Chapter Eight: Unexpected Guest :)

748 11 6
                                    

NAGLALABA silang mag ina nang may kumatok. Akmang tatayo ng siya ay inunahan na sya ng ina.

"Ako na ang magbubukas 'nak," sabay punas ng kamay sa damit na nahablot sa labahan.

Ngumiti sya at tumango. Ipinagpatuloy na nya ang paglalaba.

KEISHA's POV

NUNG PAPUNTA KAMI SA SEMENTERYO PARA DALHAN NG PAGKAIN ANG KUYA NI JAS.

WE SAW PIERRE AND SANJA. ANG SAKIT NG MAKITA KO SILANG DALAWANG MAGKAHAWAK ANG KAMAY. PERO HINDI IYON ANG TUMATAK SA AKIN.

NUNG MAKAALIS SILA PIERRE HINDI KO SINASADYANG MAPALINGON SA MUSILEYONG PINANGGALINGAN NILA.

ANG NAKALIBING DOON AY AY NAG NGANGALANG ALEXANDER CRUISSE.

SINO ITO? HINDI NAMAN PWEDENG ANG AMA NITO DAHIL ANG ALAM KO BUHAY PA SILA AT NASA AMERICA BUHAY PARIN ANG LOLO NYA.

GUSTUHIN KO MANG ITANONG KASO LAGING NAKABAKOD SI SANJA RITO. MALALAMAN KO RIN KUNG SINO SYA.

Napukaw ang atensyon nya ng marinig ang sabi ng ina. "Kaklase ka ni Keisha?"

"Kaklase?" napatigil sya at biglang kinabahan.

Wala namang pumupunta sa kanila bukod kay Jas.

"Sino kay 'yon?"

Laking gulat nya ng biglang lumitaw ang ina kasunod ang umanoy kaklase nya. Hindi sya makakilos ng mapagsino ito.

"Si Pierre Cruisse --- ang aking prinsipe!" bulong ng isip nya.

May dala itong basket na may lamang mga prutas.

Bigla syang nakadama ng pagkahiya ng maalala ang hitsura niya. Buhok na gulo gulo at hindi na pinagkaabalahan pang suklayin basta nalang itinali ng panyo, damit na basa ng dahil sa pawis at tubig mula sa nilalabhan at pawisang mukha.

"Para sa amin ba ito hijo?" ani ng ina sa hawak na basket ng binata.

"Ah opo, pagpasensyahan nyo na po." sabay abot ng basket.

"Nay," nahihiyang pagsiwata sa ina.

"Tumayo ka na riyan at papasukin mo sa sala ang bisita mo at bigyan ng maiin0m," ani ng ina.

"Opo," tipid na sagot nya.

Tumayo na sya at nagpatiuna na nang pumunta sa sala. Tahimik namang sumunod ang binata sa kanya. Nang makarating sa sala ay sinensyasan nyang maupo ito sa bangko. Naupo naman ito at tahimik na pinagmasdan ang kaubuan ng bahay nila.

Pigilan man ay nakadama pa rin sya ng panliliit. Naiisip nya kung gaano talaga kalaki ang agwat nilang dalawa.

Kahit na naiilang ay pilit nyang itinago ito sa pamamagitan ng pagngiti sa binata. Inisip na lang nya na hindi mahalaga kung gaano kalaki o kaliit ang bahay nila. Ang importante kung paano sila tumanggap ng bisita.

Destined To Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon