Chapter 9: Jovalene and Nathan's Family

258 17 2
  • Dedicated kay Arby Rose Añonuevo
                                    

[Author's Note]~

I Dedicate this Chapter to Megs Mabute and Arby Rose :) Matiyaga po sila sa pagbabasa ng Story ko. Wahahahaha :) LoveYouuu Mga Bebe's ko! :*

Thankss Readers! :D

------******------******------

Jovalene's POV

WEDNESDAY

Pagkatapos ng klase ko pumunta muna ko sa PlayGround. Wala kaming Last Subject ngayon kaya maaga uwian. Humiwalay ako sa mga kaibigan ko.

Umupo ako sa Swing.

Gusto ko munang magpahinga sa pagpapanggap ko sa kanila. It doesn't mean that Im a fake friend ahh. Im not Plastic. Totoo ako sa pakikipagkaibigan sa kanila. Ang hindi lang totoo ay yung nararamdaman ko.

Nagiging masaya naman ako pag kasama ko sila. Pero pagkatapos ng sobrang saya eh darating na naman si sobrang kalungkutan. :(

Bakit ba kasi ganun? Hindi ba pwedeng mabuhay na lang ang tao ng sobrang saya? Ayaw ba ni God na maging maligaya tayo? Lagi bang nakakabit ang salitang SADNESS sa HAPPiNESS? Hayyy nako. Napatingin na lang ako sa langit at napabuntong hininga.

Si Ayeszha lang naman ang nakakaalam nitong lahat. Oo hyper akong tao but it is my way to say that Im Happy even though it's not. Gusto ko kasing sumaya. Gusto kong tumawa. Gusto kong maging maligaya. Pero in a Short time lang palagi nangyayari ehh. Hindi sya tumatagal. :((

Nagiging totoo lang ako sa nararamdaman ko pag si Ayeszha na ang kasama ko. Ewaaan ko ba. Nararamdaman ko kasing mabuti syang kaibigan. In GOOD Times and in BAD Times. Hindi tulad nung mga nakakasama ko. Pag Masaya dun sila. Pero pag may Drama/Lungkot na. Nagsisialisan na. They are Not My TRUE FRIENDS unlike Ayeszha. She's the Best. Kaya nga BESTFRIEND ehh.

Sya lang ang taong nakakaalam na natrauma ako mula sa pangyayari sa nakaraan.

-FLASHBACK-

**** knock.knock.****

Bumukas ang pinto. Si Mom.

"Anak may sasabihin ang mommy ah. Listen to Me Carefully Baby" Mom.

"Yes Mom. What's that?" -Me

"Since Your already 7 Years Old I have to ask you something." Mom.

"What is that nga mom?" -Me

"Sinong pipiliin mo samin ni dad? Ako O Siya?" -Mom.

"Why do I need to choose Mom?" -Me

"Ahh ehhh kasi Si Mom tsaka si Dad maghihiwalay ng bahay tapos mamimili kayo kung kanino nyo gustong sumama. So ikaw baby? Kanino ka sasama?" -Mom.

"Mom. Wag nyo na kong lokohin. Im already 7 Years Old. Maghihiwalay ba kayo ni Dad? Just tell the truth Mom" -Me

"Okay Fine. Gifted ka nga pala Baby. Oo baby maghihiwalay na si Mom at Dad." -Mom

"But Why? Okay naman kayo ni Dad di'ba?" -Me

"Yes Baby. Dati yun. Okay kami pero ngayon kasi hindi na. May Problem kasi Baby ehh." -Mom

"Ano nga yun Mom?" -Me

"Hindi nya na mahal si Mommy. May iba na syang Love. May nabuntis si Daddy sa ibang Lugar eh. He decide na dalhin yung babae doon sa States at iwan tayo dito. Mas Love nya yung babae kaysa sakin kaya Maghihiwalay na kami Baby." -Mom

Nakikita kong Umiiyak na si Mama. Nahihirapan syang ipaliwanag sakin yung paghihiwalay nila ni dad. Umiiyak na din ako. Naiinis ako kay Dad. Naiinis ako sa Babae nya. Hinding Hindi ko sya mapapatawad.

Bumukas ang Pinto at dumating ang nakababata kong kapatid na si Nathan. Nakita nyang Umiiyak kami ni Mom. Lumapit sya samin at Nagsalita.

"Mom. Sinama ni Dad si Drew. Saan sila pupunta?" Nathan Asked.

Nanlaki yung mata ni Mom at nagmadali syang makababa. Sumunod naman ako. Hindi ko alam na sumunod din pala si Nathan.

"Alfredo wag mong kukunin ang Bata! Sakin pa sila hangga't wala pa silang 7 Years Old!" Mom Yelled to Dad

"Hindi ako papayag na walang mapunta sakin kahit isang bata! Anak ko din sila kaya may karapatan ako sa kanila!" Dad said.

"Kung Ayaw mong maghirap kayo ng anak mo dito sa Pilipinas. Hahayaan mong dalhin ko tong isang bata! Don't Worry. Susustentuhan ko pa din sila. Alam ko namang wala kang pampalamon dyan sa mga batang yan!" Dad Said. Tinignan nya kaming dalawa ni Nathan na nasa may hagdan bago sya umalis.

Wala nang nagawa si Mom. Ayaw nyang dumating ang puntong wala na kaming makain kaya hinayaan nya na lang si Dad na isama si Drew. Ang kakambal ni Nathan.

Lumapit kami ni Nathan kay Mom na nakaluhod na habang Umiiyak. Niyakap ko si Mom.

Tinignan ko si Nathan. Nakatayo lang sya sa tabi ni Mom habang nakatingin sa Pinto. Nakakunot ang noo nya. Mukha syang Galit na galit.

-END OF FLASHBACK-

Simula nung nangyari yun. Nagbago na ang Lahat. Nung Buo pa ang Pamilya namin Sobrang Saya. Pero ngayon. Hayyy nakoo Ewaaaan ko. I Hate My Dad Very Much. Ayoko na syang makita kahit kelan. Ni hindi man lang nya kami kinakamusta. Yung perang pinapadala lang nya ang kinakamusta nya.

Nagtatanong sya kung natatanggap daw ba namin yung perang pinapadala nya. Sinosobrahan nya daw yun palagi para sa Luho namin. tapos yun. Yun lang ang Email nya samin. Wala man lang 'I love you nak' O di kaya 'I Miss you nak' Walang ganun. Parang isa lang kaming palamunin sa kanya. Ang damot naman nya sa Pagmamahal.

Nirereplayan ko lang yung mga EMail nya. Hindi ko na din sya kinakamusta. Bahala na sya sa buhay nya. Iniwan nya kami di'ba? Pwes Panindigan nya. Hindi ko sya kaaayawan ng ganto kung walang dahilan. Every Action have Some Reason. Kaya sana naman alam nya na yung dahilan.

Hindi na din ako magtataka kung bakit ayaw ni Nathan makakita ng babaeng umiiyak. Everytime na nakakakita sya ng babaeng umiiyak naiinis sya. kaya gagawin nya ang Lahat mapatahan lang yung babae. Ang tingin nya kasi kaagad. Lalaking Manloloko na naman ang dahilan kung bakit umiiyak ang isang babae.

Mahal na mahal ni Nathan si Mom and Im Sure Mamahalin din nya ng Sobra ang magiging Girlfriend nya. He's Already 17 but he don't have Any Girlfriend Since Birth. Ayaw nya daw muna. Ewaaan ko dun sa lalaking yun. Aral kung Aral. Ginagawa nya daw yun para kay Mom. Para pwede na naming hindi tanggapin yung binibigay ni Dad from States at para makuha na namin si Drew kay Dad.

Hindi ko na napansin ang Oras. Lumubog na pala ang Araw. Tingin sa orasan. 6:30PM na pala. Almost 1 Hour na pala kong nag iisip isip dito. Ayos na siguro to. Okay na ko. Magiging Okay Ako. Laban para kay MOM. NATHAN AND AYESZHA :)

Makauwi na nga.

[Author's Note]~

This is Just a Special Chapter. BackGround Story Of Nathan and Jovalene's Family. Hope You Like It Guyssss. Wait for the Next Chapter. Do VOTE. COMMENT. SHARE. LoveeeLotttssss :*

TADHANA (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon