Chapter Ten

4.4K 102 1
                                    

           Nakatulog ako sa sobrang pagod. Paggising ko, nakaayos na ako ng higa sa tabi ni Christian habang yakap yakap ako nito. We're still naked at tanging kumot lang ang nakatabon sa kahubdan naming dalawa. Napahawak ako sa ulo ng maalala ang nangyari kanina. I feel so fucking stupid.

           I can't believe he just broke his promise. I mean, I know I started it. But I told him clearly kung saan lang kami pwede. We draw the line and he erased that.

           Tinanggal ko ang braso niyang nakayakap sa akin. I stood up from that bed/couch or whatever. Pinulot ko ang mga damit mula sa sahig at isa-isa iyung sinuot. It's almost midnight. Malapit ng matapos ang party. I don't know if I should stay here. I'm pissed. I'm pissed that I'm not pissed with him even after what happened. So I don't want to stay here dahil naiinis akong isipin na baka gawin na naman niya yun ulit and imbes na magalit ako't pigilan siya, magustuhan ko lang ulit yung gagawin niya. Isa pa, this is all he want, right? Eto lang naman yung hinihintay niya. I should leave before he ask me to leave. I have pride too.

           Pinagmasdan ko sa huling pagkakataon si Christian bago ako nagmamadaling lumabas mula roon. Pagdating ko sa taas, agad kong hinanap si Miggy. Pansin kong isa-isa ng umuuwi ang mga bisita. The boats are already here. I saw Miggy na nasa gilid habang may kausap na lalaki. Mabilis ko siyang nilapitan.

           "We have to go." I said.

           Kumunot ang noo niya. "Aren't you staying with your boyfriend?"

           "H-he's busy." pagsisinungaling ko.

           "Hindi ka man lang niya ipapahatid matapos yung magarbo niyong entrance kanina?" she asked sarcastically.

           "Basta. Stop asking. Tayo na. Hinahanap na ako nina daddy. They found out wala ako kina Zayla."

           Agad na nagbago ang ekspresyon niya. "How?"

           "I don't know. Let's just go... Or you can stay here. Ipahatid mo na lang ako dun sa bangkang sinakyan mo kanina."

           Umiling siya. "Hindi na. Sasama na ako sayo. Pauwi na rin naman lahat."

           Nagpaalam na siya doon sa kausap niya. Mabilis ko siyang hinila paalis bago pa man magising si Christian at mapansin niyang wala na ako sa tabi niya.








           "Are you sure nagpaalam ka kay Christian?" nagdududang tanong ni Miggy.

           Hindi kasi ako mapakali habang nasa bangka kami. Tumango lang ako sa kanya. I looked at the yacht again. Napatalikod ako ng makita si Christian na nakatayo doon sa dulo habang tila may hinahanap. He even looked at the boats na paalis.

           Pagdating namin sa dalampasigan, doon lang ako nakahinga ng maluwag. Napansin kong may malaking gate doon na dadaanan mo pa bago makalabas. Nagtaka ako ng mapansin na tila chine-check nila lahat ng dumadaan doon. I ignored it thinking they're only checking kung may nakapasok bang bawal dalhin sa loob.

           Nang turn na namin ni Miggy, they asked us our names. We gave it to them. They gave back Miggy's stuff. Akala ko hahayaan na nila akong makalabas pero nagulat ako ng pigilan nila ako.

           "Excuse me, but why can't she leave?" tanong ni Miggy.

           "Your name's not on the entry list, Ms. Elle Salvador. We will have to question you."

           Kumunot ang noo ko. "What do you mean? I was invited and--"

           "I'm sorry but your name is not written on the entry list. That means, hindi kayo dumaan dito pagpasok or we didn't receive your invitation card. We can't let you out. They will bring you inside the office para kwestyunin. You can't leave until we confirm your identity."

LUDUS (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon