Chapter 23: Who's Gonna Make You Fall?

172 17 5
                                    

Ayeszha's POV

Tahimik lang ako sa loob ng Classroom all the time. Nandito nga ako sa Classroom pero yung utak ko naman lumilipad.

Masaya ko dahil nagkabati na kami ni Rafael. Masaya ko sa ginawa nyang effort para makipagbati sakin pero bakit ganto yung kapalit?

Parang lahat ng tao hinuhusgahan ako. Hindi naman nila ko ganun kakilala. Sa bawat titig nila sakin parang binabalatan nila ko ng buhay sa isip nila. Hindi nila alam ang totoo kong sitwasyon.

Dapat na ba kong umatras sa Deal ko kay Rafael? Dahil baka pag tumagal pa to. Mas masaktan lang ako ng todo. Emotionally and Physically na kong nasasaktan. Sana wag ng madagdagan pa. :((

Nakabalik na ko sa totoong mundo nang magring ang bell. Last bell na.

Uwian na pala. Di ko namalayan.

Lumabas na ko agad ng Classroom.

Habang naglalakad ako nararamdaman kong may nakasunod sakin.

Kaya naman lumingon ako.

Si Nathan.

Sanay na ko. -_-

"Oh Bakit?" Tanong ko.

"Ahhh ehhh wala. May sasabihin lang ako. Lakad tayo habang sinasabi ko sayo." Sabi nya ng may ngiti sa mukha.

Panu nya ba nakukuhang ngumiti?

Nakakainggit.

Naglakad na kami.

"Oh sige na. Ano ba yun?" Sabi ko.

"Sa susunod na may pupuntahan ka isama mo ko ahh. Kung may bibilhin ka, ako na lang yung pabilhin mo. Hindi lang kita sasamahan pagdating sa mga Private mong gagawin Like CR. Kasunduan na natin yan kapalit ng ID mo." Sabi nya.

Ano ba tingin nya sa sarili nya?

BODY GUARD ko?!

"Sa pagkakaalala ko hindi ako naghire ng Body Guard. Tsaka isa pa Nathan. Parehas lang tayong estudyante dito. Kaya ko na ang sarili ko. Kung inaalala mo yung nangyari kanina. Don't Worry, Mag iingat na ko sa susunod." Sabi ko sa kanya.

Super Concern ahh?

"Para nga maiwasan na yung nangyari kanina dapat lagi ka ng may kasama para matakot na silang lumapit sayo." Sabi naman ni Nathan.

Ano ba naman tong lalaking to. Ang Kulit.

"Nathan naman. Napaka-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang ...

MUNTIK na kong madulas.

Sinalo ako ni Nathan.

At tumayo ako kaagad.

"Tignan mo! Sinong nagsasabi na hindi mo ko kailangan?! Tuwing napapahamak ka ako lagi ang nagliligtas sayo. Kaya naman mas napatunayan ko na kailangan na kailangan mo nga talaga ko." Sabi nya sakin sabay kindat.

"Ewaaan ko sayo." Nasabi ko na lang sabay lakad ng mabilis.

Nandito na ko sa may labas ng building namin.

Hinanap ko si Rafael.

Himala ata.

Wala sya dito.

Hindi nya ba ko ihahatid pauwi?

Hayy nako. Iba na kasi talaga pag nasanay ka na sa ginagawa sayo ng isang tao, Nageexpect ka na palagi.

TADHANA (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon