Chapter 28: Brother's Love

172 8 1
                                    

Nathan's POV

Umuwi na ko sa bahay at dumiretso sa kwarto ko. Habang nagpapalit ako ng damit naririnig ko na parang nag aaway si Mom at Ate Jovalene.

"Bakit ba Mom? Pag sinabi kong Ayoko, AYOKO. Hindi mo ba naiintindihan yun?!" -Ate Jovalene

"Ginagawa ko to hindi para sakin kundi para sayo! Ayokong mawala ka samin. Kaya kung maaari lang pumayag ka na!" -Mom

Ano?! Sinong mawawala?

Pagkatapos nang sigawan na yun, Narinig ko na parang parehas na silang umiiyak. Kaya naman pumunta ako sa kwarto ni Ate Jovalene.

"Mom, Ate. Ano nangyayari? Bakit may mawawala? Sino ang mawawala?" Sabi ko sa medyo mataas na boses.

Di ko maiwasang hindi mag alala.

"Ah. Eh. Wala bunso. Nagpapractice lang kami ni Mom magdrama. Hehehe." Sabi ni ate sabay ngumiti ng peke.

"Ate. I'm matured enough to understand many things. So tell Me, What's Happening?" Sabi ko.

"Tama sya Jovalene. Maiintindihan nya na ang mga bagay bagay kaya dapat nyang malaman." -Mom

"Mom Please. Wag." Sabi ni Ate Jovalene na may pagmamakaawa sa mukha.

Ano ba ang ayaw ni Ate na malaman ko?

"No Jovalene. Nathan, dun tayo sa kwarto mo mag usap." Sabi ni Mom sabay labas ng kwarto ni Ate.

Paglabas namin ni Mom sa kwarto ni Ate, Narinig ko na umiyak sya lalo.

Ewwwaan ko. Ano ba meron? Ano bang nangyayari?

Nandito na ko ngayon sa kwarto ko.

"Nathan." Pasimula ni Mom

"Tell me Mom. Ano bang nangyayari? Bakit kayo nag aaway ni Ate at bakit ganun na lang sya kung umiyak? Mom Please tell me. Naguguluhan ako." Sabi ko sa kanya

"Nathan. Dadalhin ang Ate mo sa ibang bansa, kung saan nandun ang Daddy mo." -Mom

"Whaaat?! Mom bakit? Sya na lang ang nakakasama ko sa bahay na'to dahil sa sobrang busy mo tapos ngayon iiwan pa ko ni Ate?! No Mom. Hindi ako makakapayag." Sabi ko sa medyo mataas na boses.

Masisisi nyo ba ko? Ayaw kong makasama ni Ate si Dad sa ibang bansa. Ayokong maiwanan ulit. Sya na lang ang nag aalaga at nag aalala sakin dahil Busy si Mom at Walang kwenta ang Dad ko na nasa ibang bansa. Ayoko ko syang mawala sakin. Mahal ko ang Ate ko.

"MAY SAKIT SYA NATHAN! May Leukemia ang Ate mo at kailangan nyang magpagamot. Hindi sapat ang pagpapagaling dito ng Ate mo. Mas magiging Okay kung nasa Dad mo sya. Gagaling sya dun at mas maaalagaan sya ng mabuti." Sabi ni Mom habang nangingilid na ang Luha nya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bakit si Ate pa? Kelan? Hindi ba sya naaalagaan dito? Ayoko syang umalis pero kailangan. Unti unting tumulo ang Luha ko.

"Mom. Kelan pa? Bakit hindi ko alam?" Tanong ko kay Mom.

"Six Years Ago Nathan, Hindi ko sinabi sayo dahil nakiusap sakin ang Ate mo na wag ko daw munang sabihin at sya na daw ang bahalang magpaliwanag. Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit hindi pa nya kinekwento sayo, alam nya na magiging ganyan ang Reaksyon mo." Paliwanag nya at unti unting lumapit sa akin, Pinunasan nya ang Luhang patuloy pa din na pumapatak sa Mata ko.

"Alam kong Mahal mo ang Ate mo, Mas Mahal mo pa nga siya kesa sa akin at sa Dad mo eh. Kaya anak, sana maintindihan mo ang Desisyon ko at Desisyon ng Dad mo. Kahit hindi pumayag ang Ate mo, Dadalhin at Dadalhin sya dun para magamot ng maayos at gumaling. Wag kang mag alala, bibisitahin natin sya tuwing bakasyon nyo. Ayokong lumala lalo ang sakit nya, alam kong ikaw lang ang may kayang kumbinsihin sya. Pwede bang Ikaw na ang kumausap sa Ate mo, para na rin hindi maging masakit ang pag alis nya dito sa Pilipinas. Kung gusto nya kamong magpapunta ng mga kaibigan nya, Pwede. Nahihirapan akong kausapin ang Ate mo kaya ikaw na lang ang Bahala. Tsaka Bukas na nga pala ang alis namin ng Ate mo." Sabi nya sabay tayo at akmang bubuksan na ang Pinto pero nagsalita muna ako.

TADHANA (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon