Part 5 HANNA'S PERFECT LIFE

2 0 0
                                    


Hindi kami masasabing mayaman. lalo na pag nasa probinsya ka lang. bakit? kasi simple lang ang mga tao dito. pag sinubukan mong maghanap o gumawa ng bago, mapagiisipan ka ng masama.

bakit mo pa ba gugustuhing magkaron ng komplikadong buhay di ba? 

Pero para sa tulad ko na bata pa, mako consider kong mataas ang parang ko. gusto kong manirahan sa siyudad! magkaron ng malaking bahay at magandang kotse! magkaron ng mga alahas at magagandang damit. hindi naman masama yun di ba? lalo na kung hindi naman galing sa masama. 

masarap mabuhay sa lugar namin. Siguro dahil simple lang at malayo sa kumplikadong buhay sa siyudad sabi ng mga magulang ko. madaya sila, kasi sila pa lang ang nakakapunta sa Maynila. 


kaya pagiigihan ko. paniguradong pag natupad ang mga pangarap ko. maagang makakapag retire ang mga magulang ko. 

Confessions of HannaWhere stories live. Discover now