Archie's POV
"Manang pabili nga pong Sphagetti, ham sandwich at juice pati chocolate ice cream." sabi ni Jerome sa tindera.
Grabe 'to. Wagas makakain!
"Yun na lahat? Wala ka nang idadagdag?" tanong nung tindera.
Lumingon naman si Jerome sakin.
"Ikaw ano gusto mo?" nakangiting sabi niya.
Seriously? Sakanya lang lahat ng in-order niya?
Unbelievable! Isa siyang Monster pagdating sa pagkain -.-
"Ako nalang oorder para sakin." mabilis kong sabi sa kanya.
Nagnod naman siya bilang sagot.
"Una na ako dun sa table Archie. Order ka na bilis!" sabay tulak niya sa akin.
Excited masyado eh nakaorder na nga siya ng sangkatutak na pagkain. Psh!
"Isa nga pong slice ng chocolate cake,isang iced tea at isang cheese flavored ice cream." sabi ko sa tindera.
Ngumiti naman siya at dali daling ibinigay sa akin ang order ko.
Nagbayad na ako pagkakuha ko ng pagkain at pumunta sa lamesa kung nasaan kumakain si Jerome.
"Bakit ang konti naman ng ipapakain mo sa buto m--Aaacck!" napasigaw siya sa sakit.
Sinipa ko lang naman siya ng malakas sa tuhod.
"Ang brutal mo. Tsk!" sabi ni Jerome habang umiiling iling pa.
"Kumain ka na nga lang dyan! Bakit gusto mo pa sa kabila para pantay?" pagbibiro ko.
Napansin ko naman na may tinitignan siya.
Pagtingin ko nakatingin ito sa akin. Nagulat ako nang biglang tumayo si Jerome at lumapit dun sa lalake na nakatingin sa akin.
"Pare may problema ba?" cool na tanong niya.
Sinundan ko naman siya.
"Wala naman. I just want to get HER number." sagot nung guy.
Inemphasize niya pa talaga yung 'HER'.
"D'you think she's going to give you her number?" tanong ni Jerome na halatang naiinis na.
Lumapit sa akin yung lalake.
"Hey Miss! Can I get your number?" nakangiting sabi niya sa akin.
Ibibigay ko ba?
Napatingin ako kay Jerome.
"I-im sorry. Hindi ako nagbibigay ng number kapag di ko kilala." sabi ko.
"Ouch! Ikaw palang ang tumanggi sakin alam mo ba 'yun?" tanong niya.
"Hey hey! Just leave." sabay tulak sa kanya ni Jerome.
"I just want you to be my friend. Is there something wrong with that?" tanong niya.
"What the f*ck! Hey I said leave! She doesn't like you! Hindi mo ba siya narinig?" naiinis na sabi ni Jerome.
"Hey Archellie wag ka nang magmalinis. Mapupunta ka din sa akin!" sabay hatak niya sa kamay ko.
"Watch your word man!" sabay suntok ni Jerome dun sa lalake.
Napasubsob naman yung lalake sa sahig.
"Let's go Archie." sabay higit niya sa kamay ko.
Sino ba yun? Stalker? Admirer? Hindi siguro.
Pero Waaaaah! Kinikilig ako kay Jerome.
Parang ako yung prinsesa sa mga fairy tales tapos siya yung prince charming at Knight in Shining Armor ko.
Nagulat ako ng bigla siya tumigil sa paghatak sa akin.
"Are you okay?" nagaalalang tanong niya.
"Uhh...oo. Ayos lang ako." nakangiting sabi ko sa kanya.
"Sure ka!? Hindi ka ba nasaktan?" tanong niya ulit.
"Ang kulit ng lahi mo Jerome! Sabi ng hindi nga eh. Ayos lang ako. Salamat ah!" sabay hug ko sa kanya.
"Dinamay pa talaga yung lahi ko eh -.-" bulong niya.
"Binulong mo pa! Rinig ko naman.." sabi ko sa kanya.
"Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay pinagnanasaan ka nung walang hiyang yun eh flat ka naman at buto buto pa." nakakalokong sabi niya.
Natouch na sana ako eh. Nanginsulto pa. Psh!
"Hoy! Hindi ako buto buto! Sexy ako! Sexy! Atsaka hindi ako FLAT!" sigaw ko sa kanya.
Nagwalk out ako matapos ko syang sigawan. Grabe siya! Di ko ma-take!
Narinig ko namang tumawa siya.
Aba matinde!
"Pffft. Hahahhaha!" hindi na yata niya mapigilan ang hindi tumawa at napalakas yung tawa niya.
Nakita ko namang nagtinginan yung mga tao sa akin.
Yung itsura nila parang natatawa na pigil.
Bakit kaya?
Bigla namang may lumapit sa akin na lalake.
Ampupu~ Ang gwapong nilalang!
--------
Okay po ba yung chapter 5? Please vote and comment po :) Salamat n.n
BINABASA MO ANG
Waiting for my Right Man
Novela JuvenilIsang babaeng naghahanap ng totoong pagmamahal... Siya si Archellie Salcedo. Isang babaeng walang ginawa kundi magmahal at paulit ulit na nasasaktan. Kailan kaya niya mahahanap ang tunay na taong nakalaan para sa kanya? ---Waiting for my right man