Chapter 11 (GameOver)

51 1 0
                                    

Kate's Pov

Nasa tambayan na kame. Nagreready na sila kase nga magiinuman sila diba? Yung pwesto ko ang pinakamaganda na pwesto sa lahat. Bakit? Katabi ko lang naman si Joseph at nasa gilid niya yung babaeng haliparot nato.

"Bes? Violet pa rin pala favorite mong kulay noh? :)" nagsalita si linta. Di naman siya sinagot ng mahal ko. Buti nga! XD

"And still spaghetti pa rin lagi mong gusto. Hindi ka pa rin nagbabago." daldal siya ng daldal, di naman siya kinakausap. Pagtingin ko sa kanilang dalawa, nakatingin siya sakin. Napatitig ako sakanya. Diko mabasa yung iniisip niya e.

"Madami, madaming nagbago. Kase may nawala at may dumating." nagulat ako sa sagot niya. Parang ako yung tinutukoy. Napatahimik naman yung linta. Iniwas ko nalang yung tingin ko sakanya.

"Can i talk to you?" tumingin sa kanya si Joseph. "Sge. Anu ba yun?" she made a sigh and said "Privately." hindi nalang nagsalita si Joseph at tumayo nalang. Sumunod nalang sa kanya si Linta.

IdontKnow. Pero gusto ko silang sundan. Kaya ito, nung medyo malayo na sila sumunod ako. Umupo si Linta sa buhangin, same as Joseph. At ako? Eto parang tangang nakatago sa likod ng puno ng niyog. -__-

"Galit ka pa rin ba?" she started the conversation.

"Hindi na."

"Bakit ang cold mo sakin? Akala mo ba hindi ko nararamdaman yun? Magbestfriends pa rin naman tayo diba?"

"Ou naman. Hindi na mababago yun."

"Sabi ko sayo babalik ako. For you, for us. Ngayong nandito nako, ganyan ka naman."

"Wala namang tayo Shane." pagkasabi ni Joseph nun, natulala siya. Then nagumpisa na siyang umiyak.

"P-pero? Sabi mo noon m-mahal moko? *hik* M-mahal mo-moko diba? S-s-sabe mo yun diba?" nakapokerface lang si Joseph. Naaawa ako kay Shane.

"Ou. Sinabi ko yun. Noon."

"At ngayon? Hindi na?"

"Minahal kita Shane. Bata palang tayo, akala ko ikaw na yung babaeng para sakin. Ramdam ko rin naman na mahal moko nun. Kaso lang huli na nung inamin naten."

"Kaya nga nandito ako e. Para ituloy natin yung hindi natin nasimulan."

"Wala na tayong itutuloy Shane. May mahal na ako. At hindi ikaw yun."

"S-si si Kate? Siya ba? Ha?"

"Ou. Siya. Siya na yung mahal ko." lalong umiyak si Shane. Awang awa nako sakanya.

"Ang gaga gaga ko kase e. Sana di nalang ako umalis. Ang tanga ko. Tanga tanga mo Shane. Ang tanga tanga mo." binabatukan niya yung sarili niya, nagpapapadyak siya. Basta sinasaktan niya sarili niya. Niyakap siya ni Joseph pero nagpupumiglas siya.

"Madami pa dyan. Madami pa. Hindi lang ako. Wag na ako." tinanggal ni Shane yung yakap ni Joseph tapos tumayo siya.

"3 taon! 3 taon kong hinintay na makasama ka! Umasa ako na pagdating ko ako pa rin! Umasa lang ako sa wala! Letcheng buhay to!" tumayo na din si Joseph.

"Sorry." yun nalang nasabi niya. Tumakbo nalang bigla si Shane. Si Joseph nakayuko lang. Hindi ko alam kung anung mararamdaman ko. Basta ang alam ko, naaawa ako kay Shane.

Bumalik ako sa tambayan. Pinilit kong ngumiti para di sila magtaka. Nakakadami na rin pala sila. Tapos sila ate Mae may mga tama na.

Kwentuhan dito, kwentuhan dun. Tawanan dito. Tawanan dun. 7:30 na, nung bumalik si Joseph. Umupo siya sa tabi ko tapos tahimik lang siya. Ayoko siyang tingnan. Kaya nakipagtawanan nalang ako sa iba. Para nga akong tanga kase hindi ko naman alam yung pinaguusapan nila.

9:30 sila natapos. Yung iba bagsak na. Lumabas nako. Tas ng naglalakad nako, may bigla nalang humatak ng kamay ko. Nung tiningnan ko kung sino, siya pala.

"Pwede mo naman akong tawagin. Tinakot mo pa ko." naglalakad lang siya hawak yung kamay ko. "San ba tayo pupunta?" tahimik pa rin siya. "Anung paguusapan naten?" pero still hindi pa rin siya sumasagot. Nakakaaasar na ah? "Anu ba? Magsalita ka nga! Parang hindi ka kinakausap!" tinatanggal ko na yung kamay ko, pero mas lalo niya lang hinihigpitan.

"Nasasaktan ako! Bitawan mo nga yung kamay ko! Anu ba?!" tumigil siya, tas tumingin sakin. Yung tingin na seryoso. I can see the sadness. Pero bakit?

"Gusto kita. Hindi. Mahal kita." sinabi niya yun ng nakayuko. Gusto kong tumalon sa tuwa kase mahal niya din ako. Pero naalala ko si Shane. At nasasaktan ako para sakanya. :/

"At gusto kitang ligawan." kung hindi ko lang narinig yung mga narinig ko kanina, siguro kinikilig nako. Pero hindi e. Ayokong may masaktan ako.

"Hindi. Wag. Wag ako.  Si Shane nalang. Mahal ka nun. Hindi ka niya sasaktan." tumingin siya saken. Yung tinging hindi makapaniwala.

"Sabi ko na nga ba e. Wala talaga akong aasahan sayo. Pangalawa kana. Ayoko na." binitiwan niya yung kamay ko. I hurt him. Napayuko nalang ako.

"Umuwi kana. Pasensya sa abala. Huli na to." tumingin ako sa kanya. And he smiled, bitterly. He started to walk, unti unti na ring lumalabas yung mga luha ko. AKO. Ako rin yung nagpatalo sa sarili kong laban. :(

Vote.Comment.Share :)

How to be with YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon