****
SHARLENE'S P.O.V
"Milady, I like you too."
Tinusok na ni Mika yung bewang ko kasi kanina pa ako nakatulala. Hello! Hindi ko kaya alam gagawin ko! Ano ba ang dapat?
"Kakain na daw ng snacks Jairus!" Tinawag siya nung isang ka-teammate niya. Ngumiti siya bago tumalikod at saka tumakbo. Save by the bell!
"Girl, I like you too daw. Tama naman rinig ko diba?"
"Mika, mali to. Maling-mali talaga."
"What's wrong girl? We heard it na directly from him."
"Hindi ko siya gusto. Wala akong gusto, okay? Wala akong gusto sa isa sa kanilang dalawa. Oo, sinabi kong type ko si Jairus pero biglaang sagot ko lang yun."
"Hah? Eh saan nanggaling yung Alexa chuchu na nagsabing gusto mo raw si Jairus?" Bakit ba kasi sinabi ni Alexa?
"Mahabang kwento eh. Misunderstanding lang ang lahat. Pakitaga sa bato!"
"Sabi mo kaya sige na nga. Pero paano na yan? Kakausapin mo ba si Jairus?" Bahala na! Kailangan kong itama itong pagkakamali na to.
****
Jairus calling...
Tumatawag si Jairus? Masagot na nga!
Hello! Jairus?
[Hi Sharlene! About doon sa kanina...]
Jairus, may kailangan akong sabihin sa'yo.
[Ako rin eh. Ikaw muna! Go ahead!] Kailangan ko ng lakas ng loob. Kaya mo ito Shar! Fighting!
Jairus, about doon sa sinabi ni Alexa, i think its just a misunderstanding. I like you. I like you as a friend.
Padalos-dalos ba ako masyado? Ugh! Pero ito naman kasi ang totoo eh. Ayokong umasa yung tao kung totoong gusto niya ako. At kung pinagtritripan niya lang ako, ayos lang. Sinabihan ko lang naman siya na I like him as a friend!
Hindi pa rin binababa ni Jairus yung tawag pero hindi siya sumasagot. Patay na! Pakilamon na ako lupa!
3 minutes passed at hindi pa rin siya sumasagot. Papatayin ko na ba?
[Okay. Good Night!] Bigla siyang nagsalita at pinatay na niya yung phone niya.
Ano daw? 'Okay. Good Night!' Wala na siyang iba pang sinabi? Anong mukha ihaharap ko sa kanya bukas? Makakatulog ba ako ngayon?!
Balak ko sana siyang itext pero hindi ko alam ang itetext ko sa kanya. Wala pa naman akong alam sa ganito!
Wala pa akong nagiging boyfriend since birth at hindi pa ako naiinlove kahit minsan. Lovestory nga ng parents ko palpak eh!
Ang nakakagulat lang, yung taong damang-dama ko ang presence simula pagkabata pero hindi ko naman pinapansin ay bigla-biglang magkakagusto sa akin! Nakaka-Jongdae lang po kaya!
The next day...
May mukha naman akong naiharap sa campus kanina kasi absent si Jairus. Pati nga si Nash absent eh. Bakit kaya?
Nakakapanibago nga lang at walang maingay sa magkabilaang side ko. Wala ring kumukulit sa akin. Kaso si Nash naman ang palaging nambwibwisit sa araw ko eh.
Teka- Namimiss ko ba ang isang yon? Este- Ang dalawang yon?
Jairus calling...
Tama ba lumalabas sa caller ID ko? Tumatawag na naman si Jairus? Sige Shar, hingang malalim at saka mo sagutin yung tawag niya.
Uhm. Jairus?
[Tingin ka sa langit.] Ginawa ko nga ang sinabi niya at tumingin ako sa langit.
[Anong nakikita mo?] Edi yung normal na nakikita sa langit tuwing gabi. Ano pa ba?
Clouds, stars at saka yung moon.
[Maganda ba?] Oo naman, marami kasing stars ngayong gabi eh.
[Ganyan ang buhay ko Shar, maganda. May mga nagbibigay liwanag at nagpapakinang sa akin. Kuntento na ako sa buhay na to. Pero nung dumating ka....]
*Boooom* *Boooom* *Boooom* (insert fireworks sounds here. haha.)
WOW! ANG GANDA GANDA NUNG FIREWORKS DISPLAY! KAHIT SAGLIT LANG YUN MANGHANG-MANGHA AKO! SOBRANG GANDA TALAGA!
Pinasadya ba yun ni Jairus para sa akin? Hindi naman ako naga-assume pero bakit kasi saktong-sakto?
[Pero nung dumating ka Sharlene, ang buhay kong maganda na ay lalo mo pang pinaganda. You make my life colorful. Very colorful! You said you only like me as a friend? Pwes! I'll make you like me more than that! Understood? Sweet Dreams my lady!]
Inend call na niya na hindi man lang ako nakapagsalita kahit katiting. Natameme ako! So, seryoso nga siya sa akin?!
"Sharlene, bumaba ka na dyan at kakain na tayo!" Bumaba na nga ako ng kwarto para kumain ng hapunan. Hindi nagluto si Mommy at take-out lang nasa hapagkainan.
"Bakit late ka ng umuwi Mommy?"
"Hinintay ko lang kasing bumalik si Ma'am Aguas sa office niya. Hinatid si Nash." Bakit nadawit pangalan ni Nash dito?
"Saan naman po hinatid si Nash?"
"Sa airport. Flight kasi kanina ni Nash papuntang States. Hindi mo ba alam?" Wala akong kaalam-alam! Pumuntang States si Nash?!
So... What did I missed again?!
****
kryptonitegirl's note: Medyo short update pero marami pang mangyayari guys. Abangan! Huwag kayong kabahan. Haha. :)Gimme some feedbacks/ comments guys! Thanks & 14344! :**
BINABASA MO ANG
The Antagonist. (NashLene & JaiLene)
FanfictionWho'll be 'the antagonist' of this wonderful tale? Nash Aguas or Jairus Aquino? Will that antagonist succeed in ruining everything? Find out. © kryptonitegirl2 2014