Chapter 9. Crush

32 3 0
                                    

Keith's POV

"Hmmm! Masarap pala 'to Keith.." sabi ni Archellie.

Ang cute niyang kumain.

Ngayon ko lang nalaman na hindi pala siya kumakain este hindi pa pala siya nakatikim ng isaw.

"Keith..bili ka pa dali! Ang sarap sarap pala. Wag nang kwek kwek. Isaw nalang please? *insert puppy eyes here*"

O diba? Sarap na sarap siya.

lubdub lubdub

Sh*t! Puso ko ba 'yun?

Hala! Nahuhulog na ba ako sa kanya?

Nooooo! Ang alam ko CRUSH ko lang siya..

Camille's POV

"Babe ano ba? Kanina ka pa eh."

nakakainis na si Jerome.

Ano bang nangyayari sa kanya at tingin siya ng tingin sa wristwatch niya.

*ringring*

May tumatawag? Sino naman kaya?

"Hello Archellie?" masiglang sagot ni Jerome sa tumawag.

Si Archellie na naman?

Tsk!

"Ay sorry. Akala ko si Archellie. O bakit pre?" tanong niya sa kausap niya.

Para naman akong natanggalan ng tinik sa lalamunan ng malaman kong hindi si Archellie yung tumawag.

Kita mo naman kay Jerome yung dissapointment eh.

"Ano? San nya kamo dinala? Night Market?" tanong ni Jerome sa kausap niya.

"O sige pre. Salamat sa impormasyon.." sabi pa ni Jerome.

"Sino 'yung tumawag?!" tanong ko ng matapos na siyang makipag-usap dun sa tumawag.

"Wala. Kaibigan ko lang." matipid niyang sagot.

Eh ano yung Night Market na narinig ko?

"Ah. Eh sino yung tinutukoy mo na dinala sa night market?" nakucurious kasi ako eh.

"Kaibigan ko nga. Wag ka na ngang magtanong." naiiritang sabi niya.

May tinatago ba sya?

Kung ano man 'yun.. Malalaman ko din.

"Halika na..Ihahatid na kita. May pupuntahan pa ako after kita ihatid." sabi ni Jerome saka tumayo.

"A-ah..ganun ba? O sige halika na." sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

Tinanggal niya naman 'yung pagkakahawak ko sa kamay niya. :(

Ano ba talagang problema nya?

"What?" tanong nya sakin.

"Ano bang problema mo? May problema ba tayo?" tanong ko.

"Wala akong problema. Okay? I'm just..uhh..I'm just.. tired." nauutal  na sabi niya.

"Oh! Okay..Let's go. Para makapag-rest ka na din." sabi ko.

Sumakay na kami sa kotse niya.

Jerome Santillan... I won't let anyone take you away from me.

Kahit si Archellie pa 'yung makalaban ko.

-----------

Camille's POV

"Babe...nandito na tayo." sabi ni  Jerome.

Ay! Oo nga no? Ang bilis.

Nakatulog kasi ako kaya 'di ko namalayan na nandito na kami sa tapat ng bahay namin.

"A-ah..sige salamat sa paghatid." sabi ko at saka na bumaba ng sasakyan.

Lumabas naman si Jerome para sundan ako.

"Camille..sandali.." sabi niya habang hawak ang kamay ko.

Shems! Kinikilig ako!

Kahit naman boyfriend ko na 'to eh crush ko pa rin sya.

^___________^V

"Uhhh...B-bakit?" naiilang kong tanong.

"Sorry nga pala kung nasungitan kita kanina ah!? Hindi ko naman sinasadya eh." sincere na sabi niya.

Waaaaaaah! Nag-sorry siya!

Wehehehe XD

"Okay lang 'yun. I understand." sabi ko.

"Thank you.." nakangiting sabi niya.

"Ge na. Papasok na 'ko sa loob. Uwi ka na. Ingat. I love you." sabi ko.

Papasok na sana ako pero pinigilan niya na naman ako.

But this time wala na siyang sinabi. Hinalikan niya ako sa forehead at niyakap.

"Jerome.." sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya.

"Camille..alam mo naman kung sino 'yung mahal ko di'ba?" malungkot na sabi niya habang nakayakap pa din siya sa akin.

Nag-nod lang ako.

"Pero sinusubukan kitang mahalin.." dugtong pa niya.

Ang sarap lang sa pakiramdam ng ganito.

Sana lagi nalang kaming ganito ni Jerome.

Waiting for my Right ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon