Chapter 13. Pain

25 2 0
                                    

Camille's POV

Nakita ko 'yung ginawa ni Jerome.

At last! Iniwan niya na din si Archellie.

Ibig sabihin ba niyan....mas importante ako kay Jerome kesa kay Archellie?

Pero bakit hindi ko magawang magsaya?

Hindi ko magawang tumawa,magcelebrate.

I won! Pero I know...talunan pa rin ako. Kase alam ko sa sarili ko na si Archellie pa din.

Siya pa din ang nagmamay-ari ng puso ni Jerome.

Ang lalaking pinakamamahal ko..


Keith's POV

"Tara..sumama ka sakin." sabi ko kay Archellie.

"H-huh? Saan tayo pupunta?"

Aish!

"Wag ka ng matanong..Sumama ka nalang." sabi ko sabay hatak sa kanya.

Dinala ko siya dito sa secret place ko.

"A-anong lugar 'to?" tanong niya.

"Dito ako nagpupunta kapag malungkot ako. Secret place ko 'to Archellie." nakangiti kong sabi sa kanya.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Ano bang nangyari? Ready akong makinig.." sabi ko.

Nagsimula na naman siyang umiyak.

"Gusto ni Jerome na l-layuan ko na siya.." malungkot niyang sabi habang patuloy pa ring umiiyak.

The heck!

Ano bang pumasok sa utak ng Santillan na 'yan at kailangang layuan siya ni Archellie?

"Huh? Pero bakit?" tanong ko.

"P-pinagseselosan na daw kasi ako ni Camille eh.." umiiyak pa din siya.

Dahil lang sa selos?

Ang babaw!

"Hayaan mo na siya. Nandito pa naman ako eh. Kaibigan mo naman ako Archellie."

"Salamat,Keith." ngumiti ito na alam ko namang peke.

"Don't act as if you're okay. I know it's fake. =___=" sabi ko sa kanya.

Naaawa tuloy ako kay Archellie.

"Sorry ah. You know what..ikaw 'yung pangalawang lalake na nakakita sa aking umiiyak." sabi niya sa akin habang patuloy pa ring tumutulo ang luha niya.

"Bakit pangalawa lang. Sino ba 'yung una?" tanong ko.

Napahagulgol naman siya.

Hanlaa! O.O

Ngayon ko lang narealize 'yung tinanong ko sa kanya.

"Sorry. Hindi ko na dapat tinan--"

"No! It's okay...y-yung bestfriend ko kasi yung una. S-si ... je..*sigh* jerome" putol niya sa sasabihin ko.

Si Jerome pala. Sa tagal ng pinagsamahan nila ng dahil lang sa isang babae iniwan siya nito.

The f*ck!

"Aaaaaaaaahhh!" sigaw ko.

Napakunot naman 'yung noo ni Archellie.

"Keith..a-anung ginagawa mo? Baka may makarinig sayo niyan!" saway niya sa akin.

"Walang makakarinig sa atin dito. Secret place nga eh. Haha! Nakakagaan ng pakiramdam..try mo."

"Eh?" -Archellie

"I just want to ease the pain. Sige na. Ilabas mo na yan!" nakangiti kong sabi sa kanya.

Unti-unti ng pumatak yung mga luha niya.

Archellie's POV

"Aaaaaaaaahhh!"

Nagulat ako ng biglang sumigaw si Keith.

Siraulo ba 'to?

"Keith..a-anung ginagawa mo? Baka may makarinig sayo niyan!" saway ko sa kanya.

"Walang makakarinig sa atin dito. Secret place nga eh. Haha! Nakakagaan ng pakiramdam..try mo."

"Eh?"

"I just want to ease the pain. Sige na. Ilabas mo na yan!" nakangiti niyang sabi sa akin.

Unti-unti ng pumatak yung mga luha ko.

Eto na naman. Umiiyak na naman ako.

"Aaaaaah! Jerome! Mahal kitaaaa!" sigaw ko habang patuloy pa ring umiiyak.

"Sobrang mahal kita bestfrienddd!"

"Gusto kong magalit sayo pero hindi kooo kayaaaaa!"

"Bumalik ka na sakeeeen"

"Hindi ko kayang mawala k--"

Hindi ko na naituloy pa yung sasabihin ko dahil niyakap na ako ni Keith. I hugged him back. At umiyak ako ng umiyak.

"I can be your crying shoulder :)" sabi niya habang tina-tap yung likod ko.

"Keith ang sakit talaga eh. Pero...salamat."

Mabuti nalang nandito si Keith. Napapagaan niya yung nararamdaman ko.

Tama nga siya. Nakakagaan ng pakiramdam ang pagsigaw ng nararamdaman mo.

Jerome,kung alam mo lang kung gaano kita kamahal.

Ikaw yung kuya ko..

Ikaw yung bestfriend ko..

Ikaw yung taong pinakamalapit sa akin...sa puso ko.

Ikaw lang yung taong minahal ko ng ganito.

Ang sakit lang na mismong bestfriend mo pa ang iiwan sayo and worst mahal mo pa.

Sh*t happens.

D*mn! I hate you Camille. Kinuha mo yung bestfriend ko sa akin.

You ruined our relationship. Alam kong hindi na niya ako kakausapin or papansinin because of you..

ANG HIRAP MAGMAHAL NG PATAGO!

Waiting for my Right ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon