Marco's POV
"I have a plan." i whishpered.
Napatingin saken si Reren ng diretso, hindi ko ma-identify kung nagulat ba siya o nainis ba siya o talagang nagagwapuhan lang talaga siya saken.
"Alam ko namang ubod ako ng gwapo, pero wag mo namang ipahalata na you're drooling." then i winked at her with matching killer smile. Pag siya nakipagbreak sa boyfriend niya, wala akong kasalanan ah? Inosente ako. Gwapo lang talaga. :) Ako nga pala Marco Llameras. 18 y/o nako. 3rd year college, pero home schooling ako. Mahilig ako magpaint, draw, etc. Kaya Fine Arts ang kinuha ko.
Inirapan niya lang ako. "Alam mo Coco? Ang yuck mo. Wag mo ng uulitin yang kindat kindat na yan ah?" tapos kumuha siya ng chocolate pancake ko.
"Wag mo ngang kuhaan yang pancake KO. Saken lang daw yan sabe ni Tita kaya wala kang karapatan sa kanila. Tsaka bakit ko naman titigilan yun? Aha! Naaakit ka noh?" huli ka boy! Kunware pa to si Reren na ayaw akong maging fiance, e magkakagusto rin naman saken.
"Ang damot mo sa pancake. Samen naman niluto yan ah? Amin din yung platitong pinaglalagyan. Damot. At! Ang kapal mo ah? Masyado kang feelingero dyan. Hahaha! Hindi ako naaakit, at hindi ako maaakit ever! Sa isang tao lang, oo. Nakakadiri kase, para kang manyak dyan sa kanto nung ginawa mo yun. Swear." for the 2nd time, she rolled her eyes.
I pout. Sama niya. Tama ba namang isumbat na sakanila ginawa yung pancake? Onte na nga lang yun, binawasan niya pa. Wala siyang awa sa isang napakabait at gwapong nilalang na tulad ko. :(
"Stop pouting. Anyway, ano yung plano mo?" tumingin ako sa taas, oo nga pala may plano ako.
-
Kate's Pov
"May 3 major plans ako. At mamimili ka lang ng dapat at maganda at kapani-paniwalang plano, alin man sa isa. Now, are you ready to know those plans?" sabay ngiti saken.
"Yes, im ready. Kanina pa. Now, proceed." seryosong sabe ko sa kanya.
Ayoko ng mag-aksaya ng oras, kung titingnan ng mga excited sa mangyayaring kasalan, matagal pa ang 3 years na paghihintay. Pero para saken na ayaw, madaling madali lang yun. After 3 years kase nasa tamang edad na kame pareho ni Marco.
Dati hindi ko pa iniisip kung hanggang kelan ko makakasama at mamahalin si Joseph. Kase nga bata pa naman kame masyado. Until mom told me na may tao ng nakalaan para saken. Ngayon kase iniisip ko na sana hanggang dulo kame. I'll fight for him no matter what, at alam kong ganun din siya. Not because were young, we don't have the right to love someone. Wala namang theory na nagsasabe na pag matanda ka, dun ka lang may karapatang magmahal at maghangad ng taong dapat makakasama mo. Minsan nga, mas seryoso at totoo pa magmahal ang mga kabataan, kesa sa mga matatanda ngayon.
* Snap * * Snap *
Napatingin naman ako kay Marco. Nagdisappear pala ako sandali sa mundo. -_-
"Okay ka lang? San ka ba naglalakbay? Akala ko ba ready kana?" nagpeace sign nalang ako tas ngumiti.
"Okay. Ito na ah? Makinig kang mabuti." nagnod ako sakanya, kailangan kong mag pay attention.
"Plan A. Magkukunware tayong dalawa na okay na saten, na agree na tayo sa arranged marriage na ginawa nila. Then we have to pretend that we like each other. Yung sweet-sweetan tayo pag kaharap naten sila. At gagawen naten yun for 3 years. Tapos pagdating na sa point na malapit na tayo ikasal, magaaway tayo sa harap nila. Yung tipong macoconvince sila na hindi talaga tayo para sa isat-isa." tiningnan ko siya, sobrang seryoso ng itsura niya habang pinapaliwanag yung mga plano. Malayong malayo sa Mr. Smiley Man na kilala ko.
"Plan B. Gumawa nalang tayo ng condition, na papayaga taying magpakasal, pero after that wala na silang papakialaman sa buhay naten as married couple. Then after a year mag-f-file tayo ng annoulment." agree ako sa plan a and b ni Marco. Mas madali yun. Lalo na yung B, if ever yun yung piliin ko alam kong maiintindihan ako ni Joseph. Pag A, madali lang din. Magpapanggap lang naman e.
"Last but not the least Plan C. Sasabihin naten na nabuntis ka ng boyfriend mo, at kunware hindi ko tanggap at hindi ako payag na akuin ang baby." automatic na kumunot ang noo ko. Muntik na ngang magdugtong yung kilay ko sa huling planong sinabe niya.
"Siraulo ka ba? Anong pinagsasasabe mo dyan?! Pati mga baby dinadamay niyo sa kalokohan mong taglay!" bat ba ang hilig ng mga tao ngayon, sa mga buntis buntis? Excited lang? O sadyang ma L lang? -_-
"Yun yung pinakaeffective sa tatlo Rerence." tas ngumiti siya saken. I rolled my eyes. Ayoko yung Plan B.
"Kailangan ready tayo Coco, laaat ng bagay may negative at positive results. Pano kung mabigo tayo?" ayokong mabigo, hindi dapat kame mabigo.
"Paghahandaan naten lahat ng hakbang nagagawin naten, pero ang importante sa ngayon pumili ka muna ng gagawin naten."
Alam ko na kung ano ang pipiliin ko. Dapat lang namen ihanda ang mga taong maaapektuhan sa gagawin namen.
"Plan A." sigurado nako dyan. I will take a risk, para lang maging maayos ang lahat.
A/N: Sorry sa short update. :( Enjoy ~
BINABASA MO ANG
How to be with YOU
RomancePano nga ba makakapiling ang taong mahal mo kung lahat ng tao sa paligid niyo ay ayaw sa relasyon niyo? Maipaglaban mo kaya ito?