Chapter Ten: SEEING THE UNSEEN

433 6 2
                                        

ALAS-ONSE na ng gabi ay nasa terrace pa rin si Pierre. Hindi siya dalawin ng antok. Paano kasi binabagabag ang isip niya ng isang tao ----- si Kei.

Oh My Geeee!!!  KimXi kohhhhh yeeeeee hehehe #Kinikilig

Nitong mga nakaraang araw, napapansin niyang palagi niyang naiisip ang dalaga. Hindi rin nya maintindihan ang kanyang nararamdaman sa tuwing nakikita o nakakausap ito. Kung magiging totoo lang siya sa kanyang nararamdaman, aaminin niyang unti-unti nang nahuhulog ang damdamin niya rito.

Noong umpisa ay aminado siyang naaawa lang sa dalaga. Pero hindi nagtagal ang awang iyon ay napalitan ng paghanga at ang panghangay unti unting naging pagmamahal para sa dalaga. Humanga at napaibig siya ng dalaga dahil sa kabila ng kahirapan ay nagagawa parin nitong ngumiti na para bang napakadali lang ng mga bagay-bagay. Hindi rin nito napapabayaan ang pag-aaral. Consistent dean's lister at university scholar pa ito. At kung maipagpapatuloy nito ang magandang performance ay magtatapos itong magna cum laude.

Gusto rin niya ang samahan ng mag-ina na parang magkapatid lang ang turingan ng mga ito na minsan na niyang nasaksihan ng minsan syang magpunta sa bahay ng mag-ina.

Nagsalubong ang mga kilay niya ng maalala kung paano nilait lait ni Sanja si Keisha nang pagbawalan ito ng kanyang nobya na pumunta sa golden wedding anniversary party ng grandparents niya.

Pinakiusapan niya si Sanja ng humingi ng tawad kay Keisha pero nagmatigas ito. Hindi na nya pinilit dahil alam nyang pagmumulan pa ito ng kanilang away at may posibilidad na balikan nito si Keisha.

Minsan ay hindi niya maiwasang tanungin ang kanyang sarili kung bakit pa nya niligawan si Sanja. Kunsabagay, sino nga ba ang hindi maa-attract dito? Maganda naman talaga ito at sexy. Pero bukod duon ay wala na syang magandang katangian na makita kay Sanja. Totoo naman talagang hindi kaaya-aya ang pag-uugali nito.

Nagsimula narin siyang mag-isip tungkol sa nararamdaman para kay Sanja. Nagkaroon na sya ng doubt patungkol sa pagmamahal niya kay Sanja. Mahal pa ba niya ito o hindi na?

Si Kei ba ang dahilan ng agam agam na iyon?

Hayy Pierre baliw ka na isip-isip niya.

Naputol ang pagmo-moment niya ng biglang may magsalita mula sa kanyang likuran.

"Hijo, bakit hindi ka pa natutulog?" sabi ng kanyang abuelo.

"Hindi pa po kasi ako dalawin ng antok, 'Lo," sagot niya.

Lumapit ito sa kanya at naupo sa harap niya. Saglit na pinagmasdan siya nito bago muling nagsalita.

"Ano bang iniisip mo, hijo? Mukhang napakalalim, ah. Kanina pa ako nakatayo sa likuran mo pero hindi mo ako napapansin," usisa nito.

Umiling siya. "Wala naman po," pagtanggi niya.

"Are you sure?" tila hindi naniniwalang sabi nito.

"You know what hijo, katulad ka rin ng daddy mo. Masyadong malihim." nakangiting sabi ng abuelo.

Tipid siyang ngumiti sa kanyang abuelo. Idol niya ang kanyang ama. Hangang-hanga rin sya sa mga tagumpay na nakamit nito sa buhay.

"C'mmon hijo, spill it! Malay mo, makatulong ako sa'yo?" pangungulit ng matandang Cruisse.

Nag-isip muna ang binata at tinanggal ang bara sa lalamunan at tumingin sa abuelo.

"'Lo, wala ka bang pinagsisihan sa buhay mo? At ano naman po ang pinakamagandang nangyari sa inyo?" magkasunod na tanong niya.

Saglit na nag-isip ang matandang Cruisse at saka nakangiting nagsalita.

"Wala hijo. I make sure that all the decisions I make are right. At ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko? 'Yong dumating sa buhay ko ang Lola mo," tila proud na proud na sabi nito.

Destined To Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon