Part 1

13 0 0
                                    

Pano ko makakalimutan ang araw na bumago sa pagkatao ko. Isang pangyayari na pinipilit na kalimutan pero hindi magawa. Bawat pikit ng mata ko, yun at yun lang ang paulit ulit na makikita. Sabi nga nila, hindi mo buong maiiintindihan ang isang tao hanggat hindi ka nalalagay sa sitwasyon ng taong yun.

Dalaga at bata pa ako nun. Kakapasok ko lang sa college. Wallflower lang ang tingin ko sa sarili ko. Wala akong tiwala sa sarili. Para sakin, biro at hindi dapat agad maniwala kapag sinabihan ng maganda o cute. Huwag din seryosohin pag nagpakita ng interest o may nanligaw dahil una, hindi ako maganda. Pangalawa, kilala lang ang pamilya ko kaya gusto nilang maging malapit sa pamilya, o kaya. Hindi pa nila nakikita ang model mong kapatid kaya ganyan sila sayo.

Confessions of HannaWhere stories live. Discover now