Chapter 10: Forget Her

30 3 0
                                    

Jerome's POV

"Babe...nandito na tayo." sabi ko kay Camille.

Ginigising ko siya kasi tulugan daw ba ang kagwapuhan ko?

"A-ah..sige salamat sa paghatid." sabi niya at saka na bumaba ng sasakyan.

Lumabas naman ako para sundan si Camille.

"Camille..sandali.." sabi ko habang hawak ang kamay niya.

"Uhhh...B-bakit?" naiilang niyang tanong.

"Sorry nga pala kung nasungitan kita kanina ah!? Hindi ko naman sinasadya eh." seryosong sabi ko.

"Okay lang 'yun. I understand." sabi ni Camille.

Nakakahiya ako! May girlfriend ako pero ibang babae 'yung mahal ko.

And take note! Bestfriend ko pa.

"Thank you.." nakangiting sabi ko.

"Ge na. Papasok na 'ko sa loob. Uwi ka na. Ingat. I love you." sabi niya at akmang papasok na sa gate pero pinigilan ko ulit siya.

But this time wala na akong sinabi. Hinalikan ko siya sa forehead at niyakap.

"Jerome.." tawag niya sa akin.

"Camille..alam mo naman kung sino 'yung mahal ko di'ba?" malungkot na sabi ko habang nakayakap pa din siya sa akin.

Nag-nod lang siya.

"Pero sinusubukan kitang mahalin.." dugtong ko.

"Jerome..kaya kong maghintay. Pero kasi. Tao din ako..nasasaktan din ako..nagseselos ako." sabi ni Camille.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.

"I'm sorry Camille. Im really really sorry.." sabi ko.

"Hindi mo ba talaga siya kayang kalimutan? Jerome i am your girlfriend. Dapat sa akin lang 'yung attention mo." umiiyak na sabi niya.

"Camille..w-what do you mean by that?" naguguluhang tanong.

"Learn to forget her. She doesn't love you. Can't you see it? Iwasan mo na siya." umiiyak na sabi pa rin niya sa akin.

Alam ko naman 'yun eh.

"Hah! How can I ? I love her that much. Im sorry Camille kung nasasaktan ka. Pumayag akong makipagrelasyon sa'yo dahil ang sabi mo.....sabi mo ayos lang kahit may iba akong mahal. But now..ano 'tong sinasabi mo? Your being selfish.." naiinis na sabi ko sa kanya.

"Im not selfish Jerome. Im madly in love with you. Ayokong magkaroon ng kahati. That Archellie? Nasa kanya na lahat...Pati 'yung puso mo.." mahinang sabi nya.

I can see the pain in her eyes. She's damn hurting..

"Jerome im begging you. A-ako nalang please? *huk* ako n-nalang 'yung mahalin mo..*huk*" umiiyak na sabi niya.

"Sh*t.. Camille don't do this..p-please. Wag kang gumanyan." naiiyak ko na ding sabi.

"T-tutulungan kitang kalimutan siya. P-please..Jerome..ako nalang." nagmamakaawa pa ring sabi niya.

F*cking Sh*t. What will I do?

Pero tama si Camille. Archellie can't love me back.

Bestfriend nga lang 'yung turing niya sa akin hindi ba?

Masakit man pero eto siguro 'yung tama.

"Fine. H-help me to...hah! to forget her.." Kasabay ng pagsabi ko nun ay tumulo na ang kanina ko pang pinipigilang luha.

Niyakap ako ulit ni Camille.

"Thank you, Jerome. I'll promise. Gagawin ko lahat para sa'yo.." sabi niya.

Humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Sige na. Pumasok ka na sa loob. Malamig na sa labas. I'll see you tommorow. Goodnight,Camille.." sabi ko.

"Goodnight. Ingat ka." sabi niya at saka pumasok sa loob.

-----------

Sa school..

Archellie's POV

"Hoy Jerome! Nakakatampo ka ah!" sabi ko kay Jerome ng makalapit na ako sa kanya.

"..............."

Anyare dito? Bat di ako pinapansin?

"Hoy Jer---"

*riiiiing riiiiiing*

"Hello?" sabi ni Jerome sa kausap sa telepono.

"Oh.....Haha.....Sige sige....Hindi naman....Ano bang sabi ko sa'yo last night......yep....Okay..Hahaha....ang kulit mo babe.....di nga...okay okay......I'll fetch you at..hm..maybe 4?.....o sige...3 pm...sharp po 'yun...Yes bosss! Bye...hahaha...oo na...okay okay...sige.Mamayang 3 ah...don't forget..oo nga.bye.." sabi ni Jerome.

Sawakas natapos na din siya makipag-usap.

Buti naman. Kung yung pusang yun lang din naman ang kausap niya. Tsk!

Girlfriend niya na kaya 'yung pusang yun?

"Sinong tumawag?" masiglang tanong ko.

"Girlfriend ko." cold na sabi niya.

=_________=

Nakakainis naman 'to kausap.

Teka. G-girlfriend daw? Girlfriend na niya 'yung pusang 'yun?

O________O

"Hoy...Jerome...Hoy" sabi ko.

Pero hindi niya ako nililingon. Kahit pansinin wala.

"Bahala ka nga.." sabi ko.

"Asdfghjklqwertyuiop.." bulong niya.

Ano na naman kaya 'yung binubulong bulong niya?

"May sinasabi ka?" tanong ko.

"Wala!" sabi nya sabay tayo at labas ng room.

Aba't.May PMS ba siya?

Waiting for my Right ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon