Chapter Fourteen: ARTICLE

456 11 4
                                    

KINABUKASAN, pagpasok ni Keisha ay nagulat siya ng makitang maraming sasakyang nakaparada sa parking lot ng university. Isang maliit na bus din ang nakita niyang may streamer ng San Beda.

Naalala niyang ngayon pala ang championship game.

Nagpasya siyang panoorin ang laro. Tutal wala pa naman syang klase. Si Pierre ang captain ball ng varsity team nila kaya mas lalo siyang ginanahan manuoh.

***hmmm talandi hihihi 

Papasok palang sya ng gym napanshn na niyang nagbubulung-bulungan na ang mga estudyante habang nakatingin sa kanya.

Napakunot-noo siya. "Anong problema ng mga 'to?"

Nagkibit-balikat na lang siya at itinuon ang pansin sa court. Nakita kaagad niya si Sanja na nakapang cheerleader uniform habang nakikipagkwentuhan sa mga kasama.

Mula sa likod niya ay may biglang kumalabit sa kanya.

"Beks, kanina pa kita hinahanap, ah," sabi ni Jas sa kanya. May hawak-hawak itong news paper sa kanang kamay.

"Bakit?"

"Sikat ka na pala, Beks."

"Huh???"

"Tingnan mo 'to."

Binuklat nito ang lifestyle sectiong ng news paper. Itinuro nito sa kanya ang isang picture.

"Imagine, nakasama mo ang isang sikat na artist. Ikaw, ha, naglilihim ka na sa akin," sabi nito. "Kilala mo pala si Olivia hindi mo man lang sinabi sa akin. . . .at . . . . Kasama mo pa si fafa Pierre dito! Ano itey? date? Nagdate kayo sa isang exhibit? Hang sowweeeht!"

"Hoy ha! Hindi ah!"

.....Paano kami nagkaroon ng picture ni Pierre sa newspaper?....

Bigla niyang naalala ang photographer na kumuha ng litrato nila.

....Oh my geee! Akala ko para sa organizer lang yun ng exhibit para souvenir. Shocks...para sa news paper pala...pano na kapag nakita 'to ni Sanja at --- ...

Hindi na niya naituloy ang iniisip ng nang magsalita si Jas.

"Hmmm Hindi daw date 'yon. Ansaveh ng kamay ni fafa Pierre sa bewang mo?" panunukso ni Jas.

"Hindi naman talaga date 'yon. Isinama niya lang ako kagabi sa concert k-kasi may lakad si Sanja at... at wala na siyang maisip na isama," pagdadahilan niya.

"Hmmmm palsusot pa."

Hindi na niya sinabi kay Jas ang ginawa nila Sanja dahil kilala niya ang kaibigan at tyak na magagalit 'to.

"Hmmm Speaking of Pierre nga pala, nando'n ang Prince Charming mo at pinupukol ng intriga."

"Huh? Intriga?"

"Kalat na sa buong campus ang tungkol dito" sabay turo sa article ng news paper. "Sa date, churva, kemberlou ek ek ninyo kagabi sa exhibit ni Olivia."

"Hayy Jas"

"Kaya Beks, Im warning you, 'wag mo nalang sila pansinin kapag nagparinig sila o may maririnig ka, ha!"

Napakunot-noo siya.

"Parinig? Maririnig? What do you mean?"

Tila naman nag-alinlangan ito.

"Huy, Beks?"

"Naku, wala 'yon. Basta huwag mo nalang silang pansinin."

Pinanlakihan niya ito ng mata.

"Jas! c'mmon spill it. Inumpisahan mo na kaya ituloy mo na, pwede ba! Now tell me!!" naiinis na sabi niya ayaw kasi niya kapag ganito ang kaibigan, alam niyang may mali.

Destined To Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon