Chapter 8: First move---rejected?

346 10 0
                                    

CHAPTER 8 "FIRST MOVE--- REJECTED?"

ATHENA'S POV

"Princess pinasasabi po ni doc. Na pwede na daw ho kayong pumasok kung gusto niyo pa daw po." mabilis akong napatayo sa narinig na pagkatok ng isa sa mga maids namin.

"Really ate? Did I heard you right?"

"Opo ma'am. Ang sabi pa nga po ni doc ay kapag na-late ka daw po sa klase mo ay hindi ka na niya papayagang pumasok pa." Sagot nito kaya mabilis akong tumakbo papunta sa pintuan ang kwarto ko.

"Sige po thank you! Good morning din po!" Bati ko bago ko muling isara ang pinto ko "Hay si kuya talaga." Nakangiti at napapa-iling kong bulong.

Last night I did my best to persuade him na papasukin ako ulit but he said no, so I end up crying and locking myself in my own room. But turns out papayag din pala siya.

Mabilis kong tinapos ang pag-aasikaso ko at lumabas na ng mansion. By the way Ate is still grounded until Friday for being there when other people are bullying me. Hindi narin naparusahan ang mga studyante because I say so. Sinabi ko na lamang na malaking kasiraan sa skwelahan namin kung ang lahat ng studyanteng kasangkot sa nangyari ay ilalabas pa namin. And in return ay walang video-ng maaring makalabas sa social media. But still, the students who led the bullying and all are suspended and some are doing community service.

Gaya ng nakasanayan ay sari-saring bulungan nanaman ang narinig ko sa mga ka-schoolmates ko. And like what I did for the pass 6 years of studying here. I chose to ignore them.

Mabilis na lamang akong nag-punta sa locker room ko to get some of my books that I need. Hindi na ako nagulat ng sa pagbukas ko ay muli nanamang sumabog ang laman ng locker ko. Puno ng letters--- or should I say threats and complaint about my existence in the same school they are in.

Hinayaan ko lamang itong mahulog sa paanan ko as I start to get the books I need and arrange the books I dont need.

Pagkatapos ay dali-dali na akong nagpunta sa classroom. Excited man ay itinago ko ang nararamdaman ko at tila walang pakeng umupo sa seat ko. And like what I always do. I put my head phone to listen to my favorite mozart piece while reading.

Ilang minuto na ang lumipas ngunit wala parin si Ms.Perez. Pero puno na nang ingay ang naririnig ko sa paligid ko. I tried to maximize the volume of my music. But I could still hear the noise intentionally made by my classmates.

Ilang minuto na ang nakalipas pero tuloy parin ang malakas na sigawan at tilian nang mga kaklase ko. KAHIT PA NAKA-HEADPHONE AKO!

Sa sobrang inis ay naibaba ko sa balikat ang headphone at pabagsak na ibinababa ang librong binabasa ko. Doon ko lang napansin ang tao sa harap ko.

Wearing pink polo shirt,holding pink balloons and a boquet of flowers . And guess who it is?—MR.WALANGMANNERS!!

TSS... Doesn't he know that Ate Courtney is absent? I'm sure para kay ate yan siya lang naman ang nililigawan niyan—isa pa ate really love pink stuffs.

Palihim na tinaasan ko ito ng kilay. Na sinuklian lamang niya ng matamis na ngiti dahilan para mas lalong lumakas ang tilian ng mga kaklase ko. Hangang sa bigla nalamang tumahimik nang sabihin ni MR.WM na...

"Hi Athena for you." Nakangiting sambit nito saakin na hindi ko naman pinansin. Sinuot ko nalamang ang headphone ko saka tumayo at lumabas sa room. Napansin ko ang pagsunod nito saakin kaya mas lalong lumakas ang bulungan ng mga studyanteng nasa paligid ko.

"W-wait lang n-n—A-Athena!" pigil nito saakin. Marahas na napa-lingon ako dahil doon.

"What do you need? Don't you see at--- I mean ms. Courtney is still suspended if you really want to give that to her then go to their mansion. I'm not her P.A and definitely not your delivery man." Malamig at mahaba kong sambit

"No... This is actually for you." Pshh... for me? Para saan naman? Hindi ko na lamang siya muling pinansin at naglakad ng mabilis. Ngunit napatigil ako nang hawakan ang braso ko.

"Don't you like it?" ngisi nitong tanong. Napa-tingin ako sa nasa likod na kaibigan niya bago ako ngumise ng nakaloloko.

"What do you think?" I ask smirking. I saw him gulp multiple times before he look at me and smirk.

"Hmm... I think you like it.... You're just playing hard to get with me are you?" He proudly said. "Come on you don't need to."

"Oh men... Naka-lunok ka ba nang electric fan? Or maybe air conditioner? Ang hangin mo kasi." I sarcastically said na nagpa-wala ng ngiting naka-aasar niya. "Well I just want to inform you Mr. Thunder Montanilla of Montanilla Corp. That first of all I really hate that... Why? You know I'm not a girl who love pink stuffs. In fact I.HATE.IT" Pag-diin ko sa sinasabi ko. "And on the second thought I don' want to get gifts from anyone especially from a person like you." Dagdag ko pa habang tinuturo-turo ko siya. "Mga taong masyadong bilib na bilib at napakataas ng tingin sa sarili. Akala mo kung sino makaasta dahil mayaman eh hindi naman siya ang kumikita ng perang ginagastos niya."

Hays... sa totoo lang hindi na sana ako papatol pa. But if I let this man bully me through this kind of gesture then parang ipinakita ko na ring hindi worth it ang ipinaglaban ko kay kuya'ng makapasok dito sa school na ito. Isa pa, I feel like someone's watching me from a far since pumasok ako sa school.

"Napakasakit mo naman magsalita. But anyways I am talking about me giving you a gift.  And we both know that every one even those gays love me and my gifts. You know it's a high privilage lalo na pag ako mismo ang lumapit at nagbigay." Maya-maya'y bawi nito that made me roll my eyes.

"But not me... I'm not different from those women who are chasing you. I Hate Pink neither you and your gifts. I can buy anything I want  with my own money mister. Also, I suggest for you to listen to what you just said. Baka sakaling kilabutan ka. " I said before I walked out.

Tss... kung ang iba diyan eh madadaan niya sa mga ngiting sinasabi nang ibang nakakamatay. Then I am different I look on the person's attitude first before the person's looks.

THUNDER'S POV

"Pano ba yan bro? GAME OVER! YOUR BUSTED! YOU JUST GOT REJECTED!"pang-aalaska ni Cloud habang kumakain ng chocolate na dapat sana ay ibibigay ko sa nerd na iyon. While Maxwell just tap my shoulder. "Bilib na rin naman ako kay Athena eh.  She's really something." Dagdag pa ni Cloud.

Tinignan ko lamang siya ng masama saka sinundan ng tinggin ang kanina lamang dinaanan ni nerd.

"I'll make your heart break into pieces nerdy. You're gonna pay for this." Tanging sambit ko na lamang saka sinundan ang nerd na iyon papunta sa soccer field.

----------------------------------------------------------------------------------------

HI! If you like this chapter please don't forget to Vote, Comment and follow my wattpad account! See you next update😘

THE HEIRESS: Nerd Sweet Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon