Chapter 3. Bestfriends

72 5 1
                                    

Jerome's POV

Lumingon naman ako at binalikan si Archellie slash payatot.

Nakakaasar naman kasi eh. Siya na nga lang itong pinagtatanggol ko, siya pa 'tong pinagtawanan ako. Diba? Nakakainis siya diba? Diba nakakainis? Okay ang korny!

"Galit ka?" tanong niya sa akin.

"Ay hindi hindi! Galit ako sa kanya!" sabay turo ko dun sa taong naglalakad.

"Eh? Pfft. Pfft. Hahahahahahahha.hahahaha.hahaha!" grabe to pagtawanan daw ba ako?

"What's funny?!" sungit mode: on!

"Wala. Nagagalit ka pala sa hindi mo kakilala.Hahaha!" biro niya sa akin.

"Ay hindi!! Pag nakita ko yung Jun na yun hihiwain ko ng espadang pangsamurai na ginamit sa rurouni kenshin yung ano niya! hahaha" sabay tawa ko.

"Jerome salamat ha." biglang iba ni Archellie sa topic.

Eh?

Anung pinagpapasalamat niya?

"Thank you for what?" tanong ko.

"Kase dinadamayan mo ako ngayon na broken ako. Alam mo para kang centrum eh.." banat niya.

"Huh? Bakit diba? vitamins yun? Paano naman ako naging centrum?" naguguluhang tanong ko.

=__________=

"Kase you made my life complete. Thanks for being my bestfriend." sabay hug nya sa'kin.

Ouuccch! Bestfriend daw oh!

"Ano ba yan? Wala akong maramdamang laman! Payatot ka talag--aaaaaccck!" hampasin ba naman daw ako.

"Di naman ako payatot eh!" nagtatampong sabi niya.

"O sige na. Di ka na payatot,kalansay nal---aawwww! ano ba nakakarami ka na ha!" natatawang sabi ko.

Archellie's POV

Nandito pa rin kami sa mall ni Jerome. Siraulong bestfriend ko. Magwalk out daw ba kanina?

Buti nalang nakuha sa blackmail.

Hahahaha!

"Payatot! Uwi na tayo hatid na kita." yaya ni Jerome sa akin.

"Bakit? Hindi mo pa nga ako nililibre ng pagkain eh! Kahit zagu nga wala eh." nagtatampong sabi ko.

Pero syempre joke lang yung tampo ko!

"Zagu lang ba? O siya halika at ililibre kita ng zagu." sabay hatak niya sa akin sa stall ng Zagu.

Yeheyyy!

"Yung pinakamalaking size yung akin ah!" ungot ko sa kanya.

"Psh! Baby Z lang. Ang takaw mo!" natatawang sabi niya.

"Tsss! Akala ko ba libre mo? Ang kuripot mo talaga kahit kailan Jerome!" sabi ko.

"Oo na yung pinakamalaki na po. Anong flavor ba gusto ng mga buto buto mo--- aaack!" hinampas ko ito sa braso.

Sobra naman kasi makapanlait akala mo siya may abs! Eh tabs lang naman yung kanya.

"What?" tinaasan ko ito ng kilay.

"Ano ngang gusto mong flavor?" seryosong tanong niya.

"Choco Hazelnut, black forest atsaka choco cookie crumble.." sabi ko.

Napalaki naman yung mata niya.

"Seryoso payatot? Kaya mo ubusin lahat yun?" gulat na tanong niya.

Tumango tango lang ako.

"Miss isa ngang choco hazelnut, black forest,at dalwang choco cookie crumble.." narinig kong sabi niya.

Maya maya pa ay nakuha na din namin yung mga zagu.

Hmmm! Chalap chalap! Lamiiig :)

"Ano okay kana? Salamat ha?" sarkastikong sabi niya.

"Thank you Jerome. Mwaaah!" sabay halik ko sa kanya sa cheeks.

Ano? H-hinalikan ko siya?

Sabagay ayos lang naman siguro. Friendly kiss lang naman yun eh! Tsaka di naman sa lips, sa cheeks lang.

Nagulat yata si Jerome sa ginawa ko. Maski ako naman eh nagulat din.

"A-ano ka ba? Wala lang yu-yun!" sabay hatak niya sa akin palabas ng mall.

Sumakay na kami agad sa kotse niya. Di ko alam pero parang ang awkward ngayon sa pagitan naming dalawa.

Nagsip muna ako ng zagu tsaka nagsalita.

"J-Jerome.." sabi ko.

Tumingin naman siya sa akin pero agad din nya ibinalik ang tingin sa daan. Nagdridrive kasi siya.

Malamang naman! Baka mabangga kami no? Mahal ko pa buhay ko!

"Ano yun?" nakatingin pa rin sya sa daan.

"Yung k-kanina..Sor--"

"Payatot ayos lang yun! Alam ko naman na type mo ko eh!" nakangiting sabi niya.

Namula naman ako agad dun sa sinabi niya kaya naman ibinaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon.

"You're blushing.." nakakalokong sabi niya.

"Ang kapal ng mukha mo! Sino may sabing nagbablush ako? Di ah!" pagtatanggi ko.

Nakangiti lang siya sa akin.

"Liar.." rinig kong sabi niya.

Waiting for my Right ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon