****
SHARLENE'S P.O.V
"Joke time ba to Mommy? Parang kahapon lang nandito si Nash ah."
"Kahapon yun anak, kanina nga ang flight niya. Naiintindihan mo ba?"
"Hanggang kelan po ba siya doon? Kailan po ba ang balik niya? Anong gagawin niya doon? Paano yan? Absent ba siya o nag-drop na?" Binitawan ni Mommy yung kutsara at tinidor niya at saka ako tinignan.
"Anak, wala akong alam. Bakit ka nagpapanic dyan? Samahan kaya kitang magtanong kay Ma'am Aguas kung gusto mo." Umiling-iling ako. Bakit ko nga ba tinadtad ng tanong si Mommy? Hays.
****
"Mauupakan ko yung Aguas na yun kapag nagpakita siya sa harapan ko balang araw eh." sabi ni Grae. Yung dating limang magkakabarkadang laging tambay sa may pintuan, aapat na lang.
"Ang walang hiya! Hindi man lang nagpaalam sa atin?" sinuntok naman ni Brace yung pinto.
"Sabay-sabay nating kuyugin kapag nakita natin oh? Ano bang gagawin niya sa States? Baka daw mag-stay na yun for good ah?!" si Joaquin naman ang nage-emo ngayon.
Pati pala sa kabarkada niya hindi siya nagpaalam? At ano daw? For good na si Nash doon?!
Pati mga blockmates namin kanina pa humuhulas ang make-up kasi umiiyak sa pagkawala ni Nash. Minsan na lang daw sila magkaroon ng gwapong blockmate, umalis pa.
"Baka bukas nandito na ulit yung lalaking yon eh." Oh yeah, kinakausap ko na ang sarili ko.
"I don't think so." Umupo na si Jairus sa upuan niya. Haya! Yung pag-amin pala niya kagabi noh!
"Bakit mo naman nasabi?" I acted cool. Syempre para hindi halatang naiilang akong nasa tabi ko siya ngayon.
"Baka finorce na siya ng mga grandparents niya na mag-stay doon. Matagal na kasi siyang kinukuha and as far as I know, he doesn't disobey his grandparents will. Wala kasi parents ko sa bahay kaya hindi ko alam ang complete details." Kaya pala biglaan. Parang kahapon lang, tinanong niya ako ng...
"Miss mo na kaagad ako?"
Parang? Nakakamiss din pala ang isang Nash Aguas. Ang unfair lang, hindi man lang nagsasabi!
****
"Sunduin kita ulit mamaya ah?" tanong sa akin ni Jairus.
"Ayos lang ba to Jairus? Araw-araw mo akong sinusundo ah. Nakakaistorbo na kasi ata ako eh." Yes, naging consistent na siya sa pagsundo sa akin.
"Hindi ah. Mabuti nga't hanggang 9 na lang duty mo kaso naging 4 days naman. Ayos lang to, gagawin ko lahat para sa'yo. Sige, kita na lang ulit tayo mamaya!" Hindi ko alam pero nahihiya na ako kay Jairus. Yung feelings ko ba sa kanya? Hindi ko rin alam eh.
Isang linggo na ang lumipas simula ng umalis si Nash. Nagluluksa pa rin ang mga nagkakacrush sa kanya. Pinapunta nga daw talaga sa States si Nash ng mga grandparents niya at hindi alam kung kailan ang balik nito miski ang mga magulang niya. Doon na nga daw ito nag-aral eh.
"May papel kang nahulog oh." Pinulot ni Mika yung lukot na papel na galing sa bulsa ko. Oh my!
"Explain mo nga sa akin ito. Bakit may pangalan ni Nash? Tapos may nakalagay na unfair, madaya at maduga?" Huli na ang lahat! Nabasa na niya. Ugh! Nakatingin lang kasi ako sa upuan niya kaya ko naisulat yan.
"Miss mo na yung tao noh? Aminin! Kaya pala walang improvement kay Jairus kasi..." Nag-walk out ako. Ito na naman kasi yung wagas na pang-aasar niya. Boredom strikes lang kaya!
****
Lumabas na kaagad ako ng campus para hindi ako maabutan at makulit na naman ni Mika. Yung babaeng yun talaga! Habang naglalakad ako sa daan, may nakita akong sobrang pamilyar na tao.
"Ex-seatmate! Ikaw ba yan? Ang dami kong nalaman tungkol sa'yo ah!" Totoo ba itong pinagsasabi niya?
"Hindi mo ba ako namimiss? Its been two years na ah! Hindi mo ba namimiss ang SharCis loveteam natin?" Loveteam? Luls. Inihampas ko sa kanya yung librong dala-dala ko.
"Wala ka pa ring pinagbago! Ikaw pa rin nga yang sobrang taray na yan! Pero aminin mo, namimiss mo na ang isang Francis Magundayao noh? Usong umamin Shar."
Let me introduce this immature jerk. Francis Magundayao na ex-seatmate ko nung 4th year kaso lagi naman siyang lumilipat ng upuan. May bulate kasi sa tiyan. Siya ang pinakamaingay sa aming magkakaklase noon.
Ang alam ko rin, one of the closest friend siya ni Nash nung highschool at hindi ko alam kung nagkakausap pa sila ngayon kasi lumipat na siya ng tirahan. Bakit kaya siya napadpad ulit dito?
"By the way, saan galing yang roses na hawak mo?" Patay, bakit ko pa ba hawak-hawak itong mga bulaklak na bigay ni Jairus?
"Ano bang pake mo?"
"Nagdadalaga ka na ah. Sino yang nanliligaw sayo hah?" Kung ipasubo ko kaya sa kanya itong mga bulaklak na to ngayon ah. Bad Shar! Bad!
"Sharlene, nauna ka na pala." Sumulpot si Jairus sa likod ko at nabigla din siya ng makita si Francis.
"Kiko?"
"Yes, the one and only. Kailangan ko na palang umalis pero bago yan, kanino nga galing yang bulaklak mo Shar?" Nasa varsity sila dati nila Nash pero mukhang hindi sila close ni Jairus. Kay Nash kasi kumakampi ang isang to.
No choice. Kailangan kong aminin kasi nandito sa tabi ko yunh nagbigay ng bulaklak.
"Dito kay Jairus." Tumango siya at saka nagpaalam. Mabuti na lang at lumayas na yung lalaking yun. Hindi man lang nag-mature kahit kapirangot.
****
FRANCIS' P.O.V
[Ganun ba?]
"Oo nga. Bakit ayaw mong maniwala?"
[Okay, naniniwala na.]
"Bakit ba ang tipid mong sumagot? Pero okay lang, I know I'll enjoy this."
[Bahala ka sa buhay mo.]
"But always remember that I'm just using the techniques I got from you. Bye!"
Totoo naman eh, mana lang ako sa kanya. I know that these techniques will become useful. May utang ka na rin sa akin! Haha!
****
kryptonitegirl's note: Hi guys! Feeling ko walang kwenta na tong story ko pero sige, pupush ko pa rin siya kasi gusto ko talagang makatapos ng story. Kung babasahin niyo ito hanggang huli, isang virtual hug ang ireregalo ko sa inyo. Thank you talaga! Sana tanggapin niyo ending nito kahit anong mangyari ah? 20 chapters ata ang aabutin niya. :) 14344! :**
BINABASA MO ANG
The Antagonist. (NashLene & JaiLene)
FanfictionWho'll be 'the antagonist' of this wonderful tale? Nash Aguas or Jairus Aquino? Will that antagonist succeed in ruining everything? Find out. © kryptonitegirl2 2014