Keith's POV
Hinatak ko na si Archellie palabas ng restaurant.
Pesteng Jerome kasi yun eh. Panira ng moment!
"Ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong ko sa kanya.
"Oo. Pasensya ka na ha.Nadamay pa tuloy yung dinner natin.." malungkot na sabi niya.
San ko kaya sya pwedeng dalhin?
Ah alam ko na!
"Tara!" sabi ko kay Archellie sabay takbo.
Jerome's POV
San kaya dinala ni Keith si Payatot?
Walangyang yun! Sasamain sakin yun kapag may nangyaring masama sa bestfriend ko.
"Babe? Nakikinig ka ba sa akin?!" tanong ni Camille.
Hindi! Wala akong pakialam sayo!
Pero syempre di ko sinabi yan. Baka madaplisan ng kamay ang aking oh-so-handsome face eh.
"Ano bang sinasabi mo?" tanong ko sa kanya.
"Nothing. Let's go. Nabobore ako dito eh." sabi niya sa akin sabay tayo.
Nandito pa din kasi kami sa restaurant eh.
Camille's POV
Si Archellie Salcedo na naman.
Lagi nalang si Archellie.
Si Archellie maganda. Si Archellie magaling. Si Archellie mabait.
Si Archellie puro nalang Archellie.
Kailan ba darating yung time na ang pangalang "CAMILLE" naman ang lagi nilang masasabi?
Lalong lalo na si Jerome.
Alam kong si Archellie na naman yung nasa isip niya.
Ako yung girlfriend niya pero si Archellie yung laman ng puso't isip niya.
Kahit si Keith Marco Zuniga siya rin yung gusto.
Bakit ba hindi na lang ako?
Ano bang meron sa kanya?
Archie's POV
(a/n: ARCHIE,ARCHELLIE,PAYATOT si ARCHELLIE SALCEDO PO YAN :))
"Keith sandali lang naman pagod na ako eh." pagrereklamo ko kay Keith.
"Sandali na lang Archellie malapit na tayo." sabi ni Keith habang patuloy pa din akong hinihila.
San ba talaga niya ako balak dalhin?
"Ayaw ko na masakit na yung---"
Napatigil ako sa sasabihin ko ng makita ko yung night market.
Dito ako dinala ni Keith.
"Tada! Dito natin itutuloy yung date natin! ^__^" masayang sabi niya.
Date?
Akala ko ba dinner lang? Bat naging date?
"Date?!" tanong ko.
Hindi niya pinansin yung tanong ko at hinila na ko sa bilihan ng mga pagkain.
"Manang pabili nga po nito nito ayun ayan eto tsaka yun pa po.Tapos eto pa po pala tsaka yun pa!" walang awang sabi ni Keith. Hehehe ^_________^
Paano naman kaya sangkatutak na pagkain yung pinili niya.
Hindi na siya naawa dun sa tindera ang bilis niyang magturo. Hahaha~
After 1023575960544 years!
Pero syempre joke ulet!
Naibigay na din sa amin nung tindera yung mga pagkain.
"Tara bili muna tayo ng kwek kwek at pritong isaw!" nakangiting sabi ni Keith at hinila na naman ako.
"Manong 50 pesos nga pong kwek kwek at isaw." sabi ni Keith.
"Nakakain ba yan?" tanong ko kay Keith.
"Eh? Di ka pa ba nakakain ng isaw?" tanong niya.
"Hindi pa eh." sabi ko.
"Eto oh try it. Masarap yan!" sabi niya sabay aktong isusubo sa akin yung isaw.
"Eh? Wag na. Baka di ko magustuhan yung lasa eh." iiling iling kong sabi.
"Sige na please! Try mo masarap 'to promise!" sabi niya.
"O sige na nga."
"Hmmm! Masarap pala 'to Keith.." sabi ko.
----------
Thank you sa pagbabasa :)
Vote and Comment naman po kayo kung pangit o maganda? Plissssh! (please) thank you thank youuu :D
BINABASA MO ANG
Waiting for my Right Man
أدب المراهقينIsang babaeng naghahanap ng totoong pagmamahal... Siya si Archellie Salcedo. Isang babaeng walang ginawa kundi magmahal at paulit ulit na nasasaktan. Kailan kaya niya mahahanap ang tunay na taong nakalaan para sa kanya? ---Waiting for my right man