SA AMIN.
HABANG SI PIERRE NANONOD NG PROGRAM AKO NAMAN AY INI-SCAN YUNG MGA PICTURES SA CAMERA NI PIERRE, DUN KO NAKITA ANG ILANG STOLEN SHOTS NI KEISHA HABANG NAKAUPO AT NAGHIHINTAY NA TAWAGIN ANG PANGALAN AT ANG KUHA HABANG TUMATANGGAP ITO NG MEDAL. KUNG HINDI KO ALAM NA GIRLFRIEND NI PIERRE SI SANJA IISIPIN KONG MAY GUSTO SYA KAY KEISHA DAGDAG PA YUNG PAGPAPAKUHA NILA NG LITRATO AT PAG AKBAY NITO. HMMM MUKHANG MAY NASE-SENSE AKO LOVETRIANGLE AH HEHEHE
EXCITING 'TO PIERRE CRUISSE TORN BETWEEN TO KEISHA THE SIMPLE SILENT ACHIEVER AT SANJA NA BEAUTY LANG WALANG BRAIN
"Pierre, kamusta hijo?" ani ng abuelo niya.
Tumayo siya upang salubungin ito at magmano. Ito naman ay bahagyang ginulo lang ang buhok ng binata at saka umupo sa katapat na upuan nito.
"Ano 'tong mga pinagkakaabalahan mo?" tanong nito habang nakatingin sa mga nakakalat na litrato sa mesa na ipinadevelop niya kahapon.
"Ah, wala naman po. Mga picture po namin ng grupo." tugon ni Pierre sa abuelo.
Tumango tango lang ito at saka isa isang tiningnan ang mga litrato. Napangiti lang ito nang makita ang litrato nila ni Sanja.
"Sanja is pretty, Sure ka na ba sa kanya?" sabi nito.
Naipakilala na niya ito sa abuelo.
"What do you mean 'Lo?" nagtatakang tanong niya.
"Wala naman hijo, karamihan kasi sa kabataan ngayon ay mapusok at padalos dalos." ani ng abuelo.
"Naintindihan ko po kayo, wala pa naman po sa isip ko ang mag asawa," tugon niya.
Tumango tango lang ang matandang Cruisse.
"Isa pa mga bata pa po kami 'Lo."
"Dapat lang Ap--."
Natigilang ang abuelo niya ng makita ang litrato nila ni Kei. At ang mga stolen shots nito.
"Sino itong magandang dalaga na kasama mo? Kaklase mo ba sya?"
"Ah, She's Keisha Fontanilla 'Lo, kaklase ko sya sa department nila ako kumuha ng English ng mapagsarhan ako sa deparment namin. Applied Mathematics ang kurso niya." pagpapakilala niya rito. "Why 'lo?"
"Nothing hijo. It's just that napakasimple nya like your lola when I first saw her. Na-in love agad ako sa kanya and I said I will do everything maging girlfriend ko lang sya." ngingiti ngiting kuwento nito.
Nung inabot ng abuelo sa kanya ang larawan ay napagmasdan niya iyon. Talagang maganda si Kei, bumagay ang maliit na mukha nito sa matang tila laging nakangiti at nangungusap at mahabang buhok na malambot at mabango.
PIERRE's POV
PUMUNTA AKO NG AUDITORIUM TO WATCH THE AWARDING AT SYEMPRE PARA PANUORIN AT SUPORTAHAN SI SANJA. HABANG HINDI PA NAGSISIMULA ANG AWARDING AY NAISIPAN KONG KUMUHA NG ILANG LITRATO.