The Antagonist 9: Right Side.

559 41 9
                                    

****

SHARLENE'S P.O.V

"Ano? Gusto mo si Jairus?" Umiling ako sa kanila.

"Hindi ah. Nasa tapat kasi ng cafe kanina si Jairus, kakaalis lang." Tinignan nila Alexa at Nash ang tapat ng cafe. Umalis na nga si Jairus eh! Nagkataon lang talagang nakita ko siya.

"Huwag ka ng mag-deny girl! Nadulas ka na kanina oh. Jai is a good guy. All-in-one package kagaya ni Nash." Ngumiti or I should say, nagpacute si Alexa kay Nash.

"Ginawa mo pa akong kape dyan. Tsk." Ang sungit talaga nitong si Nash kahit kailan. Pinupuri na kaya siya! Hello!

"Sharlene, kailan ka pa nagkagusto sa mokong na yon?" Ma-authoridad na tanong sa akin ni Nash? O mali lang observation ko?

"That's none of your business Nash. Feelings come unexpectedly. Sharlene, just don't let your feelings for Jairus go ah. He's a good man indeed." Facepalm!

"Mali talaga ang iniisip niy------."

"Oy! Hindi mo ba kukunin order namin?" Makapag-utos naman reng si Nash. Pero tama siya, dapat kanina ko pa kinuha yung order nila. Mapapagalitan na ako ni Manager nito.

After an hour, umalis na sila Nash at Alexa at nakita kong hinalikan na naman ni Alexa si Nash sa cheeks. Ilang minuto lang, pumasok ulit sa loob si Nash.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?"

"I don't wanna. Hihintayin ko pang matapos duty mo." Hindi ko na lang siya pinansin. Napagalitan na kasi ako ni Manager eh.

"Kung kaya mo ako hinintay para mag-thank you. Huwag kang mag-alala! You're welcome!" sabi ko kay Nash.

"Who said that I like your idea?"

"Si Alexa! Hindi mo ba nakita kanina? Tuwang-tuwa siya dahil sa date niyo. Ayokong magpaka-corny pero alam mo naman yung sparkling eyes, diba?" Nagsalubong ang kilay niya ngayon. May sinabi ba akong mali?

"Yck! Date? Siya lang yung natuwa at hindi ako. Because of your idea, this stupid burden I've been carrying gotten bigger." Anong drama inaarte niya ngayon? Magpasalamat lang siya at tapos na ang lahat. May pa-burden burde pang nalalaman!

"Ang gulo mo! Alam mo ba yun?"

"Its just because you can't understand my situation." Talagang hindi.

*beep* *beep* *beep*

"Pssst! Kayong dalawa!" Lumitaw si Jairus sa tabi naman na naka-motor.

Itong lalaking to! Ugh! Bakit kasi lumayas siya nung nasa tapat siya ng cafe? Convinced na convinced tuloy si Nash at Alexa na gusto ko nga si Jairus. I'm doomed!

"Hinintay ko lang siya." Tinuro ako ni Nash.

"Alam mo rin yung tungkol sa part-time job ni Sharlene?"

"Bakit parang gulat na gulat ka? Eh ikaw, anong ginagawa mo dito?" Totoo namang gulat si Jairus. Hindi pa pala nila sinasabi sa isa't-isa na alam nila ang tungkol sa job ko. Nakakagulat ah!

"Ihahatid ko sana si Sharlene sa bahay nila eh. I'm just keeping her safe. Marami ng crimes ngayon, you know?" Feeling ko namula ako after sabihin ni Jairus yun.

"Kailan ka pa naging promoter ng safety and security? Naalala ko tuloy nung muntikan ka ng makasunog ng 10-storey building na may 120 employees! We're still 9 years old back then." Ngumisi si Nash kay Jairus.

"Are you trying to imply na dangerous akong tao? Baka hindi mo naaalalang may muntikan ka ng may maitulak na staff sa dagat habang nasa cruise ship tayo." paliwanag naman ni Jairus.

Hmm. Mas dangerous kung si Nash ang kasama ko kesa kay Jairus. Pero mas gugustuhin ko na yata yung may muntikang mahulog na 1 person sa cruise ship kesa kay Jairus na makakasunog ng building na may 120 employees. Kinikilabutan tuloy ako sa kanila!

Pinaglalabanan din ba nila kung ilang tao mapapatay nila? Lord! Bless their souls!

"Tama na nga lahat ng ito. Ano ba hahantungan ng usapan na to?" Bigla kong singit sa kanilang dalawa. Nagtitigan sila at walang maisagot. Ang sarap nilang pag-untugin!

"Sakay ka na Sharlene. Ihatid na kita sa inyo." Papayag ba ako or hindi? Nandito rin kasi si Nash at hinintay din niya ako. Natablahan ako ng dalawang hiya ngayon ah!

"Sabay na lang ako sa inyo. Pakihatid na rin ako sa amin Jairus."

Hindi nakatanggi si Jairus kasi pinilit ko na rin siya. Nung una, nagbubulyawan yung dalawa kasi ayaw ni Jairus na isakay si Nash kesyo mabigat daw. Ang suggestion naman ni Nash ay siya na lang ang magdri-drive ng motor eh ayaw naman ni Jairus kasi baka trip to hell daw ang mangyari sa amin.

Pero hindi lang sila natatapos sa ganyang away. Nung umangkas na kasi kami, pumwesto sa likod ni Jai si Nash na siya naman kinainisan nito. Kaya ang ginawa ko na lang ay pumwesto sa gitna nilang dalawa para hindi na magkausap at magkadikit ang mga ito.

SINABI NA NGA BANG SOBRANG GULO ANG MAGIGING BUHAY KO AFTER MAINVOLVE SA KANILANG DALAWA EH! UGH!

****

"Good Morning Sharlene! Good Morning Rapunzel! Hahaha!" Nasa cafeteria ako ng tumapat sa upuan ko si Mika. Napakalapad pa ng ngiti nito. Creepy!

"Rapunzel?" Hindi ba mahaba buhok nun?

"Ikaw si Rapunzel, diba? Ang haba ng hair mo nung hatinggabi eh. Haha! Secret lang ulit natin yon." Wait- Huwag niyong sabihing nakita niya kami nila Nash at Jairus? Hindi naman ako gaanong slow para hindi magets ang sinasabi niya tungkol sa hatinggabi.

"Nakita mo yun? Paano?"

"Don't worry, hindi ko kayo inistalk. Its just nakatira lang ako sa area na nadaanan niyo nung hatinggabi. Hindi na ako magtatanong kasi magkakaibigan naman kayong tatlo eh, magmumukha lang akong chismosa. Pero may tanong na kanina pa nagbo-bother sa akin."

Kung alam mo lang Mika na ngayon lang ako nakipag-interact sa mga immature beings na yun.

"What's that?"

"Kung si Nash ang mas type ko kesa kay Jairus. Ikaw? Sino ang mas type mo sa kanilang dalawa?" Naibuga ko yung juice na iniinom ko.

"Pass!" Hindi ko pa naiisip yung tanong na yun. Nakakagulat itong tanong ni Mika.

"Kasi kilala mo na sila simula pagkabata. Alam mo na ang strengths and flaws nilang dalawa, so sino nga?"

Totoong kilala ko na yung dalawang yun and naoobserve ko ang mga changes sa kanila throughout the years. Ako lang naman itong lumalayo sa kanilang dalawa kaya hindi nila ako gaanong kilalang.

"Kung hindi mo kayang sagutin. Just close your eyes and isipin mo kung sino." Sinunod ko naman si Mika.

May nagpop-up na scenario sa utak ko. Nagkakarera daw si Nash at Jairus at ako ang nasa finish line. Nung una, si Jairus ang nakakalamang pero nakahabol si Nash. Unti-unting humahabol si Jairus pero...

"SHARLENE!" Natigil ang weird scenario na naiimagine ko. Paano ba naman kasi may dalawang taong tumawag sa pangalan ko!

"Speaking of the devils! Magpatayo na kaya ako ng pwesto sa Quiapo bilang matchmaker? So, sino sa kanilang dalawa? Wagas sila kung maka-timing ah! Haha!" sabi sa akin ni Mika.

Nasa may tapat ng table na kinuupuan ko ngayon silang dalawa. Nasa left side si Nash samantalang si Jairus naman ay nasa right side. Sino nga ba? Tumayo ako sa table at nararamdaman kong sinusundan ako ng tingin ni Mika.

"Bakit Jairus?" Lumapit ako sa kanya at nagsalita.

Am I really on the right side? I don't know.

****
kryptonitegirl's note: Kinikilig kasi ako sa mge feedbacks/ comments niyo kaya ginaganahan akong mag-update. Continue leaving some mga par! 14344! :**

The Antagonist. (NashLene & JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon