nina's
"Ano, yohan? Hindi ka gigising?"
Nandito ako sa kwarto ni Yohan. Sabi niya sa akin kagabi susunduin niya ako sa bahay kasi sabay kaming papasok pero ako pa ang pumunta dito sa kanila dahil ang tagal niya dumating.
"Ito na po, gising na." Walang gana niyang sabi habang nakahiga pa rin.
"Talaga?" Sabi ko at lumapit sa kama niya.
Tinaas ko ang kumot at hihilain sana ito nang hilahin ako ni Yohan pahiga sa kama niya. Kaharap ko siya ngayon at kayakap ako.
"Hoy! Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya habang nagpupumilit makaalis.
"Niyayakap ka." Sabi niya. Nakapikit pa rin siya.
"Pag tayo nakita ni Kuya Wooseok at sinumbong ako kay Kuya Seungwoo, hihiwalayan kita." Pagbabanta ko. Nakita kong minulat niya ang kaliwa niyang mata.
Inis ko siyang tiningnan kaya minulat na niya ang kanan niyang mata.
Two months na kami ni Yohan. Nagpaligaw ako kahit kilala ko na siya at tsaka tinanong niya rin sa akin kung pwede ba siya manligaw hahahaha. (a/n: please see chapte 39)
"Aish! Ito na." Sabi niya at tinigil na ang pagyakap sa akin. Inunahan ko siya bumangon. Sumunod naman siya.
Napa-pout na lang siya pagkabangon.
"Cute ka? Cute ka? Maligo ka na nga!" Sigaw ko at tumawa.
"Ito na po, maliligo na." Sabi niya at dumiretso sa CR.
"Nandoon lang ako sa baba." Sabi ko at bumaba na.
** (fast forward) Uwian
Naglalakad na kami ngayon ni Yohan pauwi.
"Kamusta ngayong araw?" Tanong niya.
"Galing mo ha? Magkaklase lang tayo tapos nagtatanong ka?" Sabi ko at napatawa, ganon rin siya.
Mukha kaming baliw ngayon.
"Umaga pa lang pinasakit mo na ang ulo ko. Sabi mo kagabi susunduin mo ako sa bahay para sabay tayo pero ako pa ang pumunta sa bahay niyo." Sabi ko.
"Sorry na nina." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong nakapout na naman siya katulad kaninang umaga.
"Okay na 'yon." Sabi ko at napatawa.
"Nandito na pala tayo." Sabi ko.
Nandito na kami sa tapat ng bahay namin ni Kuya Seungwoo.
"Papasok na ako." Sabi ko.
Bubuksan ko na sana ang gate nang......
"Sandali lang!" Sigaw ni Yohan kaya napatigil ako sa pagbubukas ng gate st napatingin sa kanya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Pwede payakap?" Sabi niya. Napatawa naman ako.
Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng yakap. Niyakap niya naman ako pabalik.
"Bakit ka ganito ngayon?" Tanong ko habang nakayakap pa rin sa kanya.
"Wala lang." Sagot niya.
"Bakit, may sakit ka ba?" Tanong ko.
"Wala."
"Tsaka niyakap mo na ako kaninang umaga, diba?" Sabi ko kaya napakalas siya sa pagyayakapan naming dalawa.
"Oh, bakit?" Tanong ko.
"Totoo ba yung sinabi mo kaninang umaga?" Tanong niya.
"Na hihiwalayan kita kung nakita tayo ni Kuya Wooseok?" Tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya.
"Joke lang 'yon. Pero kung nakita talaga tayo baka tinotoo ko." Sabi ko tsaka tumawa.
Nakita kong napa-pout siya.
"Sabi kasing wag ka sasama kaya dongpyo. Pout ka na rin ng pout. Hindi mo 'yan kina-cute." Pagbiro ko.
Hindi pa rin siya sumasagot.
"Uy joke lang 'yon. Wag ka magtampo." Sabi ko.
"Alam ko na katapat mo." Sabi ko at napangiti.
Napatingin siya sa akin.
"I love you." Sabi ko.
Nakita kong napangiti siya.
"I love you too."
𝐓𝐡𝐞 𝐄𝐧𝐝
BINABASA MO ANG
𝔹𝕖𝕤𝕥 𝔽𝕣𝕚𝕖𝕟𝕕 • 𝕂𝕚𝕞 𝕐𝕠𝕙𝕒𝕟
FanfictionBest Friend • Kim Yohan ff chat + narration x1nigang series #1 by: minheerang Cover by: seungwooed Date started: Aug 15,2019 Date Published: Aug 17,2019 Date ended: Sep 29,2019 Status: Completed written in Tagalog and English