CHAPTER 17: Twins

416 8 0
                                    

Chapter 17 Twins

"Iha... Athena nandito nakauwi na tayo." Napakurap-kurap ako ng marinig ang boses ni Tatay Pedring.

"A-ano po yun tay?"

"Ang sabi ko nandito na tayo." Ulit niya sa kanina niyang sinabi dahilan para mapasilip ako sa bintana. ''Teka nga iha bakit tila malalim ang iniisip mo. May problema ko ba? Kanina ka pa kasi tahimik."

"Ah w-wala naman po." Kamot batok kong sambit. Tila naman nanunuri ang kanyang tinggin kaya mabilis na napaiwas ako ng tingin. "Sila dad po kasi, they are all acting weird kanina after watching cinema. Oh wait, hindi po pala namin natapos yung movie dahil nagugutom si dad. Then nung kumakain naman kami. Dad asked me a random question na kagaya sa movie. So sinagot ko but after that parang affected silang lahat sa sinasabi ko. Tapos bigla nalang may tumawag kay dad and told me na kailangan ko nang mauna umuwi dahil may emergency meeting daw po sila." I answered honestly.

"Hay... iha malay mo naman talagang may problem sa kompanya?"

"Pero diba dapat sinabi saakin? Tsaka magkakasama sila? Weird their professions are different from each other."

"Nako iha huwag mo. na lamang muna paka-isipin yan. Hindi dapat pino-problema iyang mga bagay na ganyan. Bakit hindi mo itanong sakanila pag-uwi?" Napangiti nalamang ako at tumango kay Tatay Pedring bago bumaba ng sasakyan. Saktong pagbaba ko ay siya ring hinto ng service na sinasakyan nila Thunder.

"Tay papasok nalang po ng mga pinamili namin nila mommy sa kwarto nila. Ako nalang po dito. Salamat po."

"ATHENA!" Cloud scream saka siya umamba ng yakap patakbo saakin na iniwasan ko dahilan para ngumuso siya.

Ang cute hahahaha.

"Hello guys," nakangiti kong bati dito na ginantihan nila ng isang ngiti. They even greeted me back.

This past few days ay naging okay naman ang pagiging magkakaibigan namin. Maxwell isn't like what others say. Hindi man siya palangiti ay maayos naman ang pakikisama niya saakin. Si Cloud naman ay gaya ng sabi at alam ng lahat ay talagang isip bata siya. While Thunder? Hindi naman siya playboy gaya ng sabi nila. Tahimik siya at tila laging mapag-obserba.

"Ready for the movie marathon?" I asked.

"Ready!" Sabay nilang sagot habang naka-thumbs up.

"Then let's go. I brought some popcorns." Excited kong sambit habang pinakikita sakanila ang mga pinamili ko. I was about to go in but Cloud called that made me stop.

"Athena ano kasi eh, you see may mga kasama kami"

"Kasama? Sinong kasama niyo?"

"Well you see Athena, we brought our friends over." Sagot ni Maxwell TILA naman nagtatanong akong tumingin sakanila.

Friends?

"I am not sure if you remember, there used to be five members in our group of friends. N-Naging kaklase mo-natin sila noon grade school. Ganito kasi Yun, biglaan lang pero nalaman kasi namin na uuwi sila and we decided to bring them here. P-para ipakilala sayo." TILA magdadalawang isip na sambit ni Thunder. Napakurap kurap naman ako sa sinabi niya. "O-Okay lang ba? If you're uncomfortable, okay lang rin. We can just leave and-"

"So? Where are the twins?" Hindi ko mapigilan na ma-excite. Mukhang napansin ng tatlo 'yon dahil pare-parehas silang napakunot and noo at nagkatinginan.

Kahit ako ay naguguluhan. Bakit sila pa ang unang nakaalam sa pag-uwi ng kambal?

"Y-yes?" Nawiwirduhang sagot ni Thunder. Habang yung dalawa ay tila nagtatakang nakatingin saakin.

THE HEIRESS: Nerd Sweet Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon