The Antagonist 11: Game.

613 44 15
                                    

****

SHARLENE'S P.O.V

Kinusot ko ang mata ko at binasa ulit ang message ni Jairus. Rereplyan ko ba ito o hindi? Eh kung si Nash na lang kaya itext ko at tanungin?

To: Prince Nash

Bakit sinasabi ni Jairus na lumayo ako sa'yo?

Huwag kayong mag-alala, siya yung nag-save nyan nung araw na may nang-holdap sa akin.

Nash: Bakit? Hindi mo ba kakayanin? Mamimiss mo kaagad ako? ;)

Pinalitan ko na name niya sa phone ko. Nagbibiro ba ito or what?

Sharlene:

Kayang-kaya kong iwasan ka kahit forever. Sanay na sanay na ako ever since. :P

Nag-reply na siya pagkatapos ng ilang minuto.

Nash: Tignan natin kung sino unang bibigay sa atin. Sweet Dreams! ;)

Hindi ko na siya nireplyan after. Hinahamon niya ako ah! Game!

****

"Bye muna girls!" sabi ni Jairus sa mga kasama niyang babae at tumakbo papunta sa akin.

"Kay aga-aga nakikipag-flirt ka kaagad. Naku Jai! Haha!"

"Ayaw mo bang lapitan ko sila? Sabihin mo lang. Ikaw lang yung babaeng lalapitan ko sa campus unless urgent masyado."

"Tigilan mo nga yang kalokohan mo. As if namang kaya mo eh."

"Nagseselos ka yata eh." Namilog ang mata ko pagkatapos niyang sabihin yan. Aba't lakas ng trip nito ah!

"Hindi ah. Bakit naman ako magseselos?"

"Kasi type mo ako. Joke!" Nag-peace sign siya. Mas lalong namilog ang mata ko. Don't tell me sinabi ni Mika sa kanya?!

****

Nakasalubong ko si Nash sa hallway at nanibago kasi dinaan-daanan niya lang ako. Oo nga pala! Yung game naming patiisang hindi mamansin. Mukhang seryoso ata siya.

"Gusto mong manuod ng cheer dance practice namin girl?" Araw-araw si Mika na ang nagiging kasabay ko. Nagtataka nga yung ibang tao kung bakit sa lahat ng pwedeng sabayan ni Miks, ako pa. Miski ako nga rin eh.

"Oo. Sige, nuod ako ng practice niyo para sa'yo."

"Ako lang ba talaga papanuorin mong magpractice sa gym?" Siya yung nag-aya ah.

"Oo, saka yung cheerleading squad niyo. May iba pa ba?"

"Pffft! Baliw ka! Hindi ka ba manunuod ng basketball practice ni Jairus?"

"Meron ba silang practice?" Wala kasi akong pakielam sa ganitong issues.

"Ano ba yan! Hindi ka papasa bilang stalker. Nuod ka mamaya ah. Promise mo yan!" Tumango na lang ako kay Mika. Ano ba ang mangyayari kung manunuod ako mamaya?

****

Pumunta ako ng gym at nagtaka ako kung bakit ang daming tao. Practice lang naman ngayon ah.

"Late ka namang dumating eh. Tapos na kaming mag-practice."

"Tapos na kayo?"

"Oo. Tinapos kaagad yung practice para sa basketball club practice game."

"Kaya ba maraming tao ang manunuod ngayon?"

"Talaga bang hindi mo alam? May basketball practice game ngayon. Pinaghiwalay si Jairus and Nash ng team. Sila ang team captain ng bawat grupo kaya magkalaban sila." Kaya pala ang mostly babae ang nanunuod. Fangirls everywhere!

The Antagonist. (NashLene & JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon