The Antagonist 10: Attention.

604 44 9
                                    

****

SHARLENE'S P.O.V

"Bakit Jairus?" Lumapit ako sa kanya at nagsalita.

Tinignan ko si Mika at nag-thumbs up siya sa akin. Tinuro na niya yung relo at sign na yun na next class na niya kaya lumayas na siya.

Tinignan ko rin si Nash na naka-crossed arms ngayon. Ang taray ng Doñ niyo! Mamaya ko muna siya kakausapin.

Pero si Jairus ang pinili ko kay Nash sa hindi mapaliwanag na dahilan. To be honest, parang nanghula lang ako. Hindi ako nag-iisip at kusang pumunta ang paa ko papunta sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit nangyari yon!

"Half day naman ngayon, diba? Aayain sana kitang gumala. Pwede ka ba mamayang hapon?" Wala akong duty ngayon kaya gusto ko ring magpahinga. Bahala na nga!

"Sorry Jairus ah. Balak ko kasing magpahinga mamayang hapon." Nag-pout siya.

"Nagpapacute ka ba sa akin? Haha!" Natawa kasi ako sa pagpo-pout niya eh.

"Paano kung sabihin kong 'oo'?" Kinindatan naman niya ako ngayon.

"Sus! Haha. Pasensya ka na talaga Jairus. Next time na lang ah!"

"Tinanggihan mo ako ngayon kaya may utang ka sa aking dalawang friendly date. Kada tatanggi ka madodoble yun!"

"Trip mo ako ngayon ah! Haha!" Dinilaan ko siya. Nahahawa na ata ako sa pagkaisip-bata nila ni Nash!

"Just call it a wonderful journey Shar!" Tinapik niya ang balikat ko saka umalis. I just shook my head. People around me are getting weirder everyday.

****

"Hoy babae! Buksan mo nga to!" May narinig akong nagsalita galing sa labas.

"Ang aga mo namang umuwi Mommy! Akala ko ba mago-overtime ka ngayon?"

"Anong Mommy pinagsasabi mo dyan? Baka mahulog na ako rito oh! Dali!" Boses lalaki yun ah! Agad akong napabangon sa kama! Sino yung nagsasalita?!

"WAAAAAAAH! TULONG!" Napasigaw ako kasi sa bintana ng kwarto ko, may lalaking nakasampa sa puno!

"NASH?!" Tama! Si Nash nga!

"BUKSAN MO NA ITONG BINTANA MO! PAKIDALIAN! BAKA MA-HEADLINE KA NA BUKAS SA PAGPATAY NG ISANG HEIR OF AA INC." Sigaw nito na sobrang rinig ko! Binuksan ko ang bintana at saka siya pinapasok. Teka! Bakit ko nga ba siya pinapasok?

"Huwag kang lalapit!" Binuhat ko yung upuan na nasa kwarto ko. Bakit ba siya nandito? Mamaya'y masama pala intensyon niya!

"Chill lang Sharlene. Wala akong masamang balak sa'yo. Magpapaliwanag ako kaya bitawan mo yang upuan mo."

"Go ahead!"

"Kanina kasi nung tinawag ka naming parehas ni Jairus, siya yung pinuntahan mo. Hindi ko na kayo hinintay matapos mag-usap dalawa kasi naiinip ako." Ah, kanina nung pinapili ako ni Mika kung sino ang mas type ko.

"Tapos?"

"Itetext o tatawagan sana kita kaso wala nga pala akong number mo."

"And then?"

"Kaya pumunta na lang ako rito sa bahay niyo para dito na lang tayo mag-usap. Kanina pa ako doorbell nang doorbell kaso hindi ka nagbubukas ng pinto. Sabi ng mga kapitbahay niyo, nasa loob ka naman daw."

"Kaya umakyat ka na lang ng bintana kasi sobrang inip ka na? Natyempuhan namang yung puno na inakyatan mo ay katapat lang ng kwarto ko?" Dugtong ko sa sinasabi niya.

"Exactly." Bumuntong hininga ako bago ulit magsalita.

"Gaano ba kaimportante yang sasabihin mo? Kung hindi yan mahalaga, babaliin ko na yang buto mo ngayon din!"

The Antagonist. (NashLene & JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon