38. Photograph
Athena's POV
A day had passed and so far, even though I regret joining this camp at first, ay nag-enjoy naman ako.
True to their words, matapos ang naging deal namin ni Mhaddie ay wala na sa nga schoolmates ko pati narin sa mga kaklase ko ang nambubully saakin sa kahit anong paraan. May ibang seniors na nginingitian ako sa di malamang dahilan pero may iilan parin namang umiikot ang mga mata sa tuwing magsasalubong ang tingin namin.
Pero ganun pa man ay kuntento na ko. Pakiramdam ko hindi man nila ko gusto eh matatahimik na ako. I also enjoyed all activities held by the camp organizers.
I smiled. Who would have thought that I would ever experience this thing? Sino mag-aakalang magagawa kong makisama sakanila at magagawa kong lumayo sa mga libro at sa kwarto ko ng ilang araw? No one. Until Kuya Blue left me no choice but to join this camp.
Kasalukuyan akong naglalakad sa dalampasigan, malayo sa mga maiingay na kaklase ko. Ngayong oras ang pahinga namin kaya naisipan kong mapag-isa at maglakad lakad. This silence is what I need after a long and tiring day yesterday.
While walking, I notice a familiar face from a tarpaulin attached on a building not too far a way from where I am standing.
Naniningkit pa ang mata ko sa pag-alala kung saan ko nakita ang mukha non. Sa tarpaulin, kasama niya si mom and dad. Nasa likod si mom while dad is shaking hands with a man in mid 40s. Sa likod ng lalaking kakamayan ni dad, nakatayo ang isang pamilyar na lalaki.
Unti-unting kumunot ang noo ko ng unti-unti kong maalala sino ang lalaking yun. That guy! He's that mysterious guy who joined our truth or dare game last last night at basta nalang umalis without even introducing himself. And come to think of it, hindi man lang rin siya nagpakilala kahapon.
Yesterday kasi ay sumali siya sa isang activity at sa hindi malamang dahilan ay mukhang nagkapikunan sila ni Thunder.
Kulang kasi kami sa member kahapon. Kami kami ni Cloud, Thunder, Mhaddie, Ate, Nisans ang magkakasama sa grupo. Maraming nagpresinta pero lahat sila'y may kagrupo na, bukod pa roon ay nagkagulo na sila kaya hindi pinayagan ng organizer ang kahit na sino sakanila ang lumipat sa grupo namin.
Muntik pa kaming hindi makasali sa activity na iyon but this mysterious guy on the tarpaulin appeared and for unknown reason, after just a few seconds ay napapayag niya ang organizer na isali siya even though he's not really a student of AMIS.
At dahil sa pagsali niya ay nagawa naming makapaglaro sa huling game. Pero nasa kalagitnaan na kami ng game nang ma-disqualified kami matapos mukhang magkapikunan sila. I mean wala talaga kaming alam sa nangyari.
Hindi namin sila napansin dahil silang dalawa lang ni Thunder ang magkasamang naghahanap ng ribbon sa gubat ng bigla nalang daw suntukin ni Thunder ang lalaki. Hindi rin naman sumasagot si Thunder everytime we ask him why did he do that. And even before the organizers came ay bigla nalang rin siyang nawala ng parang bula.
Who would have thought na malaki ang possibility na magkakilala sila ni dad? Posible kayang kilala niya rin ako? Impossible! But come to think of it I find his stares and moves yesterday quite weird. Hindi sa pag-aasume but while we are playing, he keeps on following me. Tinatanong niya rin ako kung kamusta ako, kung nageenjoy ba ko, kailan pa ako nakahanap ng maraming kaibigan at marami pang iba. Akward it is! Good thing Liam-nisan came and I got a chance to escape from the akwardness he's giving me.
"Good morning miss!" Masayang bati ng isa sa nga trabahador ng resort. To be honest kanina ko pa napapansin ang maya't mayabg pagbati ng mga workers dito. It's maybe a part of the resort's goal. A good environment and friendly staffs. And I found it wonderful, kung ako man ang mamumuno ss resort na ito sa paglipas ng panahon gusto ko rin ang ganitong pagpapatakbo.

BINABASA MO ANG
THE HEIRESS: Nerd Sweet Revenge
Novela JuvenilThey always say that I should forgive and forget everything about them. At first yun naman talaga ang naisip ko. Sinaktan nila ako dahil mahina ako. Because I let them hurt me. But after everything I discover. I learned that they don't deserve my f...