Chapter 21: Sorry na :(

205 16 4
  • Dedicated kay Cha Cha Glinofria
                                    

Rafael's POV

Hindi ko na pinasukan lahat ng klase ko. Wala ko sa Mood ngayon.

Bakit ganun?

Naguguilty talaga ko.

Imposible to.

Chickboy ako.

Chicks Magnet.

Sanay na dapat akong makasakit ng Babae.

Madami nga kong nakakaFling di ba?!

Pero bakit ngayon nagkakaganito ako?!

Hindi lang naman sya ang nasabihan ko ng Malandi.

Sobrang dami na.

Pero bakit ganito yung nararamdaman ko?!

Feeling ko nasasaktan ako tuwing umiiyak si Ms.Salcedo?

Kay Hannah ko lang to huling naramdaman eh. Kaya hindi ko kayang tanggihan lahat ng sinasabi ni hannah sakin noon dahil iniiyakan nya ko. Dinadaan nya sa iyak ang pagpapaawa nya. Leccchee >< At Mabilis naman akong naniwala.

Pero iba tong kay Ms.Salcedo eh. INOSENTE sya at sinaktan lang ng gag*ng katulad ko. Pisteeee naman eh.

Anong oras na pala at nandito pa din ako sa Star Playground.

7pm na. Ilang oras na din pala kong nandito.

Hmmmm. Ano kaya ang isang pwede kong gawin para mapatawad ako ni Ms.Salcedo?

Isip.

Isip.

Isip.

*Bright Idea*

Sigurado akong di nya matatanggihan ang gagawin ko.

Mapapatawad nya ko kaagad.

May makakatanggi ba sa kagwapuhan ko?! :)

Isang kindat ko nga lang sa babae hihimatayin na sila eh. Panu pa kaya pag ginawa ko yun sa kanya?! :))

Swerte sya.

Madaming maiinggit na babae sa kanya.

Bukas na bukas gagawin ko yung plano ko na yun. :)

Uuwi muna ko para maplano ko ng maayos.

Makauwi na nga.

Pero bago ang lahat. Tumingin muna ko sa langit bago ako umalis.

May isang makinang na bituin akong nakita. Parang sya yung nangingibabaw sa lahat ng bituin sa langit.

Bumulong lang ako.

"Sana mapatawad nya na ko. Gagawin ko ang lahat para mapatawad nya ko. Magiging magkaibigan kami."

Yun lang at pumunta na ko sa kotse.

Ayeszha's POV

Naglakad na ko palabas ng classroom paglabas nung Last Prof. namin

Habang naglalakad ako sa hallway. Nagulat na lang ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Ayeszha!" Sabi nya.

Boses mula sa isang lalaki.

Lumingon ako at si Nathan ang nakita ko. Walang isang iglap nang nasa harap ko na sya. Nagteleport ba sya?! Ewaaan.

Mabagal lang magfunction ang utak ko ngayon. Dahil sa mga nangyari. Di ko nga alam kung san ko nailagay yung ID ko eh.

Sabi ko na lang kanina sa guard naiwan ko sa classmate ko na nasa classroom na at kailangan kong kunin. Ayun. Napapasok naman ako agad.

TADHANA (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon