Chapter 26: Mixed Emotions

152 10 2
                                    

Rafael's POV

-Friday-

Thanks God it's Friday :)) Ilang araw kaming hindi nagkita ni Ayeszha ahh. Namiss ko sya kahit papano. Nung Wednesday kasi hindi ko na sya nakita, balak ko sanang puntahan sa room nila kaso pumunta sa parking lot si Hannah nun, hinalikan nya ko at humingi ng pabor kaya hindi ko matanggihan. Kahapon naman hindi talaga ko pumasok. Hmmm. Kamusta na kaya sya?

Puntahan ko na lang mamaya sa room nila. Ilang araw na din pala ang nababawas sa 30Days Fake Relationship naming dalawa at mukhang nagwowork naman dahil unti unti nang bumabalik sakin si Hannah. Pero nakokonsensya ako dahil hindi nya alam ang totoong dahilan ng Fake Relationship na'to, hindi nya alam na ginagamit ko lang sya. Haaaayyyy! Sasabihin ko din naman sa kanya eh. Pero hindi pa siguro sa ngayon. 23Days Left.

Naglalakad na ko papunta sa basketball court ng school nang nakita ko si Ayeszha kasama nya yung lalaking bumugbog sakin at papunta din sila ng Court. Abaaaaa nga naman! Mukhang naghahanap talaga ng gulo tong lalaking to eh.

Hinarang ko sila.

"Angas pre ah. Kung makasama lang sa Girlfriend ko parang super close na kayo ah." Sabi ko sabay akbay kay Ayeszha.

Mukhang nagulat si Ayeszha sakin at sa ginawa ko.

Bumulong si Ayeszha.

"Tama na Rafael, Wag kang mag iskandalo dito."

"Wow babe! Ako pa ba gumagawa ng iskandalo? Sino bang lapit ng lapit sayo kahit alam nya ng may boyfriend ka na?" Sabi ko sa harap mismo nung lalaki.

"Boyfriend? Wowwww lang pre. Sino ba dyan ang nakukuha pang makipaghalikan sa ibang babae kahit na alam nya ng may Girlfriend sya?" Sabi ng lalaki sakin.

Aba puta! Ako yata hinahamon neto eh.

Binitawan ko si Ayeszha at kinwelyuhan ko yung lalaki.

"Anong sinabi mo?!" Sabi ko.

"Oy anong nangyayari dyan?!" Sabi ni Coach Max at lumapit samin.

Binitawan ko na yung lalaki.

"Wala Coach. May maangas lang dito na ang kapal ng mukhang sumama sama sa Girlfriend ko." Sabi ko.

"Sana nga Girlfriend mo talaga sya!" Sabi naman nung lalaki.

Anong pinagsasabi neto?!

"Tama na nga yan! Wag daanin sa rahas. Kung gusto nyong magbubugan. Idaan nyo sa bola." Sabi ni Coach Max.

Aba. Parang magandang ideya yun ah. Lalampasuhin ko lang to sa Court. XD Masyado nang Mayabang eh.

"Call ako dyan Coach!" Sabi ko habang nakatingin dun sa lalaki.

Nanggigigil na ko dito eh. Mapupuruhan to sakin.

Napatingin naman ako kay Ayeszha. Parang nagmamakaawa yung mga mata nya. Bakit sya ganun?

Nawala ang atensyon ko kay Ayeszha nang sumagot yung lalaki.

"Call din Coach!" Sabi nung lalaki na mukhang nagmamayabang pa sakin.

"So Para saan ba tong paglalaban na to? Dapat magkakaroon kayo ng kasunduan para sa gaganaping laban." Sabi ni Coach Max.

"Ganto ang kasunduan, Kapag ako ang Nanalo. Hindi nya na pwedeng lapitan ang Girlfriend ko kahit kelan." Sabi ko sa kanya.

"At kapag ako naman ang Nanalo. Hahayaan mo akong lumapit sa Girlfriend mo kahit kelan ko gusto." Sabi naman nya.

Hmmm. Lalapit lang sya? Pwede naman. Basta wag nyang iuuwi sa kanila.

TADHANA (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon