Chapter Six

4.5K 95 2
                                    

           "Anong silbi nito kung hindi ako makakadalo??" inis na wika ni Zayla.

           Kakarating nung invitations na pinadala ni Christian. I got mine too. May kasama pa yung dress sa loob. It's a maroon backless dress. It's simple but elegant. Pansin ko na rin na kulay maroon yung invitation card na binigay niya sa amin. I guess that's the theme.

           "You're invited." basa ni Miggy sa nakasulat doon sa hawak niyang card. "Dalawang letra lang pero ang lakas ng dating."

           The design is really cool. It's not just simple paper. Hindi ko alam kung ano yun but it's hard and it's already shaped as a small envelope. I opened mine para tingnan kung anong design sa loob. Napangiti ako ng mabasa ang nakasulat doon.

           "Be my date, Elle." lakas na naman ng tibok ng puso ko. Tiningnan ko yung letters nila and tanging you'r invited lang ang nakasulat. Did he specifically made this for me? Shit. Nakakakilig.

           "Yeah, you're probably happy dahil makakapunta ka na nga may libre ka pang dress. Do you know how expensive this dress is? I'm so fucking jealous!!" anang si Zayla at nagwawala sa kama niya.

           Hindi ko mapigilan ang matawa ng subukan niyang tanggalin yung nakasabit sa paa niya. Hindi ko napansin na nakalapit na pala si Miggy sa akin at inagaw sa akin yung card ko.

           "Are you serious?? Why is yours different??" aniya ng mabasa ang nakasulat doon. "Are you guys in a relationship already? He's treating you very special. He had different girls before pero never ko pang narinig na may ginanito siya dati. I mean, he's Christian Sanchez, kung meron man I'm sure they already spread it para mang-inggit."

           Tiningnan ni Zayla kung anong nakasulat sa card. Mas lalo lang siyang nainggit. Umupo ako sa kama saka tiningnan ang phone ko. Bago siya umalis nung umagang yun, hiningi niya sa akin ang number ko.

           "See you tomorrow night, beautiful." anang text niya.

           "Paano ako??? You have to help me get this shit off!!"

           Miggy rolled her eyes. "Matatanggal lang yan pag pinatanggal ng tatay mo o kaya pag pinutol mo yung paa mo. May next time pa naman, Zayla. Just wish na naglalandian pa sila ni Elle next month para makadalo ka."

           She screamed. "Wala kayong kwenta na dalawa." bumaling siya sa akin. "Wag mo muna tigilan ang landian niyo hangga't hindi ako nakakadalo sa party na yan. Please lang, Elle. Ngayon lang ako hihingi ng favor sayo."

           I just nodded para matigil na siya sa pagngawa niya. Yan kasi ang napapala ng hindi nakikinig sa magulang. Now she'll regret everything she did para galitin ang tatay niya.








           The next day, halos hindi ako mapirmi sa sobrang excitement. Maaga pa lang, nag-ayos na ako. I put on make up, inayos ko ang buhok ko ilang beses akong naligo. Para akong tanga. Akala mo naman first time dumalo ng ganitong party.

           Sabi ni Christian susunduin niya ako exactly 6 in the evening and it's almost 6. Thankfully wala sina mommy at daddy dahil I'm sure magtatanong sila kung saan ako pupunta ng ganito ang ayos ko. Obviously, hindi sila maniniwala na kina Zayla ako pupunta.

           Two minutes before mag-six, narinig kong may sunud-sunod na bumosena mula sa labas. Mabilis akong lumabas ng kwarto ko. Punong puno ng kaba ang dibdib ko habang naglalakad palabas ng bahay. When I opened the gate, namataan ko agad ang kotse ni Christian sa labas. Halos tumakbo na ako just to see him. Halos apat na araw na rin na hindi ko siya nakikita. He was busy. Sa text at tawag lang kami nakakapag-usap.

LUDUS (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon