Chapter 18 (Talk)

41 1 1
                                    

Kate's POV

"Bilisan mo na Bes. Maligo na tayo. Dali na!" kanina ko pa kinukulit tong bestfriend ko na maligo ng dagat e. Ang bagal naman kumilos :3

"Sandali lang naman. Kung makapagmadali ka, akala mo marunong ka lumangoy." natigilan naman ako sa sinabe niya. Naalala ko tuloy yung unang sinabi saken ni Joseph.

"Ang lakas ng  loob maligo ng dagat di naman pala marunong lumangoy." i came back to my senses ng tapikin ako ni Amber.

"Kanina nagmamadali ngayon naman wala sa sarili?"

"Sorry." naglakad na kami papunta sa tabing dagat. May nagaaway naman na couples sa isang cottage dun na nadaanan namen. Naalala ko tuloy yung dati na sagutan namen ni Joseph. Para pa kaming mga bata nun. :)

"Bwiset!"

"Payatot!"

"Unggoy!"

"Gorilla!"

"Panget!"

"Flat!"

"Anung nginingiti-ngiti mo dyan? Nababaliw kana ba? Ganyan ba epekto ng broken hearted ha?" tiningnan ko naman siya ng masama.

"Wala ka ng sinabing maganda noh?" she rolled her eyes. Tusukin ko yan e. :3

Nakayuko lang ako habang naglalakad. Ayokong tumingin tingin sa paligid kase, bawat galaw ng tao naaalala ko yung moments namen. :/ Tuloy tuloy lang ako ng lakad hanggang mabangga ako sa puno. Tao pala i mean.

"Hindi kaba marunong tuma-" hindi ko natuloy yung sasabihin ko when i saw the guy i bumped into. Si Joseph.

"Pwede ba tayong magusap?"

Hindi nako nakasagot ng hilain niya nako papunta kung saan. Lagi niya nalang ako hinihila. :/

***-***-***-***

Nandito kami ngayon sa isang cottage. Luma siya pero buo pa rin. Hindi na ata to pinapagamit e. Well kung hindi naman na to gagamitin, ako nalang magaayos.

"Sorry" napatingin naman ako sakanya. Nandito nga pala siya. :/

"For what? For hurting me? Wala yun."

"Hindi ko ginusto yun. Akala ko nagbibiro ka lang."

"Nagbibiro saan?"

"Sa panliligaw mo."

"Yeah. Madaming nasasaktan sa maling akala. Pumayag ka na ligawan ko tapos may liligawan kang iba?"

"Yun naman ang gusto mo diba? Yung mahalin ko si Shane? Yung maging kame? Diba ikaw ang pumili nun?"

"Pero kase akala ko"

"Madaming nasasaktan sa maling akala. Ikaw yung pinili ko. Mahal kita. Pero bat kailangan isipin mo siya bago ako? Hindi mo ba inisip na once na itaboy moko mawawala nako sayo?"

Naiyak nako. No. I didnt. Hindi ko siya inisip.

"Kung tutuusin lang dapat hindi na kita nilalapitan e. Dapat hindi na kita mahal."

Napatingin ako sakanya. Sa mga sinasabi niya. But why?"

"Bat mo sinasabi to?"

"Mahal kita Kate, hanggang ngayon." he hugged me. Napangiti naman ako sa sinabi niya mahal niya pa daw ako. Meaning may pagasa pa. :)

"Pero hindi ko kayang saktan si Shane. Im choosing her."

"Mahal kita." humigpit lalo yung yakap niya.

"I hope this would be the last, na maguusap tayo." unti unting lumuwag yung yakap niya, hanggang wala na. Nakapikit lang ako. Tuluyan na siyang nawala. :(

[A/N: Medyo matagal ang update. Busy sa school tsaka mental block din. XD Hindi ako satisfied sa chapter na to guys. Pasensya na kayo. Hindi ko din kase gusto na hindi sila magkatuluyan. Kaya wala. Hohoho! Hirap akong lagyan ng twist kaya tiis muna okay? Vote. Comment. Follow :)]

How to be with YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon