The Antagonist 1: The three of them.

1.8K 68 8
  • Dedicated kay the readers ♥
                                    

****

Nash's P.O.V

"Pwede namang tumabi diba?" Bigla kaming napasunod sa utos niya at tumabi talaga sa daanan.

Kahit na kami ang pinaka-cool at pinaka-sigang grupo sa batch namin, lahat talaga kami napapasunod at natatakot kapag narinig namin ang boses ng babaeng yan.

"Sorry na Sharlene!" sabi ng kabarkada ko sa kanya.

Inerapan lang yung kabarkada ko ni Shar at saka nagdire-diretso ng lakad. Blame yourself dude!

"Bakit mo pa kasi kinausap? Yan tuloy!"

With just a stare, she can scare everyone. I don't know if it's a good or bad thing or both? Huh. She's Sharlene San Pedro after all.

"Pero Nash, bakit ba ganun ugali ni Shar? Natural ba yan?" Out of the blue na tanong nila sa akin.

Alam nilang I knew her since we're little kids. Pero hindi nila ako pinupush sa kanya unlike other girls na gusto nilang maging girlfriends ko. These not-minding-there-ow n-lovelifes men. They know that Sharlene is definitely not my type and she's not someone's type as well.

"Broken family nila. Hindi naman ganyan ugali niya dati pero that made her change."

"Ganun ba? Beauty and brains siya kaso with that attitude, nah. She's not being lovable!"

"Yes, being in love doesn't suit her."

Nagtawanan yung mga kabarkada ko samantalang ako, seryoso. I wouldn't take my words back because it's the truth.

Within a minute, bumalik na si Sharlene sa classroom. Kaklase ko siya ngayon sa subject na ito and late ang professor naming ang boring magturo. Umupo lang siya sa upuan niya at nagbasa ng libro. Nerd? Check!

Tinitigan ko lang siya. Anak siya ng secretary ni Mommy na 15 years ng nagtratrabaho sa company namin. And kilala ko na nga siya simula bata pa lang ako.

She's not my childhood friend, childhood bestfriend, childhood enemy, childhood crush or whatsoever. Nagkakausap lang kami about school activities and never about our personal lives. Kung paano nangyari yon? I don't know. Maybe she's blind enough not to see my charms and I don't care.

I find myself watching her all the time. Simple lang siya at walang arte sa katawan. It's her charm and she should be thankful that I'm seeing it. But she always has that poker face. I suddenly remembered that day...

Party sa company at obligado akong pumunta at makipag-kamay sa lahat ng taong makikita ko kahit na 16 years old pa lang ako . All I have to do is be thankful & wholeheartedly accept this fate. Naglakad-lakad ako at napansin ko sa ma gate na may kinakausap ang mga guards. That hair and that figure. Si Sharlene!

"Please na po Manong! Papasukin niyo na po ako!" Nanggigilid ang luha niya. Bakit kaya?

"Sorry Miss! May party sa loob at kung sino man yang nanay na sinasabi mo baka imbento mo lang yan. Bawal kaming magpapasok ng hindi invited sa party na ito. Itext mo na lang siya at palabasin mo."

"Manong naman. Hindi nga sumasagot si Mommy! Emergency po talaga to! Emergency talaga! Kailangan ko lang po talaga siyang makausap."

Tuluyan ng umagos mga luha niya sa mata. Bilang mabait na anak ng Diyos, ako na ang nagbukas ng gate at pinapasok siya. Nagulat yung SG sa ginawa ko.

"Sir Nash, bakit niyo po ginawa yun? Bawal pong magpapasok ng uninvited guest. Wala po siyang connection dito sa business. Mukhang kasing edad niyo lang po yan, baka manggulo lang po."

"Are you saying that I'm a troublemaker? Okay, I'm inviting her now."

Hinaltak ko siya sa braso at saka kami tumakbong dalawa. Hindi naman ako kayang kontrahin nung SG kasi nga he's working under my parents.

The Antagonist. (NashLene & JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon