Chapter 25: Ang Pagbabalik :)

222 13 0
                                    

Jovalene's POV

Haaaay nako. Almost 1 Week na kong hindi nakakapasok. Thursday na ngayon. Pero hindi porket hindi ako nakakapasok wala na kong balita sa school nuh? :) Alam na alam ko lahat ng balita dun. Lalong lalo na ang kina Ayeszha,Rafael and Nathan :) Hahahaha. Di talaga ko makapaniwala na maiinlove talaga si Nathan kay Ayeszha. At mas lalong hindi ako makapaniwala sa relasyon ni Ayeszha at Rafael. Bakit ba sya pumatol dun? As far as I know hindi ganung lalaki ang Type ni Ayeszha at ayaw nya din ng lalaking masyadong Mayabang. Bago kasi ako Umabsent hindi kami nakapagusap ni Ayeszha. Medyo Busy na kasi ako nun. Kaya laking gulat ko tungkol sa relasyon nila ni Rafael. Haaaay nako naman kasi Jovalene eh. Ayaw pang umalis ng sakit dyan sa katawan mo kaya hindi ka pa makapasok. :3 Paulit ulit ko na lang yan sinasabi sa sarili ko. Gustong gusto ko ng pumasok pero ayaw pa ni Mama. Maputla pa daw ako masyado. Nakakainis talaga. Hindi pa din ako binibisita ni Nathan dito sa kwarto ko. Pagod na din siguro sya pagkauwi.

Hindi ako nagtatanim ng tampo dun kay Nathan. Mahal na mahal ko yung kapatid ko na yun eh :))

*TOK-TOK-TOK*

Nawala ako bigla sa pag iisip ko nang may biglang kumatok.

"Sino yan?" Sabi ko

"Mam Jovalene, Mama nyo po nasa telepono." Sabi nung Maid

"Sige. Bukas yan." Sabi ko

"Salamat." Sabi ko ulit nang naibigay na sa akin yung telepono.

"Yes Mom?" Sabi ko

"Jova. Gusto ko lang malaman mo na darating si Jayson sa Saturday kaya ikaw nang bahala magsabi kay Nathan ah. May sasabihin din ako sayo pag uwi ko. Okay. Bye. Im Busy Right Now." -Mom

Anoooo daaaw? Anong gagawin ng kakambal ni Nathan dito? Naghihirap na ba sila ni Dad sa ibang bansa kaya sya pupunta dito? Ngayon ko lang ulit sya makikita sa loob ng ilang taong pagkawalay nya samin. Although nakikita ko naman sya through video call pero iba talaga pag sa personal. Namimiss ko na sya. Ganun din kaya si Nathan? Haaay nako. Hindi ko kasi alam magiging reaksyon nya eh. Feeling nya kasi ginusto na din ni Jayson doon kay Dad. Hindi man lang daw nun inisip ang kapakanan ni Mom dito sa Pilipinas. Pakiramdam ko kasi may galit si Nathan kay Jayson. Ewaaan ko. Matagal na naming hindi napag uusapan ni Nathan si Dad at Jayson eh. Malay ko ba kung may galit pa din sya hanggang ngayon. Bahala na kung pano ko ipapaliwanag sa kanya mamaya.

Nathan's POV

Nandito na kami ni Ayeszha sa School. Pababa na ko ng kotse nang -

"Nathan. Pwede bang hindi tayo magsabay pagpasok ng school? Baka kasi maissue tayo eh. Please?" Sabi nya sakin.

"Ahhh Okay sige. Mauna ka ng bumaba. After 10 Minutes na ko susunod." Sabi ko.

"Salamat Nathan ah. Maraming Salamat." Sabi nya sakin sabay ngiti.

Naiintindihan ko si Ayeszha. Mahalaga para sa kanya ang reputasyon nya sa school. Ayaw nya sigurong madisapponint sa kanya ang magulang nya. Pero kung mas lalo syang mapapalapit kay Rafael, talagang masisira yun.

After 10Minutes

Bumaba na ko ng kotse.

Nandito na ko sa Room. Nginitian ako ni Ayeszha nung pagkaupo ko. Grabe. Sobrang Ganda nya talaga pag nakangiti :)))

After 5 Minutes dumating na yung Prof. namin.

"Guys I have an Announcement kaya makinig ng maigi. Magkakaroon tayo ng Camping sa Mt.Makiling sa loob ng tatlong araw. Makakasama natin ang mga MASCOM Students. Kaya Be ready. Iuupdate ko na lang kayo pag nasabi na yung ibang details."

TADHANA (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon