Weekend
nina's
Kahit weekend ngayon ay maaga ako nagising.
Pag may pasok, kailangan pang isigaw ni Kuya ang pangalan ko bago pa ako magising tapos pag weekend mas nauuna pa akong magising sa kanya.
Nandito ako ngayon sa dining table tapos si kuya naman nasa kusina nagluluto.
Habang naghihintay sa pagkain ay Napahikab ako.
"Ano, balak mo matulog dito?" boses ni Kuya na nagpagising sa akin.
Naglalagay na siya ng mga plato dito sa mesa.
"Hindi." Sagot ko.
Pagkatapos maghanda ni Kuya ay nagsimula na kaming kumain.
Pagkatapos kumain ay tumayo na ako para pumunta sa kwarto para makaligo na.
Pero hindi pa nakakatapak ang paa ko sa unang hagdan ay tinawag ako ni Kuya.
"Nina! Pupunta x1nigangz sa bahay nila yohan at wooseok. Nagbake ako kahapon ng cupcakes kaya pumunta ka sa kabila tapos ihatid mo yung mga cupcake. Magtira ka ng para sayo."
Hays. Ang aga-aga may utos agad.
Pumunta ako sa kusina at kinuha sa ref ang mga cupcakes at inilagay sa isang tupper ware.
Wala akong pake kung pupunta ako doon ng hindi pa naliligo, sa kabilang bahay lang naman si Yohan.
"Wala si wooseok kaya si Yohan lang mag-isa, gisingin mo na kung natutulog pa. Pakisabi na rin na hindi ako makakapunta kasi may class ako ngayong weekend."
"Okay." sabi ko at lumabas na.
Binuksan ko ang gate ng bahay nila at pumasok sa loob.
Ang tahimik, siguro tulog pa si Yohan.
Nilagay ko ang cupcakes sa ref at pumunta sa taas ng bahay nila.
Gigisingin ko si Yohan.
Pagkaayat ko ay binuksan ko ang pinto ng kwarto niya.
Hindi nakalock.
Hindi ko pa nabubuksan ng todo ang pinto pero napatigil na lang ako sa nakita ko.
Si Yohan lang naman na natutulog.
Kahit ang gulo ng buhok niya ay ganon pa rin ang itsura niya.
Sabihin na nating gwapo 'tong best friend ko.
Gwapo lang siya, yun lang. Wala nang iba pa.
Sinampal ko ang sarili ko para tumigil na sa pag-iisip ng kung ano-ano.
Hinila ko ang kumot ni Yohan na nakabalot sa katawan niya kaya napagulong siya sa sahig.
Napa-aray siya ng malakas.
Napatayo siya ng mabilis at parang kahit anong oras ay maninipa siya.
tbh, ang hirap hilahin ng kumot niya dahil mas mabigat siya kaysa sakin.
"Gising ka na?" tanong ko.
Nandito ako ngayon sa may pinto at naka-cross shoulder ako ngayon.
Napakamot siya sa ulo niya.
"Nina naman, pwede mo naman ako gisingin ng hindi ako pinapahiga sa sahig."
"Ewan ko sayo. Mag-isa ka lang dito tapos hindi pa nakalock pinto niyo sa baba. Gusto mo manakawan?"
Napangiti siya.
Ngiting nang-aasar.
"Bakit, concern ka sa akin?" Tanong niya na may halong pang-aasar.
"Tumigil ka. Ang aga-aga kung ano na naman pinagsasabi mo. Bumaba ka na, may dala akong cupcakes nandoon sa ref." Sabi ko.
"Dessert agad?"
"Syempre hindi. May pagkain yatang iniwan si Kuya Wooseok sa baba." Sabi ko.
Nauna na akong lumabas ng kwarto niya at naramdaman ko naman na nasa likod ko lang siya.
Pagkababa ay Nagulat ako dahil nandito sa baba ang x1nigang.
"Ang aga niyo naman?" Tanong ko.
Akala ko mamaya pa sila.
"Yan kasing si Yohan, magyayaya na lang hindi pa sinabi kung anong oras." Sagot ni Seungyoun.
Napatingin ako kay Yohan.
Napakamot siya sa ulo niya.
"Oh?" napatingin kami kay dongpyo.
"Pareho kayong nakapantulog pa? Dito ka natulog nina?" tanong ni dongpyo.
Nagsimula naman nang mang-asar ang iba.
"Baliw, hindi. May hinatid akong cupcakes tapos ginising ko lang si Yohan." Sagot ko.
"Cupcakes? Penge ako." Sabi ni Dohyon at tumayo papunta sa kusina.
Sinundan naman siya nila Chajun, Hyeongjun, Eunsang at Dongpyo.
"Uy wag niyo kami ubusan!" Sigaw ni Yohan.
Dinala ni Dohyon ang malaking tupper ware dito sa living room.
"Sino gusto?" Tanong ni Dohyon at itinaas ang tupper ware.
Sa isang iglap lang ay naubos agad ang cupcake sa tupper ware.
"Bakit niyo inubos?" Tanong ni Yohan.
"Ang tagal mo kami pakainin eih." Sagot ni Dohyon.
"Tama na 'yan. Mag-almusal ka na lang." Sabi ko kay Yohan.
Pumunta ako dito sa pinto para sana lumabas at umuwi na.
"Uuwi ka na nina? Tanong ni Yohan.
"Oo, maliligo pa ako."
"Sus yohan, wag ka mag-alala Jan lang bahay niyan." Pagbibiro ni Seungyoun.
"Baliw,alam ko." Sagot naman niya.
"Oh sige na,mauna na ako." Sabi ko at lumabas na ng bahay nila Yohan.
Pagkatapos maligo ay pumunta ako sa kusina para kunin ang cupcakes sa ref.
Alam Kong Akin 'to pero ibibigay ko na lang kaya Yohan.
Magbi-bake pa naman si Kuya.
Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan kong nagwawalis siya.
"Sipag ni Yohan ngayon, ano meron?" Tanong ko habang naglalakad papunta sa sofa.
"Pinaglilinis lang siya ni Kuya Wooseok. Hindi naman siya kikilos pag hindi inutusan." Sabi ni Dongpyo.
"Alam mo, sa sobrang cute mo gusto kita hampasin nitong walis na hawak ko." Naiinis na sabi ni Yohan.
"After mo Jan, punta tayo park. Sino gusto?" Tanong ni Seungyoun.
Nagtaas ng kamay si Dohyon.
"ako!" Sigaw niya.
"Ako din!" Si Hyeongjun.
Halos lahat nagtaas ng kamay maliban kay yohan na nagwawalis.
Nagtaas ako ng kamay.
"Sasama din ako!" Sigaw ko.
Tumayo ako at lumapi kay Yohan.
Nagtaka siya dahil may iniabot ako sa kanya.
"Ano 'to?" Tanong niya.
"Cupcake." Sagot ko.
"Talaga? Paano ka?"
"Araw-araw naman ako kumakain niyan. Sayo na lang 'yan." Sabi ko.
"Guys! May cupcake ulit si Yohan hyung!" Sigaw ni Dohyon.
"Inubusan niyo ako kanina. Akala niyo bibigyan ko pa kayo?" Pang-aasar ni Yohan.
Napatawa naman ako ng mahina.
BINABASA MO ANG
𝔹𝕖𝕤𝕥 𝔽𝕣𝕚𝕖𝕟𝕕 • 𝕂𝕚𝕞 𝕐𝕠𝕙𝕒𝕟
FanfictionBest Friend • Kim Yohan ff chat + narration x1nigang series #1 by: minheerang Cover by: seungwooed Date started: Aug 15,2019 Date Published: Aug 17,2019 Date ended: Sep 29,2019 Status: Completed written in Tagalog and English