Chapter Three:

456 8 0
                                    

NASA canteen si Keisha kasama si Jas. Panay pa ang singhot niya kayat hindi makapagsimulang kukain. Sinipon siya kasi nababad siya sa tubig kagabi. Alas dose y media na siya matapos maglaba. Masama kasi ang pakiramdam ng kanyang ina kaya siya na lang ang nagprisintang maglaba ng mga damit ng mga Geronimo at mga Duenas ang may ari ng bakery sa kanto nila.

"Keisha, are you okay?" nag aalalang tanong ni Jas.

Tumango lamang siya at nagsimula nang humigop ng mainit na sabaw habang nakatingin sa librong nakabuklat.

"I think you should take med." ani ni Jas.

"Don't worry I'm okay, nababad lang ako kagabi may sakit kasi ang inay kaya ako na ang naglaba." sagot niya habang unti unti inuubos ang natitirang sopas.

"Kaloka ka, sister ikaw na ulirang anak." nakangiting sabi nito.

Napangiti nalang siya sa sinasabi nito habang ang atensyon ay nasa pagso-solve parin ng Math problem nang biglang tapikin siya nito bigla.

"Ay, anu ba bex, yan nagulo tuloy sulat ko." she rolled her eyes.

"S-sorry Bex kasi ang Prince Charming mo, parating." bulong nito sa kanya sabay nguso sa papalapit na binata.

Lumakas bigla ang kabog ng dibdib niya nang makitang sa gawi nila papunta si Pierre.

"Hi, guys! May I join you?" tanong ni Pierre nang huminto sa harap nila.

"Sure," sagot ni Jas.

Nakangiting umupo sa tabi niya si Pierre habang inilapag ang gatorade na tanging dala nito. Napaurong siya ng bahagya. Naamoy niya ang pamilyar na pabango nito na tila nakakapit na sa katawan nito. Sa tingin niya ay mamahalin iyon. Madalas niyang maamoy iyon sa tuwing magkakasalubong sila.

Walang natatakang magsalita sa kanilang tao. Mayamaya ay tumayo si Jas.

"Bex, Prince Charming --- eh este Pierre maglalaho muna aketch at mukhang nais magbawas ng aking alkansya." sabay titig sa kanya ni Jas.

Tiningnan din niya ito at binigyan ng HUWAG-MO-AKONG-IWAN-MAG-ISANG tingin. Ngunit humakbang parin ito palayo sa kanila. Alam niyang para-paraan lang iyon ni Jas.

Dahil sa huli ay binigyan pa siya nito ng nanunuksong ngiti.

Samantalang si Pierre ay napapailing lang habang natatawa sa sinabi ni Jas. Dahil kay salitang bakla ay naintindihan naman niya kahit papaano ang sinabi nito.

"P-pasensya ka na kaya Jas, ganon lang talaga 'yon magsalita. Alam mo na beki." nakangiti ngunit nahihiyang paghingi niya ng paumanhin.

"It's ok I kinda like it." nakangiting sagot nito.

Nang walang maapuhap na maisasagot ay ibinaling nalang niya ang atensyon sa pagsasagot muli sa Math problem ngunit nawala na parang bula ang kanina pa niya sino-solve at nawala ang concentration niya. Basta katabi niya si Pierre ay hindi siya makapagfocus sa ginagawa.

"Ahmm Keisha, pasensya ka na sa ginawa ni Sanja nung isang araw ha," hinging paumanhin nito sa ginawa ng nobya.

"I-it's ok, 'wag mo nang isipin pa iyon." tugon niya.

Ang tinutukoy nito ay ang ginawang pagpapahiya sa kanya ni Sanja sa English subject nila, na sa tuwing maaalala niya ay hiyang hiya siya lalo na kay Pierre.

"Pinagsabihan ko na siya."

Tumango lang siya.

Ipinapatuloy paring niya ang pagsasagot sa Math.

"Bakit dito ka nagsasagot niyan pwede ka namang pumunta nalang sa library." ani ni Pierre.

"Aksya pa sa oras." nakaniting sagot nya.

Makayo pa kasi ang library mula sa canteen at nasa ika anin na palapag pa ito sa North Wing ng Campus. Samantalang ang canteen ay nasa South Wing.

Tumango-tango lang si Pierre.

Bahagya itong lumapit sa kanya at tiningnan ang ginagawa niya.

"Trigo?" tanong nito.

"Oo." simpleng tugon niya.

Alam niyang magaling si Pierre sa Math dahil madalas niya itong makalaban at laging ito ang nananalo sa Math Competition.

Mayamaya ay iniabot nito sa kanya ang Scientific Calculator. Wala siya non dahil mahal iyon, nanghihiram lang siya sa classmate niya.

"Use it," nakangiting sabi nito. "Malo-lor-key i-ketch kapag utak mo ginamit mong calculator." tawa ito ng tawa sa sarili sa paggamit ng salitang bakla.

Nahihiyang natatawa niyang inabot ang calculator. "S-salamat, P-pero mali yung beki language mo." natakangiting sabi niya.

Napakamot nalang ito ng ulo sa pagkapahiya. "'Yan nahawa na ako kay Jas, sa friend mo. Anyway don't mention it. Saka mo nalang isauli kapag hindi mo na kailangan." tugon nito.

Nagkaron siya ng pagkakataong pagmasdan ang guwapo nitong mukha sa malapitan. Nang isinilid nito ang bote ng gatorade sa bag habang naglalabas ng notebook.

According to her researcher Jas, Pierre grew up in States umuwi lang ito rito nang mapagdesisyunang dito na magkolehiyo sa bansa.

Nang humarap ito sa kanya, agad siyang nagbawi ng tingin. Ayaw niyang mahalata nito na pinagmamasdan niya ito kanina pa.

Lumipas ang ilang minuto tahimik lang silang dalawang nag aral. Mayamaya pa ay napansin niyang isinisilid na nito ang mga gamit sa bag. Doon lang niya napansin na palapit si Sanja.

Tumayo na ito. "Sige, Kei, mauna na muna ako sa'yo," paalam nito.

Pilit siyang ngumiti at hindi na nagsalita pa.

SYA LANG ANG TUMAWAG SA AKIN NG KEI, EVEN JAS DIDN'T CALL ME KEI. HAYYY PIERRE isip-isip niya

 -  -  -  -  -  -  - 

"Bex, si Pierre o," sabi ni Jas.

Inginuso ng kaibigan kung nasang si Pierre. Nasa gym 'to kasama ang mga kapwa players na pupuspusan ang pag-eensayo para sa nalalapit na championship kung saan ibat ibang unibersidad ang mga kalahok dito.

Huminto siya sa tapat ng entrance ng gym upang pagmasdan sandali si Pierre. Kahit pawisan ay napakalinis at mukhang mabango parin ito pagmasdan. Lalo na ang guwapo niton mukha. Ito ang captain ball ng kanilang team hindi na 'yon nakapagtataka dahil magaling naman talaga itong manlalaro.

Sa isang campus news paper nila ay may article about him at duon naman niya nalaman ni idolo pala nito sina Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera, at James Yap.

"Tara Bex, pasok tayo panuorin natin." pagpukaw ni Jas sa atensyon niya.

"Anu ba bex, wag na. May klase pa tayo di ba." pagtangi niya.

Jas rolled his eyes. "Hay naku Bex, ang KJ mo talaga hmmp." nagpatiuna na itong lumakad.

Bago sumunod kay Jas ay muli niyang sinulyapan si Pierre. Naglalaro parin 'to.

WHAT IF MALAMAN MO NA GUSTO KITA? ANO KAYANG GAGAWIN MO? HMP SYEMPRE, WALA. DAHIL SI SANJA NGA ANG GIRLFRIEND MO DIBA. IT MEANS YOU LOVE HER. isip isip niya.

Napabuntong hininga nalang siya at sinimulan nang maglakad upang sumunod kay Jas.

INA KAPATID ANAK sa LUNES na. . . 

Destined To Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon