Chapter 2. Mall

30 3 0
                                    

Jerome's POV

Tumatawag si Archellie. Sasagutin ko kaya?

O sige na nga sagutin na baka importante..

Payatot Calling..

(Hello?!) naiiyak niyang sabi.

"Oh bakit payatot?"

(Jerome. Iniwan na naman ako..)

"Naku naman Archellie! Hindi na ako magtataka kung bakit mo 'ko tinawagan. Where are you?" nagaalalang tanong ko.

(Sa mall...)

"Okay. Stay there, Pupuntahan kita." sabi ko.

(Okay. I'll wait for you.)

"Ge.Bye na!"

*toot toot*

Kailangan ko ng puntahan si Payatot. Baka uminom pa yun eh.

Masama pa naman pinaggagawa nun pag nalalasing.

Sumakay na ako sa kotse ko at dali-daling nagdrive.

Mabilis din naman akong nakarating sa mall.

Nasan na ba yung babaeng payatot na yun?

To: Payatot

Payatot..Nsan ka??

Sent

Mabilis naman siyang nagreply.

From: Payatot

Nasa Jollibee lang..

Received

Sa Jollibee? Abnormal talaga 'to.

Nagpunta naman ako sa Jollibee.

O__________O

Seriously? Brokenhearted ba talaga 'to?

Hindi Halata!!!!!

"Hoy payatot!" sabi ko sabay upo.

"Ang tagal mo naman.Kanina pa ako dito eh." reklamo niya.

"Pasensya naman no? Galing po kaya ako ng school." pilosopong sabi ko.

"Nagditch ka ng class?" tanong niya.

"Di ah! Wala na akong pasok nung tumawag ka." sabi ko.

"Yhieeeeee! Love  mo talaga ako eh!" sabay kurot niya sa pisngi ko.

Oo mahal kita. Higit pa sa kaibigan.

Gusto kong sabihin sa kanya 'yan kaya lang baka iwasan niya ako eh.Mas importante pa din naman yung friendship namin kaysa sa nararamdaman ko.

"Anong love? Muka mo! Assuming tong payatot na 'to!" pagbibiro ko sa kanya.

Nagpout naman siya. Ang cute niya.

"Joke lang. Tampururut ka  na naman payatot!" sabay kiliti ko sa kanya.

"Ay! Hahahahaha!" tawa niya.

Tinigilan ko naman siya. Baka akala nila naglalandian pa kami.

Bago pa tayo magkalimutan dito. Joke! Magpapakilala muna ako.

I am Jerome Santillan. Second year college student din. Bestfriend ko si Payatot simula bata pa kami.

In short, walang in pants eh. Sorry naman! Joke ulet. Ibig sabihin magkababata kami.

Bestfriend ang turing niya sa akin pero hindi bestfriend ang turing ko sa kanya kundi higit pa dun.

Mahal ko 'to eh. Kahit na lagi na lang siyang sinasaktan ng mga siraulong may saltik na mga lalaking yun.

Ewan ko ba dito sa babaeng 'to. Maganda naman siya.Gwapo ako. Bagay kami.Tsk!

"Hoy! Jerome! Libre mo nga ako ng sundae!" sabay pacute niya.

"Psh! Di ka naman yata talaga broken hearted eh. Kumukulong tiyan yata ang meron ka.." biro ko sa kanya.

"Eh? Pinaalala mo pa yung nangyari kanina.." malungkot niyang sabi.

Ano kayang nangyari kanina?

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko sa kanya.

Bigla siyang natahimik.

"May iba pala siyang girlfriend. Mas pinili niya yung TOTOONG girlfriend niya over me." naiiyak niyang sagot.

Kung ako nalang sana kasi yung pinapansin mo eh.

"Eh tangna pala siya eh! Asan na yung abnormal na yun babanatan ko!" galit kong sabi.

"Hahaha. Hayaan mo na. Atleast nalaman ko kaagad." nakangiting sabi niya.

Alam ko namang fake yung ngiti niyang yun eh.

"Sira ka ba?" tanong ko.

Napakunot naman siya ng noo.

"Huh? Bakit?" tanong niya

"Broken Hearted ka pero tumatawa ka. Hindi  ka ba talaga nababaliw?" tanong ko ulit.

"Hindi ako baliw.Eh kasi ang OA mo magreact eh. Hahahaha!" natatawang sabi niya.

Aba't. Siya na nga itong pinagtatanggol ko eh.

"Bahala ka nga dyan." inis na sabi ko at tinungo yung labasan.

Narinig ko naman na tinawag niya ako.

Dedma lang Jerome. Dont mind her kahit mahal mo yan.

"Jerome Santillan! Hoy!!!!" sigaw niya.

Wag lilingon. Wag lilingon.

"Pag hindi ka pa lumingon dito ipagsisigawan kong ano ka!" sigaw niya.

Nakita ko naman na pinagtitinginan at pinagbubulungan na ako.

Etong babaeng 'to talaga. Daig pa nakalunok ng megaphone sa sobrang lakas sumigaw.

Kahihiyan na naman 'to mga dre!

-------

Kung kayo? Babalikan nyo rin ba yung bestfriend niyo? :)

please vote and comment po :) thank youuu :)

Waiting for my Right ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon