Lumipat kami sa probinsya ng nanay ko sa Sorsogon. Bumili kami ng lupa dun na may koprahan na. kahit papano nakalilimot na din kami. Nagpasalamat na din ako dahil kahit papano, umayos naman ang buhay namin. Inaamin ko, minsan nagigising ako dahil sa sigaw. Napapanaginipan ko na din kasi. Kahit ngayon, may mga oras na bigla ko na lang maalala. Dun na din ako nagpatuloy ng pag aaral para maging teacher. May nakilala akong lalaki dun sa lugar naming, kaklase ko, si Gerard. Hindi siya kaguwapuhan, pero matangkad siya, moreno, at varsity player ng eskwelahan namin. Sinabi ko din sa kaniya yung nangyari sakin nung nagsimula siyang manligaw dahil gusto kong malaman niya ang lahat ng tungkol sakin.
Pero sabi niya, nakaraan na daw yun.
Naging magsyota kami. Tinanggap ako ng mga magulang niya at ganun din siya. Napagkasunduan na din namin na pagka graduate namin, magpapakasal na din kami agad. Balak naming sabay kumuha ng LET at sabay kami kumuha
kaso hindi siya makapasa pasa.
Naisipan na muna niya na habang hindi pa siya nakakapasa, tutulungan muna niya ang mga magulang ko sa koprahan habang ako naman, magtatrabaho bilang guro. Wala namang problema, nakakatuwa pa ngang isipin na sinusuportahan niya ako. Kahit pati sa balak ko na mag aral ng masteral.
Okey kami sa umpisa. Masasabi ko pangang napaka supportive niya. Pero habang tumatagal, nagiiba na din ang ugali niya. Nagiging mainitin ang ulo.
Nananakit.
Tapos, nalaman ko buntis na ko.
Masaya ako nun. Kaya maaga akong umuwi. Hindi ko na nga tinapos ang klase ko sa buong araw.
(habang nagkukwento si Hanna ang nagsindi ito ng sigarilyo. Ang layo siguro ng Hanna dati sa Hanna na kaharap ko ngayon)
Nagulat na lang ako, may kasamang ibang babae sa kwarto namin si Gerard. Kumuha ako ng lakas ng loob para sugurin silang dalawa. Pero bukod sa gulat, nasaktan ako ng Makita kong yung babaeng nagtatrabaho pala sa koprahan namin ang kabit niya. Kitang kita ko pa kung pano sila maging hayok sa isa't isa.
Kabustusan nila! Mga hayop!
dun pa talaga sa kama ko! Kaya ayun! Kinaladkad ko palabas ng bahay namin yung babae, habang sumisigaw, wala akong pake kahit alam kong nakahubad pa silang dalawa. Hinayaan kong maglabasan ang mga kapitbahay namin at tignan kung ano ang nangyayari para mapahiya ko yung babae dahil sa ginawa nila sakin. Pagkatapos nun, binato ko palabas lahat ng damit ni Gerard. Kunwari pang nagmamakaawa.
Pagnaaalala ko pa yun, natatawa na lang ako dahil sa mga pagmumuka nila. Ilang beses nagmakaawa nun si Gerard.
Pagkatapos nun, nahirapan na ko magtiwala. Minsan naisip ko pa nun na baka ako din ang dahilan kung nagawa ni Gerard yun. At yun ang isa sa mga pagkakamali ko na pinagsisisihan ko.
Nalaman ng mga magulang namin ang nangyari kaya pinag usap kami. Dun nila nalaman na buntis ako kaya napagsabihan ng matindi si Gerard.
Pero hanggang dun lang ang ginawa nila : hanggang sermon lang.
Kung tutuusin daw, ayaw nilang mangealam dahil problema daw naming magasawa yun.
Bandang huli, pinagbati pa din kami pinagkasundo na hindi na uulitin ang pangyayari.