****
SHARLENE'S P.O.V
"Oy Sharlene! Natamaan ka ba? May masakit ba sa'yo? Sabihin mo!" Hinahawak-hawakan ako ngayon ni Nash. Sapak aabutin niya kapag nag-landing pa sa ibang parte kamay niya!
"Oo. Ayos lang ako! Pasensya na po Manong!" Humarap ako sa driver at yumuko sa kanya.
"Pasensya ka na rin hija. Hindi ko alam na tatawid ka pala."
"Everything is settled now, I guess?" sabi nung blonde na babae. Tinuro naman niya yung uniform ko. May tubig pala yung pinagbuwalan ko kaya basang-basa na ito ngayon! Bakit ngayon ko lang narealize?
"Wala ka bang extra shirt na dala ngayon? Your uniform is soaking wet now. My gosh!" Mabuti na lang at black uniform kami ngayon.
"Isuot mo muna to." Inabot sa akin ni Nash yung binili naming dress.
"Oh bak---." Tinapat ni Nash yung index finger niya sa bibig ko. Sign na tumigil ako sa pagsasalita.
"Alexa, samahan ko muna siya ah. Babalik kami." Alexa pala ang pangalan nung blonde girl. Now I know.
"Bakit mo ipapasuot sa akin ito Nash? Diba ipangreregalo mo to?" Nasa tapat kami ngayon ng CR.
"Kesa naman basang-basa ka ngayon, diba? Huwag ka na ngang mag-inarte dyan. Mas bagay sa'yo yang dress kesa sa pagbibigyan ko." Problema ng isang to? Vice versa kaya yung pinagsasabi niya kanina.
Tapos na akong magbihis ng marealize ko na hindi bagay ang dress na ito at black shoes. Pinagtitinginan na tuloy ako ng ibang tao!
"Ayos ah! Nagpapauso ka ba ng bagong style? Hindi ko alam na ganyan kaganda fashion sense mo. Pfffft!" Nagawa pang mang-asar ni Nash ah.
"Pake mo ba?" Siya na nga nagsabi na kesa basang-basa uniform ko eh. May metok amp!
"Sino ba dapat pagbibigyan mo nitong dress?"
"Yung babae sa labas."
"Yung Alexa? Kaano-ano mo ba yun? Girlfriend mo?" Eh kung magyakapan at halikan siya sa cheeks eh.
"Yck! She's one of the few people that annoys the hell out of me."
"Grabe ka naman! Akala mo naman napakarelevant mong tao. Mukhang mabait naman yung tao ah. Maganda pa!" Well, base sa nakikita ko sa babae kanina.
"Hindi ba gumagana radar mo ngayon?"
"Radar?" Kelan pa ako nagkaroon ng radar? May metok talaga!
"Wala. Just don't be fooled."
"Talagang hindi ako magpapaloko sa pinagsasabi mo." Umiling lang ang ulo niya saka naunang maglakad. Pakidala siya sa mental please!
****
"Nash! What took you so long? By the way, birthday ko na mamaya! I'm looking forward!" sabi ni Alexa kay Nash. Nandito kami sa parking lot.
"Ano ibibigay mo sa kanya? Mamaya na pala ang birthday tapos pinasuot mo pa sa akin itong dress." Bulong ko sa kanya.
"Ewan ko. Huwag ko na ngang regaluhan yan." Binatukan ko siya. Nakakakonsensya kaya, wala siyang ireregalo rito kay Alexa ng dahil sa akin.
"Pumunta kayo mamaya sa cafe na pinagtratrabahuan ko. I'll take care of the rest! Huwag kang aangal!" Hindi na makasagot sa akin si Nash. Nagbabaga na kaya mga mata ko sa sobrang kadesperaduhan!
****
9:30 na ng nakita kong pumasok sa cafe sila Nash at Alexa. Nasa stage na ako ng cafe at hawak-hawak na ang violin ko.
Love Moves In Mysterious Ways ang iplinay ko sa violin ko. Feel na feel ko kasi ang instrumental ng kantang to. One of my favorites kahit hindi ko pa talaga naeexperience kung gaano ka-mysterious ang love.
After playing, nagpalit na ako ng damit kong pang-waitress at lumapit sa kanila.
"Ano po order niyo Ma'am and Sir?"
"Wow! You're so beautiful playing that violin! Hindi ko alam na ipapa-experience sa akin ni Nash na mag-stay sa ganitong ka-relaxing atmosphere as a birthday gift. I really love it!"
"Kung alam mo lang..." Siniko ko si Nash. Bakit ba ganito treatment niya kay Alexa? Mukhang mabait naman yung tao ah.
"Siguro may insipiration ka habang nagplaplay ng violin? Sino yan ah? You can't play that beautiful piece without an inspiration!"
Napaisip ako. May inspiration or iniisip ba ako habang tumutugtog non? Ang alam ko lang na-feel ko lalo yung kanta nung nagkatinginan kami ni Nash. Why?! I should erase that thought! Nangyari ba talaga yon?
"Wala ah." sagot ko kay Alexa.
"Weh? May boyfriend ka ba or do you like someone?"
Like someone? Wala rin ah! Pero bakit si Nash ang tinitignan ko ngayon at nagkakatitigan kami! Napaiwas tuloy ako ng tingin.
"Jairus." Napatingin ako sa bintana ng cafe at nakikita ko si Jairus ngayon.
"Jairus? You mean Jai Aquino?!" tanong ni Alexa.
"Ano? Gusto mo si Jairus?" si Nash naman nagtanong sa akin. Tumingin kaya sila sa bintana noh! Pero bago ko sabihing nasa tapat ng cafe si Jairus ay umalis na siya at pinaandar ang motor niya. Yoks!
This is just a misunderstanding! And all of these things & feelings are just misunderstandings!
****
kryptonitegirl's note: Double update for today. Medyo bumabawi! Haha. Leave some feedbacks or comments. Alright? Haha. Thankyou! 14344! :**
BINABASA MO ANG
The Antagonist. (NashLene & JaiLene)
FanfictionWho'll be 'the antagonist' of this wonderful tale? Nash Aguas or Jairus Aquino? Will that antagonist succeed in ruining everything? Find out. © kryptonitegirl2 2014