TULUYAN na sanang aalis si Keisha sa tahanan ng mga Cruisse at nagpasyang umuwi nalang. Nang tawagin siya ni Mang Ben at ng kawaksi ng mga Cruisse.
"Ms.Keisha!!" sabi ni Mang Ben.
"Eeee ang tigas kasing ulo mo Kei, dapat nakinig ka nalang kay Sanja." paninisi nya sa sarili.
"Pasok na po kayo, hinihintay na po kayo ni Sir Pierre sa loob." sabi ng unipormado kawaksi at iginiya siya papasok.
Nginitian naman nya ito at sumunod rito papasok. Marami nang tao sa ballroom kung saan ginaganap ang party. Halatang mayayaman ang mga nandon na mga pawang naka amerikana at tuxedo. Ang mga kababaihan naman ay naggagandahan sa kanikanilang gowns.
"Eeeek pasaway ka kasi.. Ginusto mo eh panindigan mo. Nandito ka na nakakahiyang mag backout ka pa noh bruha." bulong niya sa sarili habang palinga-linga sya.
"Siguro mga kamag anak nya tong mga to o di kaya business associates at kaibigan. Bongga ha." sabi niya habang may hinahanap ang kanyang mga mata. At sa isang sulok ng ballroom ay nakita niya ang pakay ----- si Pierre. Kasama nito si Sanja at mga kaibigan nito sa University.
Huminto ang mga ito sa pagkukuwentuhan ng makita siya. Napangiti naman si Pierre at itinuon ang tingin sa kanya.
Nakita nyang nag-excuse ito at lumapit sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang matalim na patitig ni Sanja na parang anumang oras eh pwede na siyang kainin ng lupa.
"Kei, I'm glad you made it," nakangiting sabi ni Pierre.
Nginitian lang niya ito.
"Tara, I'll take you to my Abuelo. I'm sure he'll be glad to meet you."
Bago pa siya nakasagot ay hinawakan na siya nito sa mga kamay at giniya na siya nito papunta sa isang mesa.
Bago pa sila makarating ay bumitaw sya "Uy over ka ha! Tsansing! Sinu may sabi magholding hands tayo." sabi niya.
Ngunit tumawa lang ang binata "You never failed to make me smile gorgeous." sabi ni Pierre.
At muling hinawakan ang mga kamay nya at iginiya na syang muli sa mesa ng Abuelo.
12
Tila ba may libu-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan ng dahil sa pagkakahawak ng binata sa kanyang kamay upang igiya sa mesa ng abuelo at abuela nito.
Sa sobrang pagkalutang ng isip niya na dulot ng kaayaayang sensasyong ito ng binata ay hindi nya namalayang nasa harap na pala sila ng grandparents nito.
"'Lo, I'd like you to meet Keisha. Kei, this is my grandafather." magiliw na pagpapakilala ni Pierre sa dalawa.
"I-ikinagagalak ko po kayong makilala. Salamat din po sa pag-imbita sa akin." nahihiyang sabi niya.
"Ako rin, hija." tugon ng matandang Cruisse.
"Madalas kang ikuwento ng aking apo kaya't hindi ko palalampasin ang pagkakataong makilala ka." nakangiting sabi nito.
"'Lo!" napapakamot na sita ni Pierre sa abuelo.
Si namay napangiti lang sa mag lolo.
"At tama nga si Pierre napakaganda mo nga talaga. hija." dugtong nito.
Naramdaman niyang nag-init ang kanyang mga pisngi.
"T-talaga po? S-salamat po Sir." nahihiyang sabi niya.
"Eeeeee ang ganda ko raw!!! Waaaaaaaah.. Sabi ko na eh, ANG GANDA GANDA KO NOH! Me already hihihi giliw na giliw na bulong niya.
"Eh, 'Lo. Iiwan ko po muna sa inyo sandali si Kei," sabi ni Pierre.