Jerome's POV
Nandito kami sa mall ni Camille.
Dito ko kasi napagpasyahang kumain.Papasok na sana kami ng Jollibee ng mahagip ng mata ko sila Archellie at Keith. And take note!
Ang saya saya nila! Psh.
>.<
"Camille..can we go back to school?"
"Huh? But why? Eh hindi pa nga tayo nakakaorder--"
"I said lets go.." sabi ko nalang at hinila siya palabas ng mall.
Nakakainis. Nakakainggit.
Archellie's POV
Nandito kami ngayon ni Keith sa mall. Ililibre ko kasi siya.
"Hoy Keith! San mo ba gustong kumain talaga? Kanina pa tayo paikot ikot dito wala ka pang napipili.."
"Teka nga lang sabi e. Ikaw ang kulit mo din e no? Labag ba sa kalooban mo 'tong pagtreat mo saken?" natatawang sabi niya.
Adik talaga 'to. Kung si Je--- Nevermind.
"Hindi ah. Eh kasi nagugutom na ako e." pagpapalusot ko nalang.
"Kaya pala pumapayat ka dahil hindi ka kaagad kumakain e. Halika sa Jollibee nalang tayo." sabi niya sa akin sabay hawak ng wrist ko.
"O sige tara--" napatigil ako sa paglakad ng makita ko si Jerome at Camille na papasok ng Jollibee.
Bakit parang hindi niya yata ako nakikita?
Ayaw na ba talaga niya akong maging bestfriend? After niyang sabihin sa akin yung mahal mahal thingy?
"Archellie.." tawag ni Keith.
"Hmm? A-ayos lang ako.." sabi ko.
Nagulat ako ng bigla akong iharap ni Keith paharap sa kanya at pinunasan yung basang pisngi ko.
"D*mn it. Siya na naman yung dahilan niyan. Archellie kalimutan mo na siya." Kitang kita ko kay Keith yung pag-aalala at the same time inis din.
"Ano ka ba? A-ayos lang ako..Halika na nga kumain na tayo at ng makauwi na." sabay hatak ko sa kanya.
------
"Keith ano bang gusto mong kainin?" tanong ko kay Keith.
Ako kasi yung oorder. Nandito kami sa Jollibee.
Kung itatanong nyo naman sila Jerome at Camille. Well,ewan ko sa kanila. I.DON'T.CARE!
Kuha nyo?
*boink*
Aray!
Walangyang Keith 'to. Batukan daw ba ako?
"Archellie..nakikinig ka ba sa akin?"
"Wala ng bukas? Kung makabatok ka dyan e. Eh ano ba kasing sinasabi mo?" inis na tanong ko.
"ANG SABI KO PO GUSTO KO NG CHICKEN,YUNG SPICY CHICKEN HA. GUSTO KO DIN NG REGULAR FRIES AT COKE FLOAT. PAKISAMAHAN MO NA DIN NG SUNDAE!" sigaw niya.
Grabe ang sakit ng Ear Drums ko di na naawa :/
Masakit na nga ear drums ko butas pa pati bulsa ko dito. Pero ayos lang. Kaibigan ko naman 'tong mokong na 'to e.
^____________^V
"Ah okay sige. Oorder na ako." sabi ko sabay akmang aalis kaya lang tinawag na naman ako ni Keith.
"Archellie sandali pala.." ngumiti sya ng nakakaloko.
Ano na naman kayang sasabihin nito?
Kinakabahan tuloy ako.
=____________=
"Ano na naman?" tanong ko.
"Yung regular fries gawin mo na palang large fries tas pakidagdagan na din ng peach mango pie. Hehehe" sabay peace sign niya.
^________^V
"Grabe Jer--- Keith pala. Kaya mo bang ubusin lahat ng pinaorder mo?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Im not Jerome,Archellie =___="
Tsk! Bat ko ba kasi nasabi 'yung pangalan niya e.
"S-sorry..Oorder na muna ako."
"Sige ^_^" grabe. Baliw na yata 'to. Kanina di maipinta yung mukha ngayon naman nakangiti.
Sino sa inyo may kakilalang Mental Doctor jan?
Baka may kakilala kayo. Paki-patingin nyo naman tong si Keith.
Hahahaha! ^______^V
Keith's POV
"Keith san pa tayo pupunta?!" tanong sa akin ni Archellie.
Hanggang ngayon kasi nandito pa kami sa mall.
"Arcade kaya tayo?!" suggestion ko.
"Ayoko dun e."
"Ahm..ano kaya magandang gawin?!" sabi ko habang nag-iisip.
"Hmm..Alam ko na!" -Archellie.
Hanlaaa! o.O bat parang kinabahan yata ako bigla?!
"A-ano?" tanong ko.
"Hmm..Videoke Hub nalang tayo."
Eh?! V-videoke? o.O
"Halika na Keith dali! Excited na ako!" tuwang tuwang sabi ni Archellie.
Mapapasabak na naman ako nito.
=_______=
Di bale na. Isipin ko nalang bonding time namin 'to ni Archellie.
Kahit Boring =_______= di kase ako kumakanta eh.
BINABASA MO ANG
Waiting for my Right Man
Teen FictionIsang babaeng naghahanap ng totoong pagmamahal... Siya si Archellie Salcedo. Isang babaeng walang ginawa kundi magmahal at paulit ulit na nasasaktan. Kailan kaya niya mahahanap ang tunay na taong nakalaan para sa kanya? ---Waiting for my right man