023 ɴᴀʀʀᴀᴛɪᴏɴ // 𝓷𝓲𝓷𝓪'𝓼

120 8 0
                                    

nina's

"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Yohan.


Nandito kami ngayon sa isang bench sa may school garden. Dito niya ako dinala pagkalabas namin ng cafeteria.

Hindi ko siya tiningnan at ngumiti.

"Oo naman." Sagot ko.

"Sigurado ka?"

"Oo, ayokong may mag-worry lalo na ang kuya ko. Alam kung makakarating sa kanya ang nangyari kanina." Sabi ko.

I feel lucky. I have a caring and kind Brother tapos ganon din ang best friend ko. Kaya bakit ako hindi magiging okay?

"Libre kita." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

Nakatingin lang siya ng diretso sa harap.

"May allowance ka pa?" Tanong ko.

Inilapit niya ng kaunti ang mukha niya sa mukha ko at tiningnan ako ng diretso sa mata at ganon din ako sa kanya.

"Wala." Sabi niya tsaka ngumiti at umupo ng maayos saka ulit tumingin sa harap.

Binalik ko ang upo ko sa ayos.

Hindi ko alam kung bakit pero parang biglang uminit ang mga pisngi ko. Hinawakan ko ito para hindi niya mahalata.

*

(A/N: ayoko na talaga aackkk hindi ako magaling magsulat ng mga nakakakilig na moments kaya pasensya na po.)

 𝔹𝕖𝕤𝕥 𝔽𝕣𝕚𝕖𝕟𝕕 • 𝕂𝕚𝕞 𝕐𝕠𝕙𝕒𝕟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon