Chapter Nine: BOOBYBIRDATTACK :(

374 7 1
                                    

HUWAG kang mag-alala, anak. Ako na ang bahala sa isusuot mong damit. Hihiram ako kay Kumareng Letty. May mga bagong design ng mga gowns 'yon," wika ng kanyang ina nang sabihin niya rito ang imbitasyon ni Pierre sa kanya. Habang abala ito sa paghihiwa ng prutas na dala ni Pierre.

Tininingnan lang niya ang ina at binigyan ng isang tipid na ngiti. Pagkatapos ay isinaksak niya ang cord ng plantsa sa electrical socket at sinimulan nang plantsahin ang mga damit na nakapatong sa iron board.

"Mukhang mayaman ang manliligaw mong 'yon ha, anak."

"'Nay, hindi ko po siya manliligaw," aniya.

Itinigil ang pagbabalat ng prutas at humarap ng diretso sa anak. "Eh, ano pala?" tanong nito. "Huwag mong sabihing boyfriend mo na siya?" wika ng ina.

"Lalong hindi ko po sya boyfriend. 'nay naman eh. Boyfriend ho siya ni Sanja." walang ganang pagbibigay alam niya.

Nakita niyang napaismid ang ina.

"Hmmp, hindi sila bagay ni Sanja! Mukhang mabait ang guwapong binatang 'yon at si Sanja nama'y matapobre!" ani ng ina.

Hindi niya masisisi ang ina kung bakit ganito na lamang ang opinyon nito kay Sanja.

Nagkukwento kasi ang ina sa tuwing pipintasan ni Sanja ang paglalabada ng ina sa mga damit nito. Nagrereklamo daw si Sanja sa mga magulang nito na kesyo hindi raw nilalagyan ng fabric conditioner ang mga damit nito, hindi daw nilalabhang mabuti, amoy amag at kung anu-ano pa.

Hindi niya maintindihan kung anong ikinagagalit ni Sanja sa ina gayong ang mga magulang naman mismo nito ay hindi nagrereklamo sa trabaho ng ina. Tanging si Sanja lang ang nagrereklamo gayong hindi naman ito ang nagpapasahod sa kanyang ina.

"Eh, anu bang nakita nung guwapong binata kay Sanja at niligawan nya ito?" nagtatakang tanong ng ina.

Nag-isip siya saglit . "Siguro dahil maganda siya, maganda magdala ng damit, sexy, at may kaya ang pamilya." walang kabuhay buhay niyang sagot saka bumuntong hininga at pinagpatuloy na ang pamamalantsa.

"Ahhh, nasa kanya na nga ang lahat wala naman siyang utak." ani ng ina habang pinipigil ang tawa nito.

"Nay!!!" sita niya sa ina. "'Nay hindi nga po katalinuhan si Sanja pero may ibang talent din naman siyang maipagmamalaki. Magaling siyang sumayaw. Cheerleader din siya! Isa pa, magiging first runner-up kung wala siyang utak?" pagdepensya niya sa ina.

Alam niyang may lungkot sa kanyang mga tinig dahil hindi niya mapigilang ikumpara ang sarili kay Sanja. Alam niyang ang mga katangian ni Sanja na nabanggit nya ang dahilan kung bakit nagustuhan ito ni Pierre.

 Alam ko namang ang laki ng agwat namin ni Sanja kayat imposibleng magustuhan mo ako Pierre. Hayyy!! Hopia ka talagang Kei ka gumising ka nga!!  (isip-isip niya)

Marahil ay ramdam ng ina ang kanyang kalungkutan dahil lumapit ito sa kanya, hinawakan nito ang kanyang balikat at hinimas-himas iyon. Basag ang tinig nito nang magsalita.

P-pasensya k-ka na, anak? Hindi kasi naging mayaman ang mga magulang mo, eh. Kung may magagawa lang ako. Ibibili kita ng magandang damit na magagamait mo sa party ng pamilya ng guwapong binatang iyon. Ang kaso sapat lang ang kinikita ko sa pang araw araw nating pangangailangan. sabi ng ina habang pinipigil ang pagluha.

Alam nyang kung may paraan lang itong magagawa ay ibibigay nito ang anumang naisin niya gaya ng normal na college student.

"Hmmmm ang nanay ko nag eemote." nakangiting sabi niya na humarap sa ina at yumakap dito. "Okay lang naman sa'kin 'yon eh. Hindi naman ako naghahanap. Alam ko namang hindi tayo parating ganito. Hayaan nyo 'Nay. Kapag nakatapos ako. Magsisikap akong mabuti para mabigyan ko kayo ng magandang buhay." pagbibigay-assurance niya rito. "Kaya smile na, hmmm ang wrinkles sige ka." naglalambing na sabi niya saka hinalikan at yinakap ang ina.

Destined To Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon