Chapter 27: Behind That Bad Girl

200 11 1
                                    

Nathan's POV

Nakita kong hinawakan ni Rafael si Ayeszha sa braso para siguro ihatid ito pauwi pero mukhang hindi pumayag.

Nakakapanibago talaga ang kilos ni Ayeszha ngayon. May mali ba?

Akala ko susundan pa sya ni Rafael pero mali ang hinala ko. Dahil nakatayo lang si Rafael habang pinagmamasdang makaalis ng tuluyan si Ayeszha.

Mahal nya kaya talaga si Ayeszha?

Nang makaalis na ng tuluyan si Ayeszha, Lumapit ako kay Rafael.

"Pwede ba tayong Mag usap pre?" Tanong ko sa kanya.

"Saka na tayo mag usap pag nanalo ka na sa Laban natin. Grabe Pre ah! Lakas ng epekto mo kay Ayeszha at gusto nya na kong iwasan agad. Dalawang Araw lang akong nawala, Pumupuntos ka na sa kanya. Pero hindi ako papayag na makapuntos ka ulit. Girlfriend ko sya at Akin lang sya. Marahil nagkulang lang ako pero pupunan ko din yun. Sige Pre! GoodLuck sa Laban natin." Sabi nya sabay tapik sa balikat ko at umalis na.

Sa sinasabi nya parang Mahal nya talaga si Ayeszha. Pero hindi. Hindi talaga ako papayag na mapunta lang si Ayeszha sa tulad nya. Kung Mahal nya talaga si Ayeszha, Magagawa nyang iwasan ang mga putang Lumalandi sa kanya dahil alam nyang may nagmamay ari na sa kanya at hindi sya papayag magpalandi basta basta. Tsaka Actions Speaks Louder than Words nga di'ba? Walang kwenta ang sinasabi nya kung hindi nya kayang patunayan o ipakita.

Hindi ko na sinundan si Ayeszha. Hahayaan ko muna syang mag isa. Ngayon lang naman eh. Dahil mukhang malalim talaga ang iniisip nya.

Pumunta na ko sa Parking Lot. Nasa loob na ko ng kotse ko nang makita ko si Rafael sa Labas ng kotse nya at may kahalikan na namang babae.

Agad akong lumabas ng kotse at sinugod si Rafael para sapakin.

*Boooooogsssssh*

Natumba sya.

"Yan ba ang may Girlfriend pre? Nakukuhang makipaghalikan sa ibang babae? Napakaduwag mo. Hindi mo kayang harapin ang Responsibilidad nang pagiging isang mabuting Boyfriend. Hindi ka narara-" Hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang bigla nya kong sapakin.

"Anong sabi mo pre? Duwag? Wag mong ipasa sakin ang katangian mo Gago! Wala kang pakialam sa lahat ng gusto kong gawin. Bago ka pa magtanong nang kung ano ano. Uunahan na kita ah. Bakit ko nagagawa to? Simple lang. Dahil gusto ko at kaya ko. Nalalaman ba to ni Ayeszha?! Hindi naman di'ba? At kung sakaling nalaman nya nga, bakit hindi sya nagrereklamo sakin? Tsss. Mga Babae nga naman." Pagmamayabang nya sakin.

Hindi na ko nakapagtimpi. Sinapak ko sya ng Sinapak hanggang sa nakahiga na sya sa sahig. Hindi pa din ako tumitigil sa pagsapak sa kanya.

"Hindi nya magawang Magreklamo dahil nasa Fake Relationship lang kayo Gago! Ginagawa mo lang syang laruan. Wala kang kwenta!" Sabi ko sa kanya.

Sasapak pa sana ko nang may biglang humawak sa kamao ko.

"Nathan tama na." Sabi nya habang nakayuko, Hindi ko makita nang malinaw ang mukha nya.

Umiiyak ba sya?

Hindi ko na napansing may babae pala kaming kasama dito. Busy akong bumubugbog eh.

"Tama na Please. Tama naaaaaaa!" Sumigaw na sya sa buong Parking Lot.

Nilapitan naman sya agad ni Rafael.

"Princess. Stop Crying Baby. Shhhh." Pagpapatahan nya sa babae at iniangat ang ulo nito habang pinupunasan ang Luha.

Teka.

Si Hannah to ah.

Sya ba yung-

Kahalikan ni Rafael?

TADHANA (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon