nina's
"You Know that, geokjeonghajima geokjeonghajima U got it~"
Nagising na lang ako bigla dahil nagring ang cell phone ko.
"ito na sasagutin na." sabi ko kahit wala naman akong kinakausap.
"Nina!" sigaw ni yohan mula sa kabilang linya.
"Oh bakit?" walang gana kong tanong.
"Ano na, nasaan ka na? Malapit na 1st class oh." sabi niya.
Napamulat ako ng mata sa sinabi niya.
Dali-dali akong tumayo at nagpunta ng cr. Late na ako!!!
Sa dami ng assignments, late na ako natutulog.
Gagawin ko na agad ang assignment ko pagkauwi at pagkauwi ko mamaya.
Matapos magbihis ay kinuha ko na ang phone ko at kinuha ang bag ko tsaka bumaba.
"Oh, aalis ka na?" tanong ni kuya na nagluluto pa lang.
Nagluluto pa lang siya?
Binuksan ko ang phone ko at tiningnan ang oras.
6:00 AM pa lang?
"Kim Yohan!" sigaw ko at alam kong nakatingin na sa akin si Kuya ngayon.
Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig. Pagkainom ng tubig ay nagsimula na akong maglakad palabas.
"Aalis ka na? Kain ka muna." sabi ni kuya nang makarating na ako sa may pinto.
"Hindi na kuya." Sagot ko at nagmadaling lumabas.
"Humanda ka talaga sakin Kim Yohan." naiinis kong sabi habang naglalakad.
"Ang aga mo ngayon, hija." sabi ni kuya Guard nang makarating na ako dito sa Main gate.
"Ah hehe......." ano ba isasagot ko?
"May mga estudyante na rin na maaga dumating kaya hindi ka mag-isang estudyante dito."
8:00 AM talaga simula ng klase namin.
Pero ang tanong ay bakit may mga students agad na maaga pumasok.
Pagkadating ko ng room ay nakita ko si Hyeongjun, Dongpyo, Dohyon at Chajun na sama-sama at may ginagawa.
Sila siguro yung tinutukoy ng guard na maaga pumasok.
"Ano ginagawa niyo?" tanong ko sa kanila saka napahikab.
"Antok ka pa?" tanong ni pyo.
"Sobra." walang siglang sagot ko.
"Pero ano ba yang ginagawa niyo?" tanong ko.
"May group project tayo ano ba. Tsaka di ka ba nainform sa gc natin na maaga pumasok ngayon dahil dito natin gagawin ang group project natin?" Si Dohyon.

BINABASA MO ANG
𝔹𝕖𝕤𝕥 𝔽𝕣𝕚𝕖𝕟𝕕 • 𝕂𝕚𝕞 𝕐𝕠𝕙𝕒𝕟
FanfictionBest Friend • Kim Yohan ff chat + narration x1nigang series #1 by: minheerang Cover by: seungwooed Date started: Aug 15,2019 Date Published: Aug 17,2019 Date ended: Sep 29,2019 Status: Completed written in Tagalog and English