Sabi nga you cannot have all the wonderful things in life. Pero grabe naman ang ibinigay sakin nung panahon na yun. 16 pa lang ako nun pero graduate na ko ng highschool. Kukuha na ko ng entrance exam para sa college. Hindi naman kami mayaman at taga probinsya ako kaya normal na isang government school ang pasukan ko. Gusto kong maging nurse nun, pero dahil alam kong wala kaming pera at pangingisda lang nakakakuha ng pagkakakitaan ang tatay ko, naisipan kong teacher. Para sakin mas praktikal ang propesyon na yun.
Kakatapos ko lang magtake ng entrance exam nun. Inabot na ko ng gabi dahil malayo sa bayan ang bahay naming. Tipikal sa probinsya: walang street lights, hindi sementado ang daan. Tahimik. Pero dun lang sa pagkakataon nay un nakaramdam ako ng kaba. Naramdaman ko na lang may pumalo sa likod ko habang tinatakpan ang bibig at ilong ko.
Nagising na lang ako at madaling araw na. ang sakit ng buong katawan ko lalo na yung ulo ko. Ang sakit gumalaw, alam ko, nasa talahiban ako o gubat. Wala akong magawa kundi umungol habang umiiyak, sobrang sakit, parang mamatay ako. Naalala ko nun, may matandang lalaki na lumapit sakin. Pagkatapos niya ko Makita, nagsisisigawa siya tapos hinimatay na ulit ako.
Pag gising ko, maliwanag na, nasa ospital na pala ako, andun na ang magulang ko, may kasamang mga pulis. Naguguluhan pa din ako. Mismong doctor na lang ang nagsabi sakin ng nangyari sakin : na gang rape daw ako.
Tinitignan ko ang mukha ni Hanna habang kinikwento ang pangyayari. Walang emosyon. Blangko lang ang mukha niya na para bang hindi siya nasasaktan sa mga nangyari sa kanya.
Nahuli ng mga pulis ang gumawa sakin ng kahayupan. Isang grupo ng mayayamang anak na wala na sigurong magawa sa buhay. Kinausap ang pamilya ko ng attorney nila. Sinabihan ako na wag na lang ituloy ang kaso dahil hindi naman ako mananalo at mapapahiya lang ako. Panigurado din dawn a matetelevise ang kaso kaya hindi daw ako matatahimik dahil makikita daw ng publiko ang mukha ko. Inalok nila ako ng pera. Malaking pera na kayang bumili ng bahay at lupa sa ibang lugar o sa kahit saan na gustuhin namin para makalimot at makapagsimula ulit. Tapos may pipirmahan na contrata na parehas na pamilya, kakalimutan ang nangyari at walang pupuwedeng magkwento. Sinabihan pa ko ng attorney nun, na Malaki ang matutulong ng kontrata dahil makakasigurado daw akong walang kliyente niya ang magsasalita ng kahit ano tungkol sakin para makapagsimula daw kami ng pamilya ko ng bagong buhay.
Tinitignan ko sila. Tahimik ang mga magulang ko. Alam kong galit sila. Galit na galit.
Ako na mismo ang pumayag sa inalok ng attorney. Naisip ko, mas kailangan ng pamilya ko ng pera. Para magkaron kami ng matinong buhay. At makaalis na kami sa barong baring na bahay. Nung una, ayaw pumayag ng magulang ko, pero anong magagawa nila? Takot ako. Alam kong hindi ko kakayanin ang masalimuot na pagkokorte. Alam kong mababaliw ako. Nagpasalamat ang mga magulang ng mga demonyong humalay sakin. At agad namang ibinigay ang pera samin.
Umalis kami agad sa probinsya namin. Alam naming hindi na kami pwedeng bumalik dahil sa masalimuot na pangyayaring yun. Gusto ko na lang yun ibaon sa limot.