Chapter 22: The Bad Girl

185 17 2
  • Dedicated kay Cyiel Mae Loreno Enalpe
                                    

Ayeszha's POV

Ang weird ni Rafael. Sinama sama ko dun sa playground tas magpapahangin lang daw sya. Tssss -_-

Pagkapasok namin sa school halos lahat ng tao nakatingin samin. Napayuko na lang ako. May iba kasing mukhang naiinis sakin. Meron namang ibang nakangiti. Ewaaaan ko. Bakit ko ba kasi pinasok to eh! Fake Relationship na yan! Masisira buhay ko neto eh.

Hayyy sa wakas nandito na din kami sa building namin. Graaaabeee. Intensssse!

Umakyat na ko agad sa floor namin at pumasok sa Classroom.

Pagpasok ko, Lahat din sila nakatingin sakin.

May mga nakangiti.

May naiinis.

Meron din akong nakitang malungkot.

Si Nathan.

Nakita nya ba yung nangyari kanina?

Graaabeee.

Nakakatunaw yung mga titig nila sakin.

Umupo na lang ako sa upuan ko.

Hindi ko na lang pinansin yung mga nakatingin sakin. Kahit nga yung mga katabi ko hindi ko pinapansin eh.

Hanggang sa dumating na yung Prof. namin.

Haaaay Salaaamat. Makakahinga na rin ako ng maluwag :))))

Natapos ang 1st Subject.

Lumabas ako ng Classroom para bumaba at bumili ng makakain.

Pagdating ko dun. Lahat din sila nakatingin sakin.

May isang nagsalita

"Well. Andito na pala ang babaeng sobrang saya. Anong feeling na may jowa kang isang RAFAEL DOMINGO? Masaya ba?" Boses galing sa isang babae

Tumingin ako sa direksyon nung nagsalita.

Nasa likod ko pala yung mga babae.

Tatlo sila. Yung nasa gitna mukhang mataray. Sya ata yung nagsalita.

"Ano na? Bingi ka ba?!" Sabi nung nasa gitna.

"Ahhh ano ba yun?" Nasabi ko na lang

"Tinatanong kita kaya sumagot kaaa!" Sigaw nung babae sakin.

"Masaya saan?" Pagtataka ko.

"Kay Rafael. Masaya ka bang napapasunod mo sya?! Well. Alam ko namang pinagtitripan ka lang nya!" Sabi nung babaeng nasa gitna.

"Anong pinagsasabi mo?" Sabi ko.

"Ako lang naman ang EX ni Rafael. Patay na patay sya sakin. Madami na syang ginamit na babae para pagselosin ako but still hindi ako babalik sa kanya. Lalo na't Ikaaaaaw pa ang ginamit nya. Eeeewww. Wala namang kainggit inggit sayo!" Sabi nung babae sakin sabay binuhos sakin yung tubig na hawak nya.

Grabeeee.

Nagulat ako sa ginawa nya.

NAPAHIYA AKO.

Ang daming taong nakatingin sakin ngayon.

Sobrang nahihiya ako.

Kaya naman tumakbo ako papunta sa CR.

Habang tumatakbo ako may nabunggo ako.

Hindi ko sya pinansin at tumakbo lang ako dire diretso.

Nakarating na ko sa CR. Buti na lang walang tao. Dun ako umiyak. Ewan ko ba. Sino ba naman kasi ang taong gustong mapahiya diba?!

Nakatingin lang ako sa salamin habang tinitignan ang sarili ko.

TADHANA (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon