The Antagonist 15: Chances.

450 35 3
                                    

****

SHARLENE'S P.O.V

"Jairus, may kailangan akong sabihin sa'yo." Mukhang hindi ko pa kayang sabihin talaga. Huwag na lang kaya muna?

"Ano yun?" tanong ni Jairus sa akin.

"Wala pala. Nakalimutan ko na. Haha. Pasok kayo ni Miks sa loob, ipaghahain ko kayo ng hapunan." Hindi pa ako prepared.

"Sharlene, bakit ka pala may mga hawak-hawak na mga flowers at lobo?" Feel ko nanlaki mga mata ko. Oo nga pala noh. Itong mga bigay kasi ni Francis. Ayun, alam ko na!

"Isosorpresa ko lang si Mommy kasi mukhang pagod na pagod na siya sa work niya these days eh." Waley na palusot Shar. Uwe!

"You're such a sweet daughter Sharlene." He smiled sweetly, ayokong sirain ang smile na ito ngayon kapag nagkataon.

Pinaupo ko lang at pinanuod ng tv si Jairus kasi aminado naman siya na wala siyang alam na gawaing bahay. Kaming dalawa lang ni Mika ang nasa kusina at nagluluto.

"Mka, mukhang hindi ko pa yata kayang aminin kay Jairus."

"Bahala ka ateng, ikaw ang guguhit ng sariling kapalaran niyo. Haha. Depebde na sa'yo kung maganda o panget ang kakalabasan."

May point si Mika. Saan ba kasi ako kukuha ng lakas ng loob para ireject yung tao? Ang sama ko lang talaga.

"Ang sarap mong magluto Sharlene. Yummy!" sabi ni Jairus sa harap ng hapagkainan.

"Oo nga Sharlene. Tinulungan kitang magbalat ah." Ako naman talaga ang nagluto ng lahat. Good thing to know na nagustuhan nila ang steak ko.

"Wala na tayong gagawin by next week, diba?" Oo nga pala noh, hindi ko naalala na foundation week na pala.

"May sasalihan ka ba Sharlene? Doon na lang ako sa booth ng department natin mag-stay eh." sabi ni Jairus.

"Wala naman talaga akong sinasalihan kada taon. Bakit hindi ka sasali ngayong year?" Nakakapanibago lang na wala siyang salihan kasi laging active sa Jai sa mga ganitong activities.

"Wala na kasi si Nash eh. Wala na akong magaling na kalaban. Haha!"

"YABANG!" sabay naming sabi ni Mika. Aminin man o hindi ni Jairus, miss na nga niya si Nash. Hindi man lang daw magawang magparamdam ng loko. Baka napano na daw yun sa States eh. Haha.

****

"For this Department, kailangan natin ng dalawang representative para sumali sa talent contest ng school. Girl and boy only. Sino ang magvo-volunteer?" Inisnab lang yung President namin kasi walang interesado. Talent contest pa more.

"How about you Mr. Aquino? Why don't you join the contest?"

"I don't wanna." Talagang wala siyang interes sumali ah.

"You're a competitive person. What happened? Sino ang gustong maging partner ni Jairus just in case?" Gustuhin man nilang sumali, wala talaga silang interes.

"Ikaw Sharlene? Ayaw mo bang sumali?" Nadawit pa pangalan ko. Akala ko ba volunteer?

"Ayaw po." Biglang tumayo si Jairus sa upuan niya at ikinagulat ko na lang ang mga sumunod niyang sinabi.

"Kami na lang pala ni Sharlene ang sasali kung wala talaga. I'll play the piano and she'll play the violin. Ako na lang yung accompanist."

"Settled."

Facepalm! Naku Jairus Aquino! Argh!

****

"Anong piece tutugtugin natin?" Nandito kami sa music room kasi kinukulit niya akong maghanda kasi next week na yung laban.

"Aba't malay ko sa'yo. Labag naman kasi sa kalooban ko yung pagsali dito eh."

"Sorry Shar! Peace tayo! Haha!" Nagsimula na siyang maghanap ng piyesa. Nakakatamad kayang humanap. Umupo lang ako at pinanuod ang ginagawa niya. Seryosong-seryoso siya dito ah!

"Bili lang ako ng drinks natin Jairus. Ano gusto mo?"

"Ikaw na bahala. Lahat naman ng tungkol sa'yo, magugustuhan ko." Ikinukumpara ba niya ako sa juice drink?

Bumili ako at medyo napatagalan ang pagbalik ko sa Music Room dahila nautusan pa ako ng hindi oras ng Professor ko.

"Jairus, soda binili ko sa'yo!" Pagkakita ko kay Jairus, tulog na tulog na siya. Susuko rin pala yung tao. Haha!

Na kay Jairus na nga siguro ang lahat. Pero ano ba kasi ang hinahanap ko sa isang tao kaya bakit parang walang nagbabago sa nararamdaman ko sa kanya?

Paano ba kasi nangyaring nagustuhan niya ako kahit ngayon lang siya naging aware sa presence ko? Ang bilis kasi talaga eh.

*chup*

Ano ba ginawa ko? Bakit ko siya hinalikan sa noo?! Harassment to Shar! Haha.

"Ang bilis kasi Jairus eh. Patawarin mo ako kung ngayon pa lang hindi ko narereturn ang feelings mo para sa akin."

Tulog naman siya kaya okay lang na sabihin ko sa kanya to. Pero ang duwag ko naman. Di bale, masasabi ko rin siguro sa kanya kapag gising siya.

Gustuhin ko mang ibigay ng buo yung chance, parang may pumipigil talaga sa akin.

****

"Bakit nandito ka na naman sa labas ng gate ng university?" tanong ko kay Francis.

"Wala lang. Gusto lang kitang makadaldalan bago ako umalis. 4 days nga lang kasi ako dito eh. Nakita ko ulit mga kaibigan ko pwera kay Nash."

"Nag-cameo ka lang pala eh." Kasi saglit lang siyang lumabas. Gets? Haha.

"Sabihin na nating cameo pero proxy talaga ako eh. Cameo proxy? Ang pangit pakinggan."

"Sinasabi mo! Magtigil ka na nga. Haha."

"Pero bumalik na yung dating ikaw ah. Tumatawa ka na ulit gaya ng dati. Hindi kagaya nung..." Nung sumama sa ibang babae tatay ko.

"Ganun talaga, may chance talaga para bumalik sa tamang ayos ang lahat."

"I see, may tao kasi akong kilala na ang daming nasasayang na chances ngayon eh. Pero hindi naman niya kagustuhan lahat ng nangyayari kaya kawawa siya."

"Oh? Ano na naman yang tinutukoy mo?"

"Ang talambuhay ni Nash Aguas! Haha."

****
kryptonitegirl's note: Another waley na chapter. Bear with it na lang guys hanggang sa mga susunod na chapter. Thankyou kung babasahin niyo pa rin siya! :) Leave some feedbacks hah? XD 14344! :**

The Antagonist. (NashLene & JaiLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon